CHAPTER 13

4.4K 211 0
                                        

CHAPTER 13

FUEGO POV

Hindi ko maintindihan bakit iba ang nararamdaman ko sa araw na ito. Sumasakit ang ulo ko, kanina maayos naman amg pakiramdam ko. Ngayon parang iba talaga.

Hanggang sa pag-uwi namin galing paaralan. Mas lalo tumindi ang sakit na aking nararamdaman. Oo apoy ang elemento ko, pero bakit? bakit pakiramdam ko napapaso ako sa apoy? Ang init. Namimilipit ako dahil sa sakit na dumadaloy sa aking katawan ng biglang umitim ang aking paningin.

Naramdaman ko ang paglutang ng akin katawan, alam ko kakagawan ito ni Aire. Hindi nila ako magawang hawakan dahil, sa sobrang init ng katawan ko. Ano ba talaga ang nangyayari sa akin? Hanggang sa nilapag na ako ni Aire sa aking higaan. May pinag-usapan sila at hindi ko alam kung ano. Ngunit alam ko may rason kung bakit nangyayari ito sa akin.

Sigaw, iyak, hapdi ang aking nararamdaman ngayon. Init na dumadaloy sa aking katawan. Ramdam kong umalis na sila sa aking silid, ngunit hindi pa din tumitigil sa pag-ilaw ang aking kwintas. Hanggang sa nakaramdam akong ng antok at biglang umitim muli ang aking paningin.

Nagising ako sa isang lugar, kung saan maitim lang ang nakikita ko. Walang buhay ang lugar na ito, matamlay, hanggang sa narealize ko nandito ako sa isang gubat, mag-isa lang ako. Matataas na puno ang nakapalibot sa akin hanggang sa may babaeng nakatayo mula sa malayo, hindi ko mawari kung sino ang babaeng iyon dahil sa layo ng distansya namin.

"Sino ka?" Tanong ko. Ngunit hindi man lang umimik ang babae. Masama ito kung makatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ngunit bigla akong kinabahan. Sinubukan kong gumawa ng apoy palibot sa akin ngunit hindi ko magawa.

"Bakit hindi lumalabas ang kapangyarihan ko?" Tanong ko sa sarili ko. Tinignan ko lamang ang babae nakangiti itong papalapit sa akin, na ikinagulat ko. Bakit kamukha ko siya?

Nabigla ako ng gumawa siya ng apoy palibot sa amin. Ginawa niya iyon? Bakit hind ko iyon magawa? Anong nangyari? Bakit kamukha ko siya? Umilaw ang kwintas ko kaya tinignan ko ito.

"Fuego, Fuego, Princessa ng apoy. Subukan mong makalabas at lagpasin ang pagsubok na ito, kung ayaw mong agawin ng babaeng iyan ang iyong sariling katawan. Maniwala ka lamang, at malagpasan mo ang pagsubok na ito." Sabi ng nasa isip ko. Bigla ako napahawak sa ulo ko dahil sa sakit na nararamdaman ko, hindi ko alam pero hanggang dito ramdam ko pa din ang sakit na parang binibiyak ang ulo ko.

"Paano ko ito malalampasan?" Tanong ko. Ngunit wala na akong sagot na natanggap. Hindi ko kaya ang apoy na nakapalibot sa amin. Parang mapapaso ako. Nagulat ako ng pumwesto ang babae sa harapan ko at gumawa ng bolang apoy. Bago pa niya itapon sa akin, bigla na akong umiwas ngunit hindi ako nagtagumpay dahil natamaan niya ang aking braso.

Napahiyaw ako sa sakit. Ganito ba kasakit ang apoy? Bakit parang ramdam ko hindi ko malgpasan ang pagsubok na ito. Tinignan ko ang babae, hindi man lang siya nagsasalita, maitim ang kanyang mata, at nakangiti na tiyak na ikakatindig balahibo mo talaga.

Wala na ba akong magagawa? Ano na? hanggang dito na lang ba ako? Ang sakiit lang na ako mismo prinsesa ng apoy ay hindi magawang labanan ang babaeng gumaya sa akin. Ano ang gagawin ko? Nanghihina ako. Alam kong nagaalala na  sina Aqua, Aire at Tierra sa akin. Ano ang dapat kong gawin? Ano?

Bago pa ako bumalik sa sarili ko, tinamaan na muli ako ng apoy. Ang hapdi, masakit na masakit. Nanghihina na ako, hindi ko na yata malampasan ito.

AQUA POV

Galing sa sariling kwarto ko. Nabigla ako ng biglang sumigaw si Fuego.  Kaya dali dali ako tumungo sa kwarto niya. Ganun din ang ginawa nila Aire. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Tinignan ko si Fuego, naiiyak ako sa sitwasyon niya ngayon. Kahapon, kahapon pa ito. Hindi pa ba tapos ang pagsusulit niya? Naaawa na ako. May mga sunog sa kaliwang braso niya? Anong nangyari? Sarili niyang kapangyarihan napapaso siya?

Tinignan ko sina Tierra at Aire, umiiyak sila sa sitwasyon ni Fuego. Eto ang unang beses na makita silang umiyak. Mahal namin si Fuego kung maaari lang kami tumulong ginawa na namin, ngunit pagsubok iyon at hindi namin alam kung ano iyon.

"Aqua gamutin mo si Fuego gamit ng kapangyarihan mo." Sabi ni Aire at nakatulala lamang kay Fuego.

"Teka k-kukuha ako ng tubig." Sabi ni Tierra at pinapahiran ang luha niya. Tumango na lamang ako at pinigilan na huwag umiyak. Alam kong malalagpasan ito ni Fuego. Si Fuego pa ba? Mahilig yum sa gulo, hindi yun magpapatalo. Nang nakabalik na si Tierra dala dala ang tubig. Nilapitan ko si Fuego at nagkonsentrate na paakyatin ang tubig sa katawan ni Fuego para magamot ang mga sugat sa katawan niya. Fuego eto lang ang makakakaya namin at mabibigay na tulong sayo. Alam naming kaya mo ang pagsubok na iyan, wag ka sumuko hanggang hindi mo pa nakuha ang susi para maging active ang kwintas mo para sa armor mo.

Pagkatapos namin ayusin at gamutin ang sugat ni Fuego. Pumunta na kami sa paaralan kahit labag sa loob namin na iwanan si Fuego sa bahay. Hindi kami sanay, ramdam kong matamlay sina Aire at Tierra. Nagaalala ako kay Fuego kahit lagi kaming nag-aasaran. Nakakamiss siya.

Habang naglalakad kami, nabangga ni Tierra si Chaser, ngunit si Zephyr ang nagalit. Siguro kapag nandito lang si Fuego, si Fuego ang babangga sa Zephyr na ito. Naunang lumakad si Tierra at tinignan na lang namin si Zephyr at umalis na. Wala kami sa mood para makipagtalo sa kanila. Malaki ang problema namin ngayon, oo malaki dahil isa sa aming kaibigan ay naghihirap dahil sa armor na iyan. Nakakahinayang, ganoon din ba ang mangyayari sa amin? kung baka sakaling matapos ni Fuego ang mission, sino kaya ang masusunod sa amin?

Isa itong pagsubok na dapat namin lagpasan. Ika nga nila, hindi ka bibigyan ng pagsubok na iyan, kapag hindi mo kaya. Pero kapag kaya mo at may tiwala ka sa sarili mo, lahat ng pagsubok, mahirap man o hindi ay makakayanan mo.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon