CHAPTER 70

3.1K 101 1
                                    

CHAPTER 70

THIRD POV

Araw ang nakalipas simula sumugod ang kampon ni Velgamor sa Elemental Kingdom. May mga nasawi, sugatan at buhay. Ngunit sila ay hawak ng mga masasamang kampon.

Sa kabilang dako naman ng mundo ng mga tao. Laging nasa university si Eunice kasama ang kanyang kakambal ikaw nga niya hindi daw maganda ang kanyang pakiramdam dahil may mangyayari daw na hindi maganda kapag lumayo siya sa mga prinsesa.

Busy ang lahat ng mga estudyante sa kanikanilang gawain. Buhay estudyante nga di ba? May mga gawain silang dapat tapusin. Kasama na ang mga prinsesa at mga armor ay busy sila sa kanilang mga ginagawang activity na inutos sa kanila ng kanilang guro.

Pagkatapos ang balitang narinig nila tungkol sa pagsakop aaminin man ng prinsesa hindi nila maiwasan na hindi mag-alala sa kanilang mga magulang. Susugod sila ngunit iyon ay hindi basta basta dapat sila ay may malakas na pwersa upang matalo ang mga kalaban nila. Nanatiling kalma ang prinsesa kahit hindi na nilang mapigilan na hindi mag-alala sa mga tao sa elemental world. Ramdam iyon ni Eunice ngunit may hinhintay siyang senyales na maaari na silang lumaban.

Dark wizard at white wizard ang magtutuos. Hindi maiwasang isipin ni Eunice. Noon nagkaka-isa ang white at dark ngunit dahil sa mga hindi pagkakaintindihan sila ay naging magkalaban. Tuwing naalala ni Eunice ang pangyayari noon hindi niya maiwasa na masaktan ng paulit ulit. Minsan lamang siya magmahal, ngunit tinaksilan siya ng kanyang kaibigan.

Itinago ni Eunice ang crystal sa isang lugar, habang kulay liwanag pa ang kulay nito ay hindi pa nagwawagi ang kampon nila Velgamor. Aaminin niya na saksi siya sa nangyari sa elemental kingdom, malakas ang mga kalaban kaya mas mabuting mag ensayo sila ng maigi.

Si Euria na kakambal niya ay tila kinakabahan sa mangyayaring labanan ngunit hindi niya papabayaan ang kanyang kakambal. Mahal niya ito kahit anong mangyari. Kung maaaring ibuwis niya ang kanyang buhay ay gagawin niya para sa kanyang mahal na kapatid.

ZEPHYR POV

Pinagawa kami ngayon ng aming guro sa arts ng isang bahay. Bahay na maliit, ano ba tawag noon? Ay basta yun na yun.

Since groupings kami, pinagtulungan namin gawin ang bahay daw kunu na ipapass namin para daw pang display sa upcoming event. Kaya eto kami gumagawa.

Tinignan ko si Raven nakaupo lamang siya malapit sa bintana malalim ang iniisip. Lutang na naman, kaya nilapitan ko siya.

"Bro gutom ka? Eto oh pagkain." Biro kl sa kanya. Napatingin naman siya sa akin at tumawa ng mahina sabay sabing

"Gago, tumingin ka doon. Tignan natin kung hindi ka mapatingin doon." Sabi ni Raven at itinuro ang kanyang tinitignan kanina. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko kanina maliwanag pa naman ah, ang tirik kaya ng araw kanina. Ano ito? Biglang uulan?

"Baka uulan lang bro. Eto naman parang ignorante." Sabi ko sa kanya. Umitim kasi ang kalangitan, tila may bagyo ata paparating.

"Hindi, iba pakiramdam ko." Saad niya. Tumayo naman siya at binuksan ang bintana sa tabi niya. Napailing na lang ako sa sinabi niya. Ang o.a ni Raven nitong nakaraang araw. Parang may iba daw, wala namang nangyayaring iba.

"Ayam tapos na tayo!" Napalingon ako sa sumigaw si Chandria pala at todo ngiti. Ang saya niya, natapos na kasi ang bahay namin. Tumawa naman sina Fuego, Aqua at Tierra sa reaction niya. Kaya lumapit na ako sa kanila, tinignam naman ako ni Feugo at itinuro niya si Raven. Sinenyasan ko na lang na pabayaan baka nag eemote na naman.

"Oo tapos na nga tayo. Since ikaw ang pinakabata ikaw ang magliligpit." Sabi ni Fuego kay Chand. Natawa kami sa reaction ni Chandria tila hindi madrawing ang itsura sa sinabi ni Fuego.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon