CHAPTER 53
RAVEN POV
"Babe okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Ae. Naiinis ako, bakit pumayag siya na isayaw siya ni Lyndon. Tsskk...
"Oo okay lang ako. Okay na okay." Sabi ko kay Ae. Kasayaw ko siya ngayon pero nakatingin ang dalawang pares ng mata ko kina Aire at Raven. Dapat talaga si Aire niyaya ko siyang isayaw pero nagyaya sa akin si Ae. Syempre girlfriend ko si Ae dapat isayaw ko din siya.
"Sino ba siya?" Tanong sa akin ni Ae nakatingin sa gawi ni Aire. Hindi ko siya sinagot sa halip ay nginitian ko na lamang siya.
"Tss...huwag ka nga ngumiti sa akin. Nga pala, ayaw ko ang mga ka date nila Zephyr. Parang may iba sa kanila." Sabi niya. Hindi ko alam pero nainis ako sa sinabi ni Ae.
"Ae, don't judge the book by it's cover at oo ayaw mo sa kanila dahil hindi mo pa sila kilala." Sabi ko na lang.
Nang tumingin muli ako sa gawi nila Lyndon ay hindi ko alam basta uminit ang ulo ko. Ang lapit nila sobra kaya naman
"Ae excuse me. May kakausapin lang ako." Sabi ko kay Ae at iniwan siya. Hindi naman ako nag aya sa kanya di ba? Ayt bahala na nga. Naguguluhan ako sa sarili ko. Hindi ko maintindihan, mahal ko si Ae pero kapag si Aire ang kaharap ko hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
Nilapitan ko sila Aire at yung kababata niya daw sabay sabi ko ng "Excuse me. Pwede ako naman." Saad ko at napatingin sa gawi ko si Aire at yumuko muli.
"A-ah Raven. D-doon ka na muna sa babaeng kasama mo." Sagot ni Aire. Ewan ko ba pero nainis ako sa sinabi niya kaya naman hinila ko siya sa kamay sabay sabing
"Tssskk...Halika ka na nga." Imbes na isayaw ko siya hindi ko alam pero lumabas kami ng hall. Alam kong nakita kami ni Ae bahala na nga. Hindi ko na kilala sarili ko kapag si Aire na ang kaharap ko. Akala ko ba isasayaw ko lang siya? at ngayon eto ako hila hila ang babaeng ito.
"Raven, pwede huwag mo akong kaladkarin. Masakit na paa ko." Sabi ni Aire kaya naman dahan dahan na lang ako lumakad habang hawak siya.
"Saan mo ba ako dadalhin? Bitawan mo na nga ako. Kulang na lang madapa ako kita mong mahaba ang gown ko." Sabi niya.
Ngayon ko lang naalala bakit masyadong expose ang sa dibsib niya? At saka yung sa likod niya. Napatigil ako sa paglakad kaya naman ay napatigil siya.
"Ayaw mo magsalita?" Sabi niya. Irita kong hinubad ang tuxedo ko at itinapon sa kanya. Balak pa yata nito ibenta ang katawan sa lalaki...tsss.
"Oh ano to? yaya mo na ako ganun?" Sabi niya. Sa loob ng tatlong araw ay naging close na kami ng hangin na ito. Hindi ko alam kung bakit, at ngayon ko lang nalamam na may ganitong ugali pala to.
"Tsskk...suotin mo nga yan. Ano? Akala mo may ipagmamayabang ka?" Sabi ko at tinignan ang dibdib niya. Tinakpan niya naman iyon sabay sabing
"Bastos ka." Sabi niya at dali dali naman sinuot ang tuxedo ko. Napangiti na lang ako sa ginawa niya. She's cute.
"Nga pala Raven may itatanong ako." Sabi ni Aire na naging seryoso bigla. Diretso niya lang naman akong tinignan sa mata at nagsimula siyang lumakad. Papunta siyang fountain kaya sumunod ako sa kanya.
AIRE POV
Naalala ko na. Ang pagsubok ko na dapat mapaamin ko kung mahal ba ako ni Raven. Hindi ko lubos akalain na mahuhulog ako sa isang tagalupa. Paano? Paano ko sasabihin? Ngayon ko lang maranasan ito. Aamin ba ako sa nararamdaman ko sa kanya? Baka mabigla siya? Hindi naman kasi ako tipong ng tao na aamin.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Фэнтези----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...