CHAPTER 17

4.5K 209 6
                                        

CHAPTER 17

CHASER POV

Nang lumabas ang tatlong nerds dito sa room, nagsitinginan kaming apat. Ano iyon? bakit ang lakas ng hangin kanina? Hindi ko naman iyon--- nevermind. Nakita ko si Raven na pasimpleng tinitignan kanina si Aire, may gusto ba siya doon?

"Bro? Saan ka pupunta bro?" Tanong ni Reed na kakadating lang. Meron pa tong hindi sinasabi sa amin, akala niya papalampasin namin siya.

"Lalabas, pupuntahan ang tatlong nerds." sabi ni Raven habang nakakunot ang noo at mabilis na umalis. Tumayo na din ako at sumunod kay Raven.

"Bro, bilisan mo. Ang kupad mong kumilos." Sabi ni Reed at nagtatago sa side ng pader. Parang bata, binatukan siya ni Zeph. Minsan tong dalawang to kapag ipinagsabay matatatawa ka na lang sa mga ginagawa nila.

Papatungo kami ngayon sa parking area kung saan nakikita namin ang tatlong nerds na nag-uusap. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.

"Kung hindi ikaw sino?" Rinig kong sabi ni Tierra kahit nasa malayo kami. Ewan ko ba pero ganito na talaga ako eversince, akala ko nga weirdo ako, pero ganito na talaga ako, unique ang pagkakatao ko. Hindi ata nila naramdaman ang presensya namin dahil hindi pa din nila namamalayan na nandito kami.

"Excuse me?" sabi ni ko sa kanila at nginitian. Nakita kong napatingin sila sa gawi namin. Si Aire na bored look, si Aqua na nag wave lang sa akin at ngumiti si Tierra na yumuko lang.

"Bakit? Anong kailangan ninyo sa amin?"  tanong ni Tierra. Bakit sa tuwing si Tierra nakikita ko bumibilis tibok ng puso ko, don't tell me---- No hindi pwede, hindi pwede, at malabong hindi pwede.

Walang sumagot sa aming apat, baka may iniisip din sila kagaya ko. Sa tuwing nakikita ko ang mga nerds na ito napapaisip na lang talaga ako.

"Maaari ba kaming umuwi. Babantayan pa namin si Fuego." Saad ni Aire na pinutol ang katahimikan. May sugat si Aire sa pisngi at mga kalmot naman kina Aqua at Tierra dahil sa pangyayari kanina.

"Anong nangyari kay Fuego?" tanong ni Raven. Seryoso ang mga tingin niya kay Aire, umiwas naman ng tingin si Aire sabay sabing " Wala ka na doon. Hindi namin kayo kilala kaya huwag kayong umasta na parang kilala ninyo kami." sabi niya. Napakunot naman ang nooni Raven sa sinabi ni Aire.

"Lols para iyon lang pala, sige magpapakilala kami." Sabi ni Reed. Ang saya niya masyado, nakita kong nakatingin siya kay Aqua, aba mamaya lagot ka sa akin Reed ka.

"Ako nga pala si Reed Ace Blue." Sabi niya at pumunta sa harapan ng mga nerds at nakipag kamay. Ay hindi siya mismo ang kumuha ng kamay at nakipagkamay. Nakita kong napatawa si Tierra sa inasta ni Reed. Since sinimulan na ni Reed sumunod naman si Zephyr.

"Zephyr Lance Blood." Saad niya at ngumiti na lamang. Wow himala at ngumiti ang lokong ito, ilang araw din tong hindi ngumiti at tahimik sa isang tabi.

"Chaser Leif Summer." Sabi ko sa kanila at itinaas na lamang ang kaliwang kamay ko.

"Raven Sky Blue." Sabi ni Raven. Mukhang pinagbagsakan to ng langit at lupa dahil sa itsura niya.

Ngayon lang kami nagpakilala sa kanila, remember our fist encounter? Ahahah, ewan ko ba kung ano ang pumasok sa mga isip namin kung bakit ayaw namin sa kanila, pero since interesado kami kung sino sila, malalaman din namin kung sino sila.

"Pasensya na sa una nating pag encounter sa paaralan ay naging rude kami, busy lang kasi talaga." Sabi ko. Tumango naman si Aire.

"Aalis na kami." Saad ni Aire at tumalikod sa amin.

"Sasama kami." Sabi ni Zephyr. Napatingin na lamang si Aqua sa kanya at pinipigilan na huwag matawa.

"Gusto niya kasing makit----" Hindi na natuloy ang sabihin ni Reed ng tinakpan ni Zeph ang kanyang bunganga.

"Aire ano plano mo?" Tanong ni Tierra. Nagkibit balikat na lamang si Aire at pumasok sa kotse nila. Ang ganda ng kotse nila sumasabay sa uso, pero kung---- nevermind. Panay nevermind ba? Para mabitin din kayo readers.

*Wink*

"Sumunod na lamang kayo sa amin." Sabi ni Tierra. Last time sinundan namin ang kotse nila ngunit bigla iyon nawala. Ang weird nga eh, nakikita pa namin yun ni Raven pero nung paliko na nawala bigla.

"Sige." Sabi ni Zeph. Excited masyado ang isang to.

FUEGO POV

Nagising ako dahil sa ingay ng paligid ko. Dahan dahan ko iminulat ang mata ko at tumingin sa nasa paligid ko.

=.=?

>.<!!!

0.0!!!

Anong ginagawa nila dito. Kahit masakit ang katawan ko napabangon ako bigla, grabe parang binugbog ang katawan ko. Ilang araw na ba ako natutulog. Napatingin ako sa itsura ko, mabuti na lang at nakanerd ako. Anong ginagawa ng apat na lalaki dito?

"Wwwaaahhh!!! Fuego gising ka na!" Sabi ni Aqua habang nakayakap sa akin. Napatingin naman silang anim sa akin at lumapit sa akin.

"Kamusta ang nararamdaman mo? Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Tierra. Si Aire nakatayo lang sa pintuan at ngumiti sa akin. Sabihin niyo nga, madami ba akong nalampasan? Bakit nagkamabutihan itong anim na ito.

"Oo okay lang ako. Pero eto si Aqua mukhang gusto akong patayin dahil sa higpit na yakap niya." Birong sabi ko. Kaya bumitaw naman si Aqua at sinundot ako sa gilid at nginunguso si Zephyr. Napataas na lang ako ng kilay.

Hindi ako mabaho readers okay? Hindi kami mabaho, kahit ilang araw pa kami hindi maligo.

"Sige lalabas muna kami Tierra maghahanda ng kakainin. May dapat maiwan dito." Saad ni Fuego sa kanila.

"Ako. Dito lang ako." Sabi ni Zephyr. Ano daw? Napatingin naman sa kanya ang mga kasamahan niya at ngumiti ng makahulugan.

"Okay sige. Babalik lang kami." saad ni Tierra at lumabas na silang lima.

Ako at siya lang ang naiwan dito sa kwarto ko. Kaya humiga na lang ako para mabawasan ang tention. Parang nagkakarerahan ang puso ko sa bilis. Naramdaman kong lumapit siya sa akin. Kaya tinakpan ko ang mukha ko ng kumot. Fuego ano bang nagyayari sayo? tanong ko sa sarili ko.

"Namiss kita." Sabi niya at ikinatigil ko. Ano daw? Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

"Hoy apoy sabi ko namiss kita." Sabi niya ngunit wala pa din akobg imik, bahala siya. Bakit ang init? Aaminin kong nag aasaran kami lagi pero hindi ko inexpect na sasabihin niya iyon sa akin.

"Tumingin ka nga dito." Sabi niya. Manigas ka, ewan ko ba bakit parang iba tong nararamdaman ko. Parang may paru paru sa tiyan ko. Nagulat naman ako ng umilaw ang kwintas ko. Huh? Anong nagyari----  Si Zephyr??!!! Ano to? siya ang human armor ko?! Pinasok ko sa damit ko ang kwintas upang hindi niya makita ang pagliwanag nito.

"Apoy sabing tumingin ka dito!" Sabi niya at hinila ang kumot. Kaya bumangon ako at tinignan siya ng pagkainis.

"Ano ba?!" Sabi ko sa kanya. Tsssk.

"Pfff~ anong nangyari sa iyo? Ang pula ng mukha mo. Ahahah" sabi niya. Fishte tong KAPRE na to.

"Alisin mo nga yang kamay mo." Sabi ko at iniwas ng tingin. Kainis siya. Ano bang nangyari dito? Hindi kami close. Bakit naging makulit ito ngayon?

"Oo na eto na. Pero seryoso okay ka na ba?" tanong niya.Tumango na lamang ako at tinignan siya.

Gwapo naman talaga tong si Zephyr ngunit iba sila iba ako. Hindi ako pwedeng mahulog sa kanya dahil baka nilalaro niya lang ako.

At least kilala ko na ang armor ko. Ibibigay ko na ba? Wag na muna, kikilalanin ko na muna ang Kapre na ito. Sa susunod ko na lang ito ibibigay.

Hay naku, namiss ko ang kwarto ko. Ang mga kaibigan ko. Mama, papa nagtagumpay ako sa pagsubok. Sabi ko sa sarili ko.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon