CHAPTER 85

3.5K 104 6
                                    

CHAPTER 85

CHANDRIA POV

Sinabi ko na kay Eunice ang pagkawala ng kanyang kakambal. Sa ngayon tahimik lang siya sa isang tabi habang nagdidiwang dito sa kaharian. Nalulungkot ako dahil ako ang dahilan ng pagkawala ni Euria. Alam kong masakit kay Eunice dahil sila na lamang dalawa ang nagtutulungan sa isa.

Nandito ako ngayon nakaupo sa isang tabi habang ang mga reyna at hari naman ay nasa harapan. Masaya ang lahat, lahat ay nagdidiwang. Masaya ako para sa kanila.

"Chandria na saan si Eunice?Maaari ko ba kayong makausap?" Tanong sa akin ni Reynang Ariana. Ano kaya ang pag-uusapan namin?

"Hindi ko batid kung nasaan si Eunice kamahalan. Tiyak magluluksa siya sa pagkawala ni Euria." Sabi ko na lang.

Napangiti ako habang tinitignan ang mga prinsesa at tagalupa na masaya sila sa isa't isa. Na huli ko namang nakatingin din sa gawi nila si Reynang Ariana.

"Ano nga po ba kamahalan ang pag-uusapan natin?" Tanong ko at napunta naman sa akin ang atensyon niya.

"Doon tayo." Turo niya at sumunod na lamang ako. Bakit sa malayo kami? Gaano ba ka importante ang pag-uusapan namin?

Pumasok kami sa isang silid at nandoon si Eunice na nauna pa sa amin. Umupo naman ako sa tabini Eunice, ngumiti lamang siyasa akin at kita ang pagkamaga ng kanyang mata.

"Gusto ko malaman. Anong relasyon ng mga prinsesa at ng mga armors nila?" Tanong ng reyna sa amin. Natahimik na lamang ako sa tanong ng reyna.

"Nagmamahalan po sila." Sagot ni Eunice sa reyna at gulat na gulat si Ariana sa sagot ni Eunice.

"Bakit hindi mo sila pinigilan Eunice? Responsibilidad mo sila. Alam mong hindi maaaring magkatuluyan ang mga tagalupa at mga prinsesa dahil iba tayo sa kanila." Saad ni Reynang Ariana.

"Hindi naman po siguro masamang magmahal na hindi nila kauri. Kita niyo naman po di ba? Ang pagbabago ng mga prinsesa simula dumating ang mga lalaking tagalupa sa buhay nila. Masaya sila pareho." Depensa ko sa sagot ni Eunice.

"Alam ko iyon Chandria. Ngunit may batas kami. Ano na ang sasabihin ng mga elemental god and goddess? Itinakda sila sa mga elemental prince." Paliwanag ng Reyna.

"Alam niyo Reyna Ariana hindi natin kayang diktahan ang puso ng mga bata. Mahal nila ang isa't isa, dahil sa pagmamahalan nila hindi nagdalawang isip ang mga lalaki na pumunta dito kahit ikabuwis pa ito ng kanilang buhaysa digmaan. Ganyan nila kamahal ang prinsesa." Tama si Eunice. Kapag mahal mo kahit anong mangyari ipaglaban mo.

"Basta, sa pag-alis ninyo napagdesisyunan namin ng mga hari at reyna na alisin sa mga memorya nila ang nangyari sa kanila. Mananatiling panaginip ang lahat ng itopara sa kanila." Sabi ni Reynang Ariana at iniwan kami sa silid.

"Ano ng gagawin natin?" Nasabi ko na lang. Ayaw ko humadlang sa pagmamahalan nila. Ayaw ko na masaktan sila ng lubusan lalo na ang mga prinsesa.

"Hayaan natin sila sa gusto nila Chandria. Alam kong lahat gagawin ng mga prinsesa." Sabi na lang ni Eunice sa akin.

FUEGO POV

Lahat ay nagdidiwang at masaya. Masaya din ako at maayos na ang lahat, susulitin ko na ang oras na ito dahil alam kong uuwi na sila sa mundo ng mga tao.

Nandito ako sa table namin at nakaupo lang, ang ganda tignan ng kaharian tila walang nangyaring masama.

"Baliw ka na ba? Ngumingiti kang mag-isa." Sabi ng katabi ko. Kahit kailan talaga itong Zephyr na ito ng hilig mampikon. Pasalamat siya at mahal ko siya.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon