CHAPTER 48
AIRE POV
Alam kong tulog ako, na sa isang panaginip ako. Ngunit alam kong may pilit na pumasok sa panaginip ko at mukhang may gustong ipahiwatig sa akin.
Nakatayo ako sa isang madilim na parte sa isang silid. Malamig, tahimik at walang anumang gamit ang makikita mo. Mula sa kinatatayuan ko may nakikita akong isang tao na nakatayo at liwanag ang nasa buong katawan niya na nagsisilbing ilaw upang makita ko siya. Dahil isa akong prinsesa kahit malayo nakikita ko siya, mahaba ang buhok at magandang mukha. Mukhang isang dyosa.
"Aire, alam mo ba kung anong meron?" Tanong niya sa akin. Napatigil ako sa sinabi niya. Ang boses niya ay parang hindi nakakabasag pinggan.
"May gusto ka bang ipaalam sa akin binibin?" Sabi ko. Sa totoo lang nilalamig ako dito, hindi ko alam basta malamig.
Ngumiti naman ang babae at tumango bago nagsalita. "Isa akong diwata Aire. Ako ang inutusan upang ipaalam sa iyo kung anong pagsubok ang meron ka." Napakunot ang noo ko sa narinig. Pagsubok?
"Pagsubok? Mission?" Sabi ko. Lumapit na man siya papunta sa akin ng nakangiti.
"Kilala ka sa pinakamatalino sa lahat ng prinsesa, ngunit sa mission na ito tignan natin kung matagumpayan mo ito. Madali lang naman ang mission na ito Aire. Laging tandaan na ang lahat ng kaganapan ay may rason, dahil kayo ang tatapos sa dark prince kapalit ng katagumpayan ng inyong kaharian." Saad niya. Aaminin kong kinakabahan ako sa pinapahiwatig niya sa akin, ngunit hindi ko matukoy kung ano ang ibig niya sabihin sa akin.
"Ano ba ang pagsubok na meron ako diwata?" Tanong ko.
"Matalino ka ngunit umibig ka sa isang taga lupa." Saad niya. Ako? Umibig? Nakakunot pa din ang noo ko sa sinabi niya. Anong umibig?
"Siguro hindi mo alam ang ibig sabihin ng pag-ibig. Ang pag-ibig ay kusa at walang dahilan minahal mo siya dahil natuto kang mahalin siya ng walang dahila. Ngayon, ang pagsubok mo ay..." Sabi niya. Binibitin niya ako ngumiti siya sa akin ng makahulugan. Hindi ko alam kung kabahan ba ako o hindi.
"Buhay mo ang kapalit sa oras na hindi parehas ang inyong nararamdaman. Sa oras na lumabas sa bibig niya ang katagang hindi ka niya mahal ay oras na lang ang natitira sa iyong buhay nakadepende sa sitwasyon. Ngunit kung umamin siya na mahal ka niya automatikong nalampasan mo ang iyong pagsubok Aire." Ano? Paano ko mapapaamin ang isang tao? Sino ba?
"Sino ba ang tinutukoy mo?" Saad ko. Si Raven at Lyndon lang naman ang lalaking kilala ko aside kay Kuya Acer.
"Isa siyang tagalupa Aire. Tandaan buhay ang kapalit, buhay din ang kapalit simula ng iyong pagsubok. Mamatay ka upang lumaban. Mamatay ka upang lumakas ng tuluyan." Sabi niya at ngumiti ng kay tamis. Alam kong hindi ito peke. Sa mga salitamg binigkas niya hindi ko maiwasan na ngumisi.
"Sa oras na magising ka mula sa iyong panaginip hindi mo maaalala ang ating pinag usapan. Matalino ka naman at alam kong magaling ka sa mga bagay-bagay kaya sana malampasana mo. Masasaktan dahil buhay ka pa ngunit tandaan ang lahat ng bagay ay may dahilan." Saad niya. Tumango naman ako.
"Paalam prinsesa sana malampasan mo ang pagsubok." Saad niya at biglang nawala.
Eto na ba? Sana, sana makayanan ko.Wala akong tiwala sa sarili ko sana makayanan ko. Para kay Ina at Ama. Para sa kaharian namin sa Elemental world. Para sa mga kaibigan ko. Lalaban ako para sa kanila.
AQUA POV
Nasa sala kaming tatlo kasama si Eunice. Ngayon na ang ball, long gown lahat ang pinasuot sa amin ni Eunice. Sasama siya dahil paaralan nila iyon. Isang mahabang long gown ang kay Nice na may mga disenyong nakalagay na hindi mo maiwasan na magandahan sa sinuot niya.
Si Fuego naman ay isang gown na parang princesa talaga tila umaapoy ang sa kanya dahil sa kulay nito na may halong iba't ibang kulay. Maganda tila agaw pansin ito maya pagdating namin dahil mas tumingkad ang kanyang kulay sa sinuot niya.
Si Tierra naman ay kulay green ang gown na may halong brown nature na nature ang dating ngunit bumagay ito dahil ginawa niya brown ang buhok niya. May mga lace na kulay brown ngunit maganda kung tignan.
Ako naman ay isang long dress na sakto lang sa katawan backless ang dating ko. Bahala na si Reed di naman siya ang magsusuot eh. Kulay blue syempre di ko alam kung bakit nakabase sa element namin ang damit namin. Si Eunice kasi ang nagpasuot.
"Handa na ba ang lahat?" Tanong sa amin ni Eunice. Tumango lang ako si Fuego naman ay yumuko lang. Kaya si Tierra na ang sumagot.
"Handa na kami." Sabi niya at tinap ang balikat ko. Ngumiti naman ako ng pilit. Kulang kami ng isa eh, si Aire. Masaya sana kung nandito siya ngunit sadyang ngayon nagsimula ang mission niya.
"Huwag kayong mag-alala. May mga susunod pa namang ball." Sabi ni Eunice. Tinignan ko lang ang damit na sana ay para kay Aire ngunit dahil hindi pa siya gising nasa loob pa din ito ng isang transparent na lalagyan at nakasabit.
"Halin kayo. Tiyak magsisimula na ang pagdiriwang." Saad ni Tierra. Si Tierra malungkot din ito ngunit pinipilit niyang gawing maganda ang gabing ito. Nakakalungkot lang.
Si Eunice ang nagmaneho patungo sa paaralan. Pagdating namin madaming magagarang sasakyan ang nakapila, mayayaman talaga ang nag-aaral dito. Nakikita ko mula dito ang mga damit na suot ng mga estudyante tila mga prinsepe at prinsesa sila sa mga suot nila.
"Sana nandito si Aire." Sabi ni Fuego. Katabi ko si Fuego sa likod ng sasakyan nakaupo. Si Tierra na sa harapan katabi si Eunice.
"Okay lang yan. Malay mo hahabol si Aire di ba? Kaya huwag ka ng malungkot diyan Fuego tiyak magagalit ang Zephyr mo." Sabi ko sa kanya. Tinignan niya naman ako ng masama at umirap.
Natawa na lang ako sa ginawa niya. Sana hahabol si Aire pero alam kong impossible dahil mahirap ang kanyang pagsubok.
Parang nasa isang awarding kami ang daming camera man, madaming kumukuha ng mga picture. Nagdadalwang isip ako kung lalabas ba ako o hindi. Nang na park na ni Eunice ang sasakyan ay inihanda na namin ang sarili namin. Eto na, eto na ang tinutukoy nilang ball, nasa loob kasi ang venue at oo malaki at sobrang laki ng paaralan nila Eunice.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasía----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...