CHAPTER 74

2.7K 93 1
                                        

CHAPTER 74

EUNICE POV

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapinawala na ligtas si Andra sa digmaang nangyari noon. Ang sabi niya niligtas daw siya. Hindi nga lang niya sinabi sa amin kung sino. Matapos namin pag-usapan ang plano kanina ay kanya kanya muli sila.

"Itipon lahat ng estudyante. Ayos na ba sila?" Tanong ko sa wizard na kausap ko.

"Maayos na po ang iba nagamot na din po sila ni Andra. Hindi ko inaakalang kaya niyang gamutin ang lahat ng mga estudyante sa isang iglap ng kanyang magic wand." Sabi ng wizard na lalaki.

Oo, nakakamangha si Andra. Sa totoo niyan naging magkaklase kami ni Andra noon, isa kasi siyang nerd kaya hindi na ako magulat kung magaling pa siya sa akin.

"Sige na, itipon niyo na lahat ng mga estudyante." Saad ko. Tumango naman ang wizard sa akin.

Nang nilusob kami, hindi ko inaasahan na si Edward ang nakaharap nila. Ang lalaking minahal ko noon, ngunit mas pinili niya ang kaibigan kong tumaksil sa akin. Masakit man ngunit kailangan ko na siyang kalimutan, mahirap ngunit pipilitin ko dahil magiging hadlang siya sa paglaban namin lalo na't sumanib na sila sa kampon ni Velgamor.

"Kambal ano na? Handa na ang mga estudyante." Sabi ni Euria sa akin. Bago ako tumayo sa kinauupuan ko tinigna ko muna ang mga prinsesa na nakaupo lang  kasama ang kanilang mahal sa buhay. Si Fuego mabuti naman at bumalik na siya sa kanyang itsura na kulay itim ang buhok. Mahirap na baka mahirapan kaming alisin ang kanilang memorya lalo na't marami ang mga estudyante.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sabay sabing "Sige kambal, hihintayin muna natin si Raven at Chaser. Inaayos pa nila ang kalangitan." Saad ko.

Inutusan ko silang ilabas ang sinag ng araw as if na walang nangyaring kababalaghan parang normal lang ang lahat upang hindi magulat ang mga estudyante if ever mawala na ang kanilang memorya.

"Namimiss mo siya no?" Tanong sa akin ni Euria. Tinigna ko naman siya sa mata at nginitian ng matamlay. Kilala ako ng kambal ko kambal ng di ba?

"Kinalimutan ko na siya kambal, siya nga nagawa akong kalimutan?Ako pa kaya?" Sabi ko at tumawa. Hinagod naman ni Euria ang likod ko na ikinalambot ng puso ko.

"Okay lang yan. May mas deserving pa sa 'yo kambal. Gusto mo pagkatapos ng labanan hahanapan kita?" Sabi niya na ikinatawa ko. Baliw talaga itong kambal ko.

"Maayos na ang kalangitan Eunice. Nagawa na din namin alisin ang masamang hangin. Maaari na natin simulan." Sabi ni Chaser na kasama si Raven.

Ngumiti na lamang ako sa pagdating nilang dalawa na hindi ko namalayan. Malaki na din talaga ang pinagbago ni Raven natuto na siya kung paano gamitin ang kapangyarihan niya.

"Maraming salamat sa inyo. Kailangan natin ngayon sina Aqua at Andra. Sila lang ang may kakayahang alisin ang mga memorya ng mga estudyante." Saad ko.

Lumapit naman ako sa gawi nila at mukhang naagaw ko ang kanilang atensyon sa paglapit ko.

"Aqua kaya mo na ba?" Tanong ko habang nag-aalala. Alam kong pagod na siya dahil kanina niya pa ginagamit ang kapangyarihan niya.

"Kaya ko pa para matap---" Hindi natapos ni Aqua ang sasabihin niya ng sumabat si Andra.

"Magpahinga ka na Aqua. Ako na ang bahala sa kanila. Mahirap na baka mapagod ka ng wasto." Saad ni Andra. Tumango na lamang si Aqua at hindi na tumutol. Pinunsanan naman ni Reed ang mga pawis niya. Ang cute nilang tignan sana nga magiging sila.

"Sige mauuna na ako sa stage. Andra sumunod ka na lang sa akin." Sabi ng kakambal ko.

Hinanap ng paningin ko si Fuego at nakita ko siyang kausap ang kanyang kababata. Actually nakita ko si Tierra kanina na kausap sina Lyndon tapos ngayon si Fuego naman. Nakitang kong tinap pa ni Spencer ang ulo ni Fuego at ngumiti naman ang ilan sa kanila, masaya ako naging maayos na din sila. Mabuti naman at natauhan si Fuego sa sinabi kanina ni Andra. Mainitin lang talaga ang ulo ni Fuego kaya nga huli na niya minsan narerealize na mali ang kanyang ginawa.

"Mga mag-aaral may gagawin kami upang hindi na kumalat kung ano ang inyong nalamang tungkol sa amin pati na din sa paaralan na pinapasukan ninyo. Andra, simulan mo na." Tawag ni Euria. Walang alinlangan namang pumunta si Andra at umakyat sa stage.

Lumapit naman sa gawi ko sina Nash ang mga naging kaaway noon nila Tierra kasama sina Lyndon.

"Kami rin ba ay kasama sa mawalan ng memorya?" Tanong ni Nash.

"Kinakailangan. Mananatiling panaginip na lamang ang lahat ng nalaman ninyong mga kapangyarihan." Saad ko.

"Makakalimutan din ba nila kami?" Tanong sa akin ni Jemz. Ayaw ko man masaktan sila ngunit dapat. Dahil kailangan.

"Oo, makakalimutan nila kayo." Sabi ko. Umiwas na lamang ako ng tingin, hindi ko kaya ang makakita ng ganito, nasasaktan ako.

"Pasensya na kayo." Sabi ko sa kanila.

"Okay lang po naiintindihan namin..." Sabat ni Claire.

"Huwag kayo mag-aalala. Babalikan namin kayo, at mananatili kami sa puso ninyo. Pangako." Sabi ni Reward at hinalikan ang noo ni Claire.

Napangiti na lamang ako sa nakita ko. Sumenyas naman ako kina Andra na maghintay muna sa sensyales ko, nang matapos na sila mag-usap sinabihan ko na sina Lyndon na tumabi samga prinsesa upang hindi sila madamay.

Sumenyas naman ako kay Andra at tumango naman siya sa akin. Nilabas niya ang kanyang wand sa kanyang white cloak at

"Memory, memory let it fade. By the name of my wand Memorious let it be. Dream, dream will let it be and all will act normally."

Sabi ni Andra sa isang iglap umilaw ang kanyang wand at lahat ng mga estudyante ay kanya kanyang kinuha ang kanilang gamit at umakto na tila walang nangyari habang lumabas sila sa entrance ng gymansium. Pinauwi na namin sila, alam na nila iyon.

Malakas si Andra kaya hanggang ngayon nagtataka pa din ako kung sino ang lumigtas sa kanya noon.

Natapos na kami dito, sunod ay ang pagpunta na namin sa Elemtanl World. Pinsesa kasama ang kanilang armor, at mga kababata nila. Kami kasama ang mga white wizards. Malakas na ba ang aming pangkat? Sapat na ba kami upang kalabanin ang kalaban? Sana hindi kami pabayaan ni Bathala.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon