CHAPTER 58

3.5K 131 16
                                        

CHAPTER 58

THIRD POV

Isang linggo na ang lumipas ng nangyari ang insidenteng iyon. Isang linggo na din silang nagluluksa simula ng pagkawala ng isa sa mga prinsesa, at isang linggo na din ang dumaan at madami na ding pagbabago ang naganap.

Ang tatlong prinsesa ay patuloy pa din silang lumalaban at ilimot ang nangyari dahil wala na silang magagawa kung ganoon ang nakatadhana kay Aire. Masakit isipin, tanggapin na si Aire, si Aire na pinakamatalino, tamad at isa sa kanila ay wala na. Lumisan na. Nahihirapan sila? Oo nahihirapan sila.

Walang araw na hindi umiiyak si Eunice dahil sa nangyari sinisisi ang sarili dahil sa nangyari sa isa sa kanyang alaga.

"Ano na ang pagmumukhang ipapakita ko kay Reynang Arianna? Si Haring Fyro... tiyak alam niya ang nangyayari." Saad ni Eunice sa sarili habang inaalo siya ng kanyang kakambal. Nasa paaralan si Eunice sa office ng kapatid niya. Walang magawa si Euria kundi samahan si Eunice.

Habang si Chaser naman. Si Chaser naman ay tahimik, tahimik lamang sa isang tabi. Nasa isip niya na "Bakit kapatid ko pa? Ngayon lang kami muli nagkita ngunit ikinait pa talaga." Saad niya sa sarili. Hindi maiwasan na hindi maging malungkot dahil kapatid niya ang nawala, namatay.

Nagsimula na ang klase sa isang linggo at isang linggo na ding hindi pumapasok si Raven. Misserable, laging umiinom, umiiyak. Nagsisisi kung bakit, kung bakit hindi man lang niya naranasang sabihin kay Aire ang totoo niyang nararamdaman sa prinsesa. Iniisip kung kailan niya muli mahawakan, mayakap at mahalikan ang babaeng iniibig niya. Wala siyang pakealam kung bumaba ang grades niya ang sa kanya ay gusto niya na muna mapag-isa. Dahil sa tuwing pumapasok siya sa klase naaalala niya ang pinangagawa nila noon lalo na nung oras na magkasama sila ni Aire.

At muli habang nakatingin si Raven sa isang gawi ay may isang butil na luha na naman ang nahuhulog. Ngayon lang siya naging ganito sa isang babae. Oo minahal niya noon si Ae ngunit iba ang tama niya kay Aire. Sobra, sobrang sobra ang pagmamahal niya ngayon na pinagsisihan niya dahil hindi siya umamin sa oras na buhay pa ang prinsesa.

Natatawa na lang siya sa naisip. "Oo iniwan mo ako. Ang daya mo nga eh, iniwan mo ko ngunit hindi kita makalimutan dahil may kapangyarihan akong tulad saiyo kaya ang hirap kang limutan. Sabihin mo nga ikaw ba ang may gawa nito? Namiss na kita Aire, sana pagbigyan ako ng pagkakataon ng Panginoon na buhayin ka. Pangako sa oras na makita kita muli hindi na kita palakawalan pa. Mahal kita, mahal na mahal." Saad niya at tumingin sa kawalan at umiyak na naman.

Nagluluksa ang lahat. Nagunit hindi nila alam na may malaking delubyo pa silang haharapin na maaaring ikasawi ng mga buhay ng mga taong mahal nila. Dalawa lang ang pagpipilian. Lalaban hanggang kamatayan para sa kabutihan at kapayapaan ng elemental kingdom o magpapatalo at mamatay laban sa masamang kalaban na si Velgamor. Paghahanda ang kailangan ng bawat isa lalo na ang mga prinsesa lalo na't hindi na sila magiging balanse dahil kulang na sila ng isang elemento.

Alam ng mga prinsesa na dapat hindi sila magpapadala sa emosyon ngunit impossibleng hindi sila madadala dahil kababata nila ang nawala. Sa loob ng isang linggo, isang linggo na din ang lumipas na todo ensayo ang ginawa nila kahit pagod sila galing paaralan ay nag eensayo sila kasama ang mga armor nila. Si Raven at Chaser naman ay nag eensayo. May kapangyarihan ang dalawa kaya handa silang lumaban sa dadarating na delubyong haharapin nila.

Naging maayos na ang pakikitungo nila sa isa't isa. Dahil sa nangyari mas naging matibay ang pagsasama nila. Laging nandiyan para sa isa't isa.

Si Tierra naman ay hindi na naranasan ang mission dahil mismo ang kwintas niya ay umiilaw kapag magkakasama sila ni Chaser kaya walang pagdadalawang isip ay binigay niya iyon kay Chaser. Nagtataka nga siya dahil ilang araw mula sa pagkawala ni Aire ay hindi na niya naranasan ang mission. Minsan na siyang dinalawa ng diwata sa pananginip ngunit may sinabi itong hindi niya nakakalimutan "Tagumpay na at wala kang misyong haharapin. Kusang iilaw ang kwintas laging tandaan huwag magpadala sa emosyon dahil maaaring diyan kayo tatalunin ng kalaban ninyo." Yan ang huli niyang narinig sa diwata. Simula noon ay todo ensayo na ang ginawa nila kasamaang guardian nilana si Eunice.

Sa loob din ng isang linggo naging seryoso sila sa pag eensayo. Kahit minsan ay ginagawang nakakatawa nila Reed at Zephyr ang kanilang pageensayo still masaya pa din sila dahil nakakalimutan nila kahit papano si Aire.  Malaki ang improvement ng bawat isa sa loob ng isang linggo. Mararamdaman at makikita ang pagiging malakas nila Aqua, Fuego at Tierra kadahilang nasa kanila ang kanilang armor.

Si Raven naman dahil may kapangyarihan siya si Chaser ang nagtuturo sa kanya kung papano gamitin ang kapangyarihan na meron siya. Minsan nga nagkakamali pa siya kung papano gamitin pero natuto din siya. Dahil hindi naman mahirap turuan si Raven sadyang lumilipad lang talaga ang isip ni Raven, siguro dahil iniisip niya si Aire.

Sa loob din ng isang linggo ay hindi na pinagtritripan ang prinsesa ng pangkat nila Vanesa dahil may sariling mundo din sila sa kadahilanan lagi silang magkakasama nila Lyndon. Minsan hindu maiwasan na tanungin ng mga estudyante kung nasaan si Aire dahil hindi na nila ito nakikita ang tanging sinasabi na lamang nila ay umuwi si Aire sa malayong lugar kaya hindi na siga muling mag-aaral sa lugar na ito. Mga ganyang linya, at ganyang rason ang sinasabi nila upang hindi na sila usisahin pa ng mga ibang estudyante ng mga ibang tanong.

Kahit sawi at wasak si Raven tinutulungan pa din siya ng nila Aqua, Fuego, Tierra na bumangon muli. Hindi sila galit o ano dahil alam nilang tatlo ayaw makita ni Aire na ganito ang nangyayari sa taong mahal niya.

Ngayon, kayo ba mambabasa sa storyang ito? Nararamdaman niyo ba ang kaba kung ano ang mangyayari sa sunod na delubyong kakaharapin nila? Magwawagi ba sila? Paano? Paano dahil hindi na kompleto ang prinsesa. Matatalo pa ba nila ang dark prince? May pag-asa bang makakamit nila ang kapayapaan?

Samahan niyo sila, kami sa storyang ito. Alam kong tatatak sa puso't isipan ninyong mababasa sa storyang ito ang mangyayari sa sunod na kabataan. Sakit, iyak, pagkasawi, labanan, patayan, dugo kung saan. Mamatay o mabubuhay?

Abangan.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon