This chapter is dedicated to Emj_08. Thanks for the votes, Lol. Thank you for supporting me bakla.
CHAPTER 4
EURIA POV
The Princesses are here. Dapat ko na talagang higpitin ang rules dito sa paaralan na ito. Kanina ng kausap ko sila ibang iba talaga ang aura ng apat. Hindi ko masabi pero alam kong malalakas sila. Hindi ko pa sana sila makikilala dahil sa pananamit nila. Hindi man lang ako ininform ni kambal. Eunice is my twin sister pero matanda lang siya sa akin ng 3 seconds. We're not identical twin kasi hindi kami magkamukha.
Nasaan na ba ang isang yun? Grabe ang daya niya madami pa akong aasikasuhin.
"Kamusta?" Nabigla ako ng may nagsalita sa likuran ko. Pasulpot sulpot lang talaga tong isa to.
"Ayos lang. As what we've planned."Sabi ko kay Eunice, yes we are a wizard. More on magic and spells pero mababait kaming wizard yun nga lang may nangyari noon na sana hindi na muli mangyari.
"Good. Mamaya ko na sasabihin nila kung anong mission meron ang mga prinessa. Mabuti na din yung ganito para mahanap nila ang kanilang iguaguardian. Kagagaling ko lang sa mga kingdoms nila. At magsisimula na kami mamayang gabi." mahabang lintaya niya.
Curious kayo kung ano ang pinag-uusapan namin? Soon you will understand.
TIERRA POV
Lahat ng mga nadadaanan naming estudyante puro panglalait ang aming natatanggap at alam kong kanina pa itong nagpipigil si Fuego.
Hay naku.
"Mabuti pa sa hardin na lang muna tayo mag stay." saad ni Aire.
"Mabuti pa nga. Alam mo ba kung saan?" tanong ko.
"Sa likod." At nauna ng maglakad si Aire.
after nung pagputok kanina buti na lang at hindi lumaki ang apoy. Kung hindi malalagot kami nito kay Eunice. First day namin sa paaralan ito malapit ng lumabag sa rule si Fuego.
"Bakit ang babaw ng mga estudyante dito?" Tanong ni Fuego.
"Aba malay naming tatlo tanungin mo daw sila." Sabi ni Aqua. Pagtingin ko sa kanilang dalawa, napataas lang ng kilay si Fuego sa akin at ngumiti na lang ako.
"Hahaha kayo talaga dalawa. Nakakatawa kayo. Mas mabuting pang magasaran kayong dalawa at least para ma divert attention ninyo." Sabi ko...na ikinangisi ng dalawa
"without using your powers." patuloy kong sabi na ikinawala ng ngiti nila.
pfft~
FUEGO POV
Akala ko pa naman papayagan kami ni Tierra na gumamit ng powers namin hindi pala.
Nandito na kami sa likod ng school sa may hardin banda. Maganda ang lugar na ito. Kunti lang ang mga estudyanteng nakikita kong napaparito.
May parang forest forest dito pero maganda ang disenyo ng mga halaman. Ang gaganda. May mga estudyanteng napapatingin sa amin pero wala akong pakealam.
While walking, pumasok si Aire sa may bandang gubat gubat at sumama kami sa kanya
"Aire nasa gubat na tayo. Bakit pumasok ka dito." sabi ni Aqua
"Basta." Tumingin si Aire kay Aqua at ngumiti. Basta si Aire talaga hindi ka niya bibiguin kahit hindi halata sa mukha niya pero still alam niya kung ano ang makakagaan ng loob namin. Yan ang gusto ko kay Aire.
Ilang metro pa ang nilakad namin at bumungad sa amin ang malawak na lawa na makikita mo talaga ang kagandahan dito. Napa
"Wow." Na lang sina Aqua at Tierra.
"Paano mo nalaman ang lugar na ito?" Tanong ni Tierra.
"Binulong na hangin at ramdam ko." Sabi niya sa amin at tumingin lang sa mga hayop na naglalaro.
Teka nga? Nakalimutan kong itanong. Anong school ba ang pinasukan namin? Hindi ko man lang alam ang pangalan ng paaralan na pinapasukan namin.
"Parang magical ang dating ah? Akala ko sa atin ko lang ito makikita." Saad ni Aqua at lumapit sa lawa.
Ako tahimik lang ako at minamasdan ang paligid. Maganda nga, malayo kami sa paaralan ng ilang metro maybe pwede kong...
"Pwede daw ba gamitin ang kapangyarihan natin dito? Sabi ni Aqua attumingin kay Tierra. Oo nga pala nakakabasa ito ng isip si Aqua.
"A-ahmm.." Nag aalinlangan si Tierra sa tanong ni Aqua. Napakibit balikat na lang ako at
"Yes you can. Malayo tayo dito. And walang tao dito kung di tayo lang" Sabi ni Aire. Oo nga pala matalas ang paningin ni Aire kahit nasa malayo.
"Basta wag sumobra." Saad ni Tierra.
"Yes!!!" Sigaw ko at last. Kakamiss din magpanggap ng ibang tao. I transform myself immediately kung sino ako.
AIRE POV
Kitang kita sa mukha ni Fuego na masaya siya. I'm happy na makita silang masaya. That's the least thing I can do para maging masaya sila. Fuego transformed kung sino siya as a Princess. Pulang buhok na tila umaapoy, mapuputing balat, at pulang mata na hindi mo maipagkait ang kagandahan nito.
Pati na din si Aqua nag transformed. Ang gaganda nila. Long dark blue hair, blue eyes. Princessa ng tubig.
"Ikaw Aire magtratransform ka ba sa sariling ikaw?" Tanong sa akin ni Tierra. Nagkibit balikat na lang ako.
"Ikaw?" Tanong ko.
"Wag na muna." Sabi niya at ngumit habang tinitignan ang dalawa.
Dito lang namin inubos ang oras namin. Sa gubat. Tiyak na magtatanong sa amin si Eunice. Bahala na.
AQUA POV
Grabe ang saya ko. At sa wakas nakabalik ako ng dating ako kahit sa maikling panahon. Pauwi na kami galing school at nandito kami ngayon sa labas ng paaralan at inaantay si Eunice.
"Grabe sila gurl ka bago bago nag cut class agad. Lagot sila kay Raven."
"Makakapal talaga ang mukha."
"Nakakasuka silang tingan. Hindi ba sila marunong sa modern fashiom ngayon?"
Again? Ghad...
Di nagtagal at tumahimik ang mga estudyante na nasa likod namin. Hmmp.. buti nga iyon. Nakakasawa ng pakingan.
"Ang lakas ng loob ninyong mag cut class. Nasa High Sec---" Hindi natuloy ang sasabihin ng lalaki. Ng biglang sumabat si Aire.
"Bakit sino ka ba para sundin namin?" Sabi niya. Whoah. Ngayon ko lang muling nakita si Aire na sumabat at naglakas loob magsalita sa lalaki mostly wala itong pakealam si Aire kahit pagalitan pwera na lang kung si Lyndon.
Napatingin ako sa likod kung sino ang kausap ni Aire at si Raven. Si Raven lang pala kasama ang tatlong kasama niya. Na masama lang ang pinukol kay Aire at sa amin.
Pinagtitinginan kami ng mga estudyante at tiyak magbubulungbulungan na naman yan sila.
"Aba't---" Magsasalita pa sana si Raven ng
*Beep*beep*
Napatingin kami sa bumusina at si Eunice pala. Tinignan ko lang silang pito at nilapitan si Eunice.
"Mabuti na lang at nandito ka na. Sige ikaw na bahala sa kanila Eunice." Saad ko at pumasok sa kotse. Ayaw kong uminit ang ulo ko sa apat na lalaking iyon. Akala mo kung sino para sundan.
Tsssk.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasy----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...
![Elemental Princess [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/146221153-64-k191764.jpg)