CHAPTER 41
REYNANG ARIANA POV
Nakatayo sa balkonahe ng kaharian namin, nagmumuni, binabalikan ang nakaraan. Matagal na panahon na din ang lumipas, matagal. Simula ng sinalakay ni Velgamor ang mundo ng wizards.
"Mahal ko, gabayan mo ang mga prinsesa lalo na ang anak natin na si Aire. Huwag na huwag mo siyang pababayaan, hindi ko na kaya kapag siya p ang mawala sa akin." Saad ko. Habang nakatingin sa malayo at ramdam na ramdam ko ang malakas na hangin sa aking balat.
Na miss ko na ang aking kabiyak. Si Haring Aero, namatay siya nung labanan. Hindi namin matukoy kung nasaan siya. Hindi ko naramdaman ang kanyang pagkawala, kasabay ng kanyang pagkamatay ay ang pagkawala din nalg aking panganay na anak na si Acer. Tila ipinagkait sa akin ni Bathala na makasama ko pa ng matagalan aking mahal at anak.
Hindi ako papayag na pati si Aire ay mawawala sa akin, tila hindi ko na makakayanan ang sakit.
"Nag-iisip ka na naman ba?" Napatingin ako sa nagsalita sa likod ko at si Queen Jade lang pala ang ina ni Tierra. Ngumiti lang ako sa kanya ng pilit.
Simula bata pa matalik na magkakaibigan na kami nila Jade ina ni Tierra, Freyo ina ni Fuego, Agua Ina ni Aqua. Tulad nila sumabak din kami ng labanan at nagtagumpay kami. Hindi tulad noon, alam namin kung ano ang nakalagay sa libro ng prophesiya kaya alam namin ang mga galaw na maaari naming gawin.
"Hindi mo naman ako masisisi di ba?" Saad ko at tumingin muli kung saan ako nakatingin kanina. Ang pinagkaibahan lang ngayon ay hindi namin matukoy, dahil walang laman ang libro ng prophesiya, lumalabas lang ang mga sulat kapag may ipapahiwatig o may mission na naman.
"Ariana. Matagal na panahon na din. Dalaga na ang iyong anak, sa tingin mo magiging masata si Aero kapag nakikita ka niyang malungkot?" Saad naman ni Agua na nasa tabi ko na at katabi niya naman si Freya.
Oo matapang ako, oo matalino ako. Pero dahil sa pag-ibig natuto akong lumabas at masaktan, dahil sa pag-ibig nawala ang katalinuhan ko pagdating kay Aero, hindi ko pa din kasi kaya na tanggapin ang katotohanan na wala na siya.
"Masakit lang kasi." Sabi ko at umiwas ng tingin. Naramdaman ko naman ang kamay ni Freya sa likod ko tila pinapagaan nila ang nararamdaman ko. Pasalamat pa din ako at may mga totoong kaibigan akong laging nag diyan.
Itinadhan kami, kaming apat intinadhana kami sa apat naming kabiyak. Oo nagmahal din kami sa mundo ng mga tao, ngunit may batas kaming hindi kami maaaring magsama ng mga taga mundo, hindi ko alam kung bakit. Mabuti na lang at naging aware kami sa rules, kaya kapalit sa kaligayahan namin ay dapat silang pakasalan. Upang manatiling balanse amg mundo namin.
ZEPHYR POV
Kabadtrip to. Bahala na nga siya sa buhay niya. Nandito ako ngayon sa parking lot at nakaupo sa hood ng sasakyan ko. Umiinit lang lalo ang ulo ko kapag naalala ko kanina ang nakita ko.
"Oh? Baby ikaw pala?" Tinignan ko ng masama ang tumawag sa akin ng Baby. Letche.
"Cut it out Ayesha. I'm not in a mood." Sabi ko na lang. Habang tinitgnan ang mga estudyanteng maglalabas masok sa paaralan namin. Natayo naman si Ayesha sa gilid ko, at tumatawa. Tila iniinsulto ako, kaya tinaasan ko siya ng kilay. Ano na naman kilangan nito?
"We told you already, na may kasama sila. Mukhang mas gusto pa nga nilang makasama ang bagong salta kesa makasama kayo." Hindi ko na lang siya pinansin at ewan ko ba ikinumo ko na lang kamao ko. Bakit ba ako nagseselos?Hindi ko pa naman siya girlfriend ha?
"Alis." Sabi ko na lang. Umiling naman siya at umalis na may ngiting makahulugan sa labi.
Tssk. Hindi maaari, sa akin lang si Apoy. Liligawan ko pa sana siya, ngunit nasira ang araw ko dahil sa lalaking kasama niya at todo ngiti. Peste.
"Zephyr!" Npatingin ako kung sino ang sumigaw at si Fuego nga na may kasamang lalaki. Tumayo naman ako sa hood, papunta kasi sila sa direksyon ko.
"Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap. Halika may ipapakilala ako sa'yo." Saad sa akin ni Fuego at hinila ang kamay ko. Ng hinawakan niya kamay ko tila kumalma ako. Pero kahit na malalagot sa akin itong babaeng ito.
"Tssk." Ngumuso naman siya sa sinagot ko. Napatingin naman sa akin ang lalaki at napatingin din siya sa kamay namin ni Fuego, kaya mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay. Bahala siya kung anong isipin ng lalaking ito.
"Sepnce, si Zephyr. Zephyr si Spencer, kababata ko." Pakilala sa akin ni Fuego. Tumango naman ako.
"Kababata?" Sabi ko kay Fuego. Tumango naman si Fuego, habang si Spencer naman ay ngumiti lang.
"Okay." Sabi ko na lang at hinila si Fuego papasok ng sasakyan ko. Nang tignan ko si Spencer nakatingin siya ng seryoso sa akin at tinignan ko din siya.
"Hihiramin ko muna kababata mo." Sabi ko at pumasok sa loob ng kotse.
Kababata daw? Lols. Bahala siya kung magkababata sila. Basta sa akin si Fuego.
"Bakit mo ako pinasok dito? Si Spencer walang kasama." Saad ni Fuego. Napatingin naman ako sa kanya at nakacross arm lang. Hindi ko siya pinansin sa tanong niya, naiinis lang ako.
Ganito na ba? Eto ba ang sinasabi nilang love? Ang corny naman nito. Wala ito sa vocabularyo ko, taa ngayon tinatanong ko kung eto na ba ang love. Mukhang natamaan talaga ako sa apoy na ito.
Nagmaneho lang ako at parehas kaming tahimik sa byahe. May bibisitahin lang kaming muli, isang babaeng naging espesyal sa buhay ko. Ang babaeng minahal ko ng todong todo noon, sayang nga lang at kinuha na siya ng may kapal. Sa harap ng puntod niya ipapakilala ko ang babaeng mahal ko at mamahalin ko habang buhay.
Ma? Sana nandito ka na lang. Ngunit, alam natin na may plano ang Panginoon kung kaya't kinuha ka sa amin ng maaga. Huwag niyo po kami pababayaan.
Nang tignan ko si Fuego tulog na. Grabe talaga itong babaeng, tulog mantika. Napailing na lang ako at napangiti sa nakita ko.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasía----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...