CHAPTER 26
REED POV
Okay na din tong ganito, para hindi umasa sa akin si Aqua. Kanina, inis na inis sila kina Vanessa. Nakakabigla nga lang dahil si Aire para mapanlilang, kahit kailan talaga ang babaeng iyon ay hindi ko siya magawang basahin sa kanilang apat.
Nandito kaming apat ngayon sa gymnasium, dahil gusto nila Vanessa na makita ang laro nila. Ewan ko ba, mukhang excited masyado ang pangkat nila Vanessa. Sabi nila mageenjoy daw kami sa games ngayon, kaya sumama na lang kaming apat. Simula kanina sa room hindi ko na muli nakita pa ang apat na nerds. Nag back out na ba sila?
Napatingin ako sa babaeng hawak ang mic, emcee yata sa larong ito. ang 1st game nila Vanessa ay Volleyball. Hindi namin kilala ang magiging kalaban nila, kaya nga kami nandito para na din makilala ang makakalaban nila.
"Good morning everyone. So here it is, the 1st game will be the VANC versus the NERDS." Sabi ng emcee. Nagsitinginan kaming apat na lalaki. Tinignan ko si Raven kung may idea ba siya rito, nagkibit balikat lang siya senyales na wala siyang idea nito.
"Maglalaro ang mga nerds? Marunong ba sila maglaro ng volleyball?" Tanong sa akin ni Zephyr at iginala ang paningin, hinahanap ata ang mga nerds.
"Aba, malay ko." Sabi ko na lang.
"Tiyak hindi magtatagal ang laro na ito. Ano 5k akin, kina Vanessa ako tataya." Rinig kong sabi ng estudyante na nasa likod ko.
"Pare malay mo mananalo ang nerds. Sa mga nerds ako tataya. 10k" sabi naman ng isa. Napatampal na lang ako sa noo ko samga narinig ko. May mga ibang negative reactions pa ako naririnig tulad ng
"Maglalaro ang mga nerds? Baka hindi na sila aabot ng set 3."
"Pfft~ Ano kaya itsura nila sa paglaro. Nakamahabang palda na daig pa si Maria Clara? Tapos naka eyeglass? Nakakatawa sila."
"Grabe ang mga nerds na iyon, akala nila makakaya nila sina Vanessa. Magagaling yata ang pangkat ni Vanessa."
Yan lang ang mga naririnig ko. Mga negative feedback tungkol sa mga nerds. Tahimik sina Chaser at Raven hinihintay ata ang unang laro.
"We have 5 minutes to start, and it looks like wala pa ang mga nerds. Kapag hindi sila dadating, kayo na ang panalo and we will proceed to the next group." sabi ng emcee na ikinahiyaw ng mga estudyante. May malaking tv sa gilid ng gym, side by side, kung saan nagsisilbi itong stop watch.
"Bro, dadating pa ba sila?" Tanong sa akin ni Zephyr. Hindi ko na siya sinagot, ewan ko ba dito akala ko ba wala tong pakealam ngayon halatang mabibisto pa ito na may pake.
Nasa kabilang side ang pagkat nina Vanessa, nagstrestretch ang mga kasamahan niya. Oo aaminin kong magaling sila, kaya hindi na ako magtataka kung matatalo nila ang mga nerds.
"3 minutes left." Sabi ng emcee. Nasaan na ba sila? Nang biglang may pumasok na tatlong babae sa gym. Agaw pansin sila dahil lahat ng tao na nasa gym ay napatahimik, tunog ng mga sapatos lang nila ang mga naridinig namin. Laha ng mata namin ay nasa tatlong babae na lumalapit sa emcee sabay pakita ng papel nila, mukha pa ngang nagulat ang emcee.
"Wow, sino sila? Transferee ba sila? Bakit ngayon ko lang sila napansin?"
"Bro! Ang kinis ng kuntis ang hahaba ng mga legs, flowless at ang puputi."
"Bro, mukhang magkamukha sila ng mga nerds."
Rinig kong sabi kaya mas tinitigan kong maigi ang tatlong babae. Hindi nga ako nagkamali sila nga ang mga nerd.
"The nerds are here already. Ngunit kulang pa kayo ng isa. Let's wait we still have 2 minutes left." Sabi ng emcee. Umupo naman ang mga nerds sa upuan at nagusap usap.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasy----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...