CHAPTER 83

3.1K 112 9
                                    

CHAPTER 83

TIERRA POV

Tila naging slow motion ang lahat sa paningin ko habang bitbit ako ni Chaser. Hindi ko kayang gumalaw ngunit nakita ko ang babaeng nakatayo sa malayo. Buhay siya, buhay ang Aire naman. Siguro kung hindi lang masakit ang katawan ko tutulungan ko na siya sa pakikipaglaban.

Mga diwata ay nagsidatingan kasabay sa pagdating ni Aire. Masasabi kong malaki ang pinagbago niya.

"Buhay si A-aire. T-totoo ba?" Rinig kong saad ni Aqua. Parehas lang kaming tatlo hindi pa kami nakakabawi sa aming lakas. Mabuti na lang at bumalik na ang kulay ng buwan.

Nasa gilid kaming lahat at gumawa ng isang proteksyon si Haring Aero sa amin. Matagal tagal din siyang nawala, masaya ako para sa kanila dahil kompleto na muli sila. Kita ko kung gaano si Reyna Ariana ng nakita niya si Haring Aero.

Habang nandito kami nanatili sa isang tabi, inako na ng mga diwata ang labanan laban sa dark wizards mabuti na lang at nagawang kumbinsihin nila Lyndon ang mga diwata iyon nga lang mukhang madaming natamo si Lyndon sa kanyang katawan.

"Si Aire tulungan natin." Saad ni Raven ngunit pinigilan siya ni Haeing Aero at nginitian siya.

"Hayaan mo si Aire binata. Tignan niyo na lang ang kanilang labanan, iyan ang hiling niya sa akin." Ani sa kanya ni Haring Aero. Walang magawa si Raven kundi tumingin na lamang kasama kami.

Alam kong miss na miss ni Raven si Aire. Masaya ako para sa kanila, maipagpatuloy na nila muli ang kanilang naudlot na pagmamahalan.

"Paano?" Tanong ni Fuego kay Haring Aero. Tumawa lang sa kanya si Haring Aero kaya naman ngumuso na lang si Fuego sa ginawa ng hari. Lahat kami mga prinsesa ay close kay haring Aero maganda ang kanyang pakikitungo sa amin at parang kaibigan lang namin siya.

"Fuego dalaga na ang prinsesa naming apoy. May nagpatibok na ba sa iyong puso?" Tanong sa kanya ni Haeing Aero. Tumawa naman ang mga hari at reyna sa tanong ni Haring Aero habang kami naman ni Aqua ay ngumiti ng makahulugan habang si Fuego naman ya pulang pula na ang mata. Natatawa ako bitbit din pala siya ni Zephyr.

"Di bale ikwekwento ko sa inyo ang lahat ng nangyari sa akin pati na kay Aire. Sa ngayon tignan na muna natin sila."

Lahat kami ay pigil hiningang tinignan ang pakikipaglaban ni Aire kay Velgamor. Lahat ng mga tira ni Velgamor kay Aire ay nagagawa niya lamang itong iwasan, alam kong may iniisip si Aire na paraan. Kanina pa kasi siya hindi sumusugod tila binabasa niya muna ang galaw ng kanyang kalaban. Si Aire pa ba? Syempre ganyan siya babasahin muna kung paano gumalaw ang kaaway bago siya sumugod. Namiss ko si Aire sobra, gusto ko siyang yakapin at pagalitan dahil sa ginawa niya. Mahal namin siya hindi lang bilang prinsesa kundi bilang kapatid.

Kinakailangan niyang magkwento sa amin sa mga nangyari sa kanya simula ng iniwan niya kami sa mundo ng mga tao hanggang ngayon kung bakit siya buhay at mukhang may mga hindi pa siya sinasabi sa amin.

AIRE POV

Sumugod una sa akin si Velgamor, kanina ang kuryenteng tinitira niya sa akin ay hindi gaano kalakas at ramdam ko tila may problema sa kanya. Oo malakas siya, nakakapagtaka naman ang lakas niya sobra iba ang mukha niya sa huling nakita ko siya noon. Naging malaki siya at umiba ang kanyang mukha sabayan pa ng kanyang boses na nakakakilabot.

Bawat tira niya sa kanyang kapangyarihan ay iniiwasan ko lamang, ayaw ko masayang ang kapangyarihan na matagal kong pinagipunan at masasayang lang sa wala. Gusto ko sulit ang lahat.

"Ano? Ganyan ba ang prinsesa ng mga hangin iniiwasan lang ang tira ko?!" Saad niya sa akin na tila galit na dahil kanina niya pa ako gustong tamaan ngunit hindi niya ako magawang tamaan.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon