CHAPTER 46
ZEPHYR POV
"Mag-iingat kayo sa pag-uwi." Sabi sa amin ni Fuego. Hawak ko amg kamay ni Fuego, basta mahabang kwento sila na ang bahala mag kwento sa inyo.
"Ingat ka." Sabi niya sa akin ng mahina. Tumango lang ako sa sinabi niya.
"Sige Apoy." Sabi ko at nagpaalam na sa kanya. Alam kong lahat sila ay nag-aalala kay Aire. Kanina, pagdating ni Eunice sa elemental world daw ang sabi niya kanina ay nagsisimula na daw ang mission ni Aire. Hindi ko alam kung bakit pero kita ko sa mga mata nila ang pangamba tungkol sa sinabi ni Eunice kahit si Chaser o Acer kanina pang tahimik. Siya ang nagmamaneho ngayon habang si Reed naman mukhang tinetext si Aqua. Inlove na ang loko namin.
"Bro, magiging maayos din amg kapatid mo. Matatag at matapang si Aire." Sabi ko na lang, eto lang ang magagawa ko ang icomfort ang kaibigan ko. Alam kong nag-aalala din siya sa kapatid niya.
"Guys may bisita tayo sa bahay." Sabi ni Reed. Napatingin naman ako sa kanya sa likod, si Chase naman ay napatingin si espeho upang makita si Reed. Pinakita naman ni Reed ang phone niya sabay sabing
"Kasama niya si Aarizelle." Sabi niya. Bumalik na siya? Akala ko ba iniwan niya na si Reed? Hindi sa galit ako, ngunit saksi ako sa nangyari kay Raven simula ng umalis si Ae. Anong ginagawa niya dito? Ngayon pa ba siya babalik kung saan okay na ang lahat?
Nakita ko ang pagyukom ng kamao ni Acer. Galit ba ito? Bakit? Tahimik lang kami buong byahe. Bukas na nga pala ang Masquerade Ball mukhang hindi makakaattend si Aire. Sakto din ang pagdating ni Aarizelle.
Pagdating namin sa bahay as what I expected bukas na ang ilaw. Gabi na din kami nakauwi around 7 na. Ang bilis ng araw parang kailan lang nung una inaaway pa namin ang mga nerd tapos ngayon eto na kami gusto ko na ang isa sa kanila.
Naunang lumakad si Reed sunod ako at sa likod naman si Chaser na kanina pang tahimik. Kilala ko si Chaser mukhang wala sa mood ito. Pagbukas ni Reed ng pinto si Raven na nakaupo habang naglalaptop at si Aarizelle naman na busy sa paghanda ng pagkaij sa kusina. Napatigil naman si Ae sa ginawa niya at lumapit sa amin.
"Hi guys! Long time no see!" Bati sa amin. Kahit papano namiss ko din ang babaeng ito, siya ang ikalawang babae sa buhay ko sunod si Fuego. Don't get me wrong kaibigan ko si Ae dahil kababata namin siya. Niyakap niya si Reed kaya niyakap na din siya ni Reed.
"Wow ang laki na ni Reed. Hindi ka na ba isip bata?" Sabi niya kay Reed. Si Reed naman ay namula sa sinabi ni Ae at umiling iling pa. Natawa ako sa reaction ni Reed.
"Grabe ka naman sa akin Ae. Wala ka bang pasalubong?" Tanong ni Reed. Si Raven naman ay nakatingin lang sa gawi namin. Nang linungin ko ang likod ko walang Chaser na sumunod sa akin. Baka gusto niya na muna mapag-isa.
"Hey Zephyr! Basagulero ka pa din ba ha?" Sabi niya sa akin at niyakap ako. Niyakap ko din siya pabalik. Ang laki ng pinagbago ni Ae kaya hindi na ako nagtaka kung bakit nabihag niya ang puso ng isa sa pinakacold sa amin at yun ay si Raven.
"Lol. Di ako basagulero ah." Sabi ko sa kanya at kumalas na ako sa yakap baka kasi magalit si Raven.
"Di na Ae kasi may mahal na siya." Sabat naman ni Reed at tumungo sa kusina.
"Aba at sino naman iyon? Ipakilala mo sa akin." Sabi sa akin ni Ae at nakapameywang pa. Napakamot na lang ako sa ulo ko, loko talaga tong Reed na ito. Ngumisi naman siya sa akin...
"Oo na Ae. Pakilala ko siya sayo." Sabi ko na lang. Tinignan ko ng makahulugan si Reed sabay sabing
"Si Reed di mo ba tatanungin kung sink ang mahal niya ngayon?" Tanong ko. Napaubo naman si Reed sa narinig at napatingin sa amin ng wala sa oras
"A-ah...eh. Oo. Basta pakilala ko din siya sayo." Sabi niya kay Ae. Pfft~ Di man lang dumipensa sa sarili.
"O sige. Kayo ha? Nawala lang ako may mga lovelife na kayo." Saad ni Ae. Umupo naman ako sa couch upang makapaghinga, kapagod tong araw na ito.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Chaser na magulo ang buhok. Saan nangaling to?
"Oi Chaser ikaw pala!" Bati sa kanya ni Ae. Di man lang pinansin ni Chaser si Ae at nakatingin lang siya sa gawi ni Raven. Kaya sinipa ko ang paa ni Raven at itinuro si Chaser. Tumayo naman si Raven habang si Chaser naman ay kalmadong lumapit kay Raven ng bigla siyang suntukin ni Chaser ng malakas.
"What the fuck?!" Saad ni Raven habang hawak ang bibig niya na may dugo.
"Guys ano ba?!" Sabat ni Ae. Si Reed naman tila nagulat sa ginawa ni Chaser maski ako di ko inaasahan na gagaain iyon ni Chaser. Minsan lang siya nagagalit at ginagamit ang kamao sa pagsuntok.
"Ano ba problema mo Chase ha?!" Sigaw ni Raven akmang susuntukin niya sana si Chaser ng humarang ako sa kanya at hinawakan ang kamao niya. Tinignan niya ako ng masama kaya binitawan ko ang kamao niya at itinaas ang kamay ko.
"Ikaw. Nasaan ka kanina ha?! Alam mo ba ang nangyari sa kanya ha?! Alam mo ba?!" Sigaw na sabi ni Chaser na ikinatahimik ni Raven. Si Ae naman ay tila naguguluhan sa sinabi ni Chaser kung ano ang tinutukoy nito.
"Ano naman? Uunahin ko si Ae dahil siya ang babaeng mahal ko." Sabi naman ni Raven at mukhang lumapas si Raven sa sinabi niya dahil nang tignan siya ni Chaser walang buhay ang mata nito. Kahit ako natakot sa tingin na ipinukol niya kay Raven.
Ngumisi naman si Chaser at may luhang tumulo sa kanyang mata.
"Sana nga. Sana hindi mo pag-sisihan ang desisyon mo." Saad ni Chaser. Tinignan niya naman si Ae at ngumiti ng pilit
"Welcome back Ae." Sabi niya dito akmang aalis na si Chaser ng hinawakan ni Ae ang braso ni Chaser.
"Kumain ka na muna Chaser." Sabi ni Ae. Inalis lang ni Chaser ang kamay ni Ae sabay sabing
"Busog pa ako. Magandang gabi." Sabi niya at pumanik na sa itaas.
Si Raven naman ay padabog umakyat sa itaas. Okay? Anong nangyari? Tinignan kami ni Ae ng makahulugan parehas kami ni Reed nagkibit balikat sa kanya. Oo kababata namin siya ngunit nanagako kami na kami lang dapat ang nakakaalam.
"So paano itong pagkaing hinanda ko?" Tanong niya sa amin. Ngumuso naman ako kay Reed.
"Hep hep hep. Sabayan niyo ako sa pagkain." Sabi niya sa akin at hila hila amg braso ko. Alam kong madaming gustong itanong si Ae ngunit pinipigilan niya lang.
Si Chaser. Naiintindihan ko siya dahil kapatid niya si Aire, hindi naman malabo na si Raven ang armor ni Aire dahil halata naman talaga sa pagsasama nila. Ngunit ngayon na nandito na si Aarizelle sino ang pipiliin ni Raven?
![](https://img.wattpad.com/cover/146221153-288-k191764.jpg)
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Viễn tưởng----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...