This chapter is dedicated to Jeon_KP97. Thank you sa pag-abang ng storyang ito.
CHAPTER 7
FUEGO POV
Nandito kami ngayon sa lugar kung saan ang mga estudyante ay nagpipila para makakain na kanilang pagkain. Ang weird. May mga estudyanteng pasulyapsulyap sa amin. Si Aqua at si Tierra naman ay nakapila kung saan ang mga estudyante.
Hay naku, ang hirap naman dito sa mundo ng mga tao, subalit doon sa amin kami ang pinagsisilbihan. Tinignan ko si Aire nagbabasa lang siya ng libro. Mahilig talaga siya magbasa sincs then, kaya kilala siyang pinakatalinong Princessa sa aming mundo.
Nakalumbaba lang ako dito, ang boring, nakakabagot.
"You bitch! What have you done!?" Napatingin ako sa babaeng sumigaw. Sinisigawan niya ang babaeng nakasagi sa kanya.
"A-ah sorry p-po." Sabi ng babae. Nauutal siya. Takot ba siya? Kaninang nakapilang estudyante, ngayon ay nagkumpulan na sila. Ano ba yan.
"Sorry?!Sorry lang ang masasabi mo? You bitch you'll pay for this!" Akmang hihilahin na ng babae ang buhok na nakasagi sa kanya ng hawakan ni Aire ang kamay niya.
0.0
hala? Paano siya napunta doon? Ay oo nga pala. Hangin nga pala ang kapangyarihan niya, mabilis ang reflex niya dahil sumasabay siya sa hangin.
"Tss... ang ingay mo. Alam mo ba yun?" Sabi ni Aire. Ang mga estudyante naman ay napasinghap sa sinabi ni Aire tila hindi sila makaniwala. Ano ba ang problema nila?
"Aba, ang kapal din ng mukha mong nerd ka na makisali sa problema namin." Sabi ng babaeng kulot ang buhok. Ngayon ko lang na realize apat pala sila. Ang isa ay maikli ang buhok tila innocente, ang isa ay mahaba at straight ang buhok, ang isa naman ay curly ang buhok, at ang isa na nabasa ata ng juice ay curly ang buhok na hanggang balikat lamang. Kaya tumayo na ako at lumapit kay Aire, ganun din ang ginawa nila Tierra at Aqua.
Mukhang sasabak kami nito sa gulo. Masaya ito.
AQUA POV
Nakita ko ang pagngisi ni Fuego ng lumapit siya sa amin. Ang pinakaayaw ni Aire ang maingay lalo na't nagbabasa siya ng libro kanina. Seryoso niyang tinitignan ang babaeng tumawag sa kanya ng nerd.
"Naku, pagpasensyahan mo na miss ang kapatid ko." Sabat ni Tierra at hinawakan ang braso ni Aire na blanko pa din ang mata.
"Ang kapal talaga ng mga mukha ninyo. Bakit ba kayo dito nag-aaral, obviously hindi kayo fit sa amin at kita niyo yang pananamit ninyo? Mukha kayong manang." Sabi ng babae at umirap.
Ang bastos magsalita. Pasalamat siya hindi kami pwede gumamit ng kapangyarihan.
"Miss, wag mong husgahan ang pananamit namin. Pasensya na kung sumabat ang kapatid ko sa away ninyo." Sabi ni Tierra at hinihila si Aire pabalik sa upuan namin.
"Bitawan mo ko Tierra." Sabi ni Aire. Tinignan niya lang maigi ang mukha ng babae ramdam ko ang takot ng babae. Sino ba naman ang hindi matakot sa itsura ni Aire parang gustong pumatay.
"Girls, apat pala silang ugly ducklings dito ah? Grabe nawala lang tayo, may apat na palang pangit nakapasok dito?" Sabi ng babaeng maikli ang buhok. Akala ko mabait ito, nasa loob pala ang totoong ugali.
"Hindi. Isa lang kami kaya nga apa't kaming nakatayo dito." Sabi ni Fuego. Kita ko ang pagkainis ng babae. Bata si Fuego wala ka ng maaasahan mga ganitong ambiance ang gusto niya ang makakita ng away.
"Aba't ang bastos mong magsalita ng ganyan sa amin ah?!" Sigaw ng babae. Akmang lalapitan na siya ng babaeng mahaba ang buhok ng
RAVEN POV
Lunch na. Sa wakas makakain na ako. Grabe ang busy ko nitong nakaraang araw. Plus nadagdagan pa ng apat na matitigas na ulo ng mga nerds.
"Pre, punta na tayo sa Cafeteria. Gutom na ako." Sabi ni Reed. Nandito sila ngayon at kasama ako. Well, ganito talaga kami laging magkakasama.
"Sige bro." Sabi ko at tumayo. Mamaya ko na lang tatapusin ang mga gawain ko.
"Anong plano mo sa apat na iyon bro?" Tanong ni Zephyr sa akin. Ano nga ba gagawin ko doon?
"Wala pa akong plano Zep pero kapag may kasalanan na naman silang ginawa hindi ko na sila pagbibigyan." Sagot ko. Busy na nga ako dadagdagan pa. Si Chaser naman ay ngumingiting mag-isa habang may hawak na phone. Loko na.
Habang papunta kami sa Cafeteria, ng may madaanan akong estudyante kita ko ang takot sa mga mukha nila. Kaya nilapitan ko ang isa sa mga estudyante. Nang nakita nila kami bigla itong kinilig
*face palm*
"Miss anong nangyari?" Tanong ko.
"May gulo po kasi sa canteen. Yung bagong salta na nerd at ang grupo nila Vanessa." Sabi ng babae. Walang alin langan lumakad ako ng mabilis patungo sa canteen. Akmang sasampalin ni Ayesha, si Aire ng
"Anong kaganapan ang nangyari dito?" Sabi ni Chaser. Kaninang nakakumpulang estudyante kanina ay biglang nagsi-alisan. Napatingin naman ang walo sa gawi namin.
Lumapit kami sa kanila at kita ko ang basang damit ni Vanessa. Lumapit sa akin si Vanessa at nilock niya ang kamay niya sa akin.
"Babe, look oh? damit ko binasa ng babaeng yan." Sabi niya sabay turo kay Aire na seryoso lang siyang tinignan.
"kita nyo yang mga nerds na yan. Mukha na nga ugly ducklings naghahanap pa ng gulo." Sabi naman si Natasha. Napakunot naman ang noo ni Fuego.
"Sila ang nauna." Sabi ni Claire at inirapan ang apat na nerds.
"They need to be punish." Sabi naman ni Vanessa at ngumisi lang. Tahimik lamang ang apat sa sinabi nila Vanessa. Si Aqua naman ay napatampal na lang sa ulo. Anong nanyare ba?
"Sinong nauna sa kanila?" tanong ko sa mga estudyante dahil saksi sila sa nangyari kanina. Sila Zephyr, Chaser, at Reed naman ay tinitigan lang ang apat na nerds.
"Sila po." Sabi ng babaeng freshmen ata.
"Sabi ko naman sayo Babe. Hindi ka ba naniniwala sa akin?" Sabi sa akin ni Vanessa.
"Totoo ba iyon?" Tanong ko muli sa grupo nila Vanessa. Tumango lamang sila. Habang ang apat na nerds naman ay tinignan lamang ang grupo nila Vanessa.
akmang magsasalita na ako ng "Okay. Sabihin mo lang kung anoang punishment at gagawin naming apat." Sabi ni Tierra at hinila si Aire na nakatingin lamang kay Vanessa. Si Fuego naman ay ngumisi lang. Si Aqua naman ay umiling iling na lamang habang hinila si Fuego palabas ng Cafeteria at umiiling iling tila hindi makapaniwala.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasy----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...
![Elemental Princess [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/146221153-64-k191764.jpg)