CHAPTER 32
REED POV
Ilang araw na ang lumipas simula ng nalaman ko kung ano sila klaseng mga tao. Hindi naman sa takot ako sa kanila, kundi naninibago. Akalain mo mas malakas pa sila sa amin, dahil may mga kapangyarihan silang tinatago. Sa araw na nalaman namin ang sikreto nila, yun din ang nagsimula ang araw na iniiwasan ko si Aqua. Hindi ko alam kung bakit, pero naiilang ako sa kanya.
Nandito kami ngayon sa loob ng school, maglalaro sana ako pero mas pinili na lang namin na tumingin sa ibang mga maglalaro. Habang naglalakad kaming apat, nakita namin sina Tierra, Fuego at Aire na seryosong nag-uusap. Nilapita sila ni Chaser, syempre sumunod naman kaming apat.
Masaya kami sa kanilang dalawa ni Aire. Una pa lang, tanggap namin kung ano ang pagkatao ni Chaser mula bata, alam namin na may kapangyarihan siya. Hindi namin alam kung saan siya nagmula basta ang alam namin ay naging mabuti siyang kaibigan sa amin.
"Anong meron Baby Ai?" Tanong ni Chaser. Simula nang nalaman namin na magkapatid sila yan na lagi tinatawag sa kanya ni Chaser. Siguro kapag ibang tao ang makakarinig baka bibigyan nila ang malisya ang pagtawag ni Chaser kay Aire ng ganon. Napag-usapan din namin na manataling sikreto na magkapatidsilang dalawa, hindi ko alam kung bakit basta yun ang sabi sa amin.
"Si Aqua, pupuntahan namin. May laro yun ngayon. Sasama ka ba Kuya?" Tanong ni Aire. Ngumiti naman si Chaser at tumingin sa amin. Si Zephyr naman ay tumabi kay Fuego, buti nga at nakakamabutihan na amg dalawa.
"Sige I'll go." Saad ni Raven at tumingin kay Aire. Tumango naman si Chaser kay Raven at tumingin sa akin, nang hindi ako kumibo napatingin din sa akin si Fuego ngnakakunot noo.
"Sumama ka." Saad niya at hinila ang braso ko. Napatawa naman sila sa ginawa ni Fuego.
"Oo na, bitawan mo nga ako." Sabi ko sa kanya at ngumisi naman siya. 3 araw na din ang aming festivals, tiyak madaming nag eenjoy na mga estudyante.
"Huwag kang tumakas, subukan mo. Icheer mo si Aqua." Saad niya. Tumango lang ako. Nang makarating kami sa lugar kung saan sila maglalaro, mga hiyawan ang mga naririnig namin, sigawan at tilian.
"Doon tayo sa bandang itaas." Saad ni Tierra, at naunang lumakad sa amin. Nang nakapwesto na kami mula sa baba ng pool tanaw namin ang mga kalahok sa paligsahan, ngunit
"Nasaan si Aqua?" Tanong ni Fuego. Kaya hinanap ko din kung nasaan si Aqua. Oo nga, bakit wala pa siya?
Napalingon kami sa huling dating na manlalaro na naka swimsuit, yung damit kapag may paligsahan para uniform sila. Ang kaninang maingay na estudyante ay mas nagwala pa ng nakita nila si Aqua.Tsss, bakit siya ganyan magsuot ng damit?
*cough*cough*
"Bro, baka matunaw si Aqua niyan." Asar na sabi sa akin ni Zephyr at tumawa. Wlangya tong isang ito, may mga bagay pa kaming dapat pang pag-usapan pero ang sabi ng guardian nila Aire na sa sunod na kapag wala ng festival ang paaralan.
"Tssk, tumahimik ka nga." Iritang sabi ko.
"Players position yourself." Sabi ng emcee. Teka parang may mali, bakit? Ay baka nagmamalik mata lang ako.
TIERRA POV
Hindi, nasaan si Aqua? Nagsimula na ang laro at tumayo ako upang hanapi--
"Saan ka Tierra?" Tanong sa akin ni Chaser na katabi ko sa pag-upo.
"Hindi siya si Aqua." Sabi ko at napatingin sila sa akin. Maging si Aire siguro alam niya na, dahil hindi na niya nagawa pang lumingon sa akin at nakatitig lang sa Aquang pinaniwalaan ng lahat.
"Umupo ka Tierra. Obserbahan natin ang isang ito, king nasaan man si Aqua alam ko na ligtas siya." Saad niya kaya umupo ako. Napakunot noo naman ang mga lalaking kasama namin sa akin at ngumiti na lang ako at nagkibit balikat. Si Reed naman ay hindi ko alam kung ano itsurang meron siya dahil mukhang nag-aalala siya.
May paiwas iwas pa kasi siyang nalalaman kaya ayan tuloy, hindi niya pa nagawang kausapin si Aqua. Nakakapanghinayang, kanina nagpaalam sa amin si Aqua na mauuna na siya dahil dapat maaga siya dahil sa laro niya tapos ngayon ibang Aqua ang meron, mission? Nah, impossible hindi kami aware.
AIRE POV
Pagpasok pa lang ni Aqua alam ko ng hindi siya ang babaeng iyon. Dahil walang buhay ang mata at hindi man lang kami nagawang hanapin na nandito sa itaas.
"Aire, mission. Nagsisimula na ang mission ni Aqua." Saad sa akin ng hangin. Siguro galing ito kay Eunice. Mission? Bakit ngayon pa?
"Saan?" Tanong ko. Saan si Aqua ngayon? Isa siyang water Princess kaya anong mission ang maaring meron siya?
"Sa lake. Sa likod ng school may lake kung saan kayo nung una pumunta."Saad ni Eunice. Oo may lake sa likod ng paaralang ito. Naghiyawan ang mga estudyante kaya napatingin ako at nauuna ang clone na Aqua sa paglangoy, tila mukhang wala lang sa kanya ang kompetisyong ito.
Hanggang sa innanounce ng emcee ang pagkapanalo ni Aqua. Dirediretso siya lumabas hindi man lang gumawa pang lumingon, kahit ang emcee ay walang masabi dahil hindi man lang kinuha ng clone na Aqua ang premyo.
"Aqu--" Pinutol ni Raven ang sasabihin ni Reed.
"Susundan natin siya?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako at dali daling bumaba. Paglabas namin sa lugar kung saan ang palaro hindi na namin na abutan pa ang clone na Aqua.
"Nasaan siya?" Tanong ni Reed.
"Hindi ka naman atat no?" Bara sa kanya ni Aqua. Natawa na lang sila sa paghawak ng batok ni Reed at tila nahiya sa reaction niya sa pagkawala ni Aqua.
"Lake." Sabi ko at naunang lumakad.
"Anong meron doon Baby Ai?" Tanong sa akin ni Kuya. Sa totoo lang everytime na tinatawag ako ng Baby Ai ni Kuya nakikita kong lagi nakakunot ang noo ni Raven kay Chaser, hindi ba siya aware na magkapatid kami?
"Water Princess si Aqua at nagsisimula na ang mission niya." Saad ko. Simula nang nalaman nila ang relasyon namin ni Kuya ay laging magkakasam ang pangkat nila Raven at ang amin.
"Mission?" Tanong ni Raven na nasa kanan ko naman. Tumango lang ako dahil hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kanila.
"Basta, sasabihin namin kapag okay na ang lahat." Nang makarating kami sa lugar na tinutukoy ni Eunice. Walang tao doon, tanging mga hayop lang ang nakikita namin.
"Nakita nila na nandito sa Aqua." Saad ni Tierra at hawak ang isang ibon sa kanyang palad. Kita ko ang weird expression ni Zephyr.
"Nasa tubig?" Sabi niya na walang kasiguraduhan. Napatingin naman ako sa tubig at bigla itong lumiwanag ng kulay blue at bigla din itong nawala.
Napatingin naman sila at lumapit sa gilid ng tubig.Nagsisimula. Ngayon hindi namin alam kung anong mission ang meron si Aqua alam kong makakayanan niya lang ito. Tubig, nasa loob siya ng tubig. Hanggang kailan ang mission ni Aqua? Sana hindi tatagal.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasía----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...