CHAPTER 56

3.3K 137 0
                                        

CHAPTER 56

RAVEN POV

Pag-alis ko sa bahay namin ay diretso kong pinaharurot ng mabilis ang kotse ko. Hindi ko alam ngunit parang may iba talaga, hindi ko lang matukoy kung ano.

Ilang metro pa ang layo mula sa amin ang bahay ng mga nerds, no let me rephrase again. Malayo ang bahay ng mga prinsesa mula sa amin kaya mabilis akong nagmaneho tila bang may kailangan akong habulin.

Habang nagmamaneho ako napatigil ako sa isang lugar, mainit ang pakiramdam ko kaya naman tinodas ko na ang aircon sa kotse ko. May mainit talaga, mainit ang katawan ko. Kaya isinantabi ko muna ang kotse ko sa gilid at pinagpahinga ang ulo ko sa headrest.

Hinilot ko ang sentido ko habang nakapikit ako. Ngayon ko lang ito naramdaman. Maayos naman ako kanina wala naman akong nararamdamang kakaiba kanina, ngayon lang ito lumabas. Nang minulat ko ang mata ko sumilip ako sa rear mirror upang tignan ang sarili ko laking gulat ako sa nakita ko.

Kulay gray ang kulay ng aking mata. Anong nangyayari? Nakita ko din sa bandang leeg ko ang isang kwintas. Kwintas na nakita ko na dati, kwintas na kitang kita ko noon na suot suot niya.

Hinawakan ko ito at umiilaw ito, symbol ng hangin ang nakikita ko. Anong nangyayari sa akin. Mga ilang sandali pa ay naging maayos na ang aking katawan. Anong nangyari?

Di bale, tatanungin ko si Eunice tungkol dito. Impossible, nagbago ang kulay ng mata ko at yung kwintas bakit nasa akin? Bigla lang itong nakasabit sa leeg ko.

Pagkadating ko sa bahay nila Eunice ay ilang buzzer pa ang ginawa ko ngunit wala ni isang bumukas ng pinto ng gate kaya naman pumasok na ako sa loob ng bahay. Nandito sila dahil sa labas ng bahay kita ko ang van na gamit nila Chaser kagabi.

"Anong nangyayari kay Aire?!" Rinig kong sigaw ni Aqua. Anong nangyayari? Mula dito sa malayo dinig na dinig ko ang sigaw. Anong nangyayari?

Dali dali akong pumasok sa sala ngunit wala akong nakitang may isang bumunggad sa akin. Lahat sila ay nasa kwarto ni Aire dahil naririnig ko ang ingay ng mga yapak nila.

"Aire, huwag mo kaming iwan. Gising Aire." Rinig kong iyak ni Fuego.

Dali dali naman akong tumungo sa kwarto ni Aire since alam ko naman kung nasaan ang kwarto niya dahil minsan na din akong nakapunta sa kwarto ni Aire. Takot, kaba ang nararamdaman ko ngayon kasabay ang malakas na tibok ng puso ko.

Aire? Anong nangyayari? Anong iiwan? Gulong gulo ako kaya lakad takbo ang ginawa ko papunta sa kwarto ni Aire dahil malaki at malawak ang bahay nila. Wizard nga talaga si Eunice dahil magic talaga ang dating ng bahay nila.

Wala ng katok-katok binuksan ko agad ang pintuan kaya naman napatingin sila sa gawi ko. Hingal, hingal na hingal akong lumapit kay Aire. Ngunit bago ako nakalapit ay hinarangan ako ni Fuego.

"Anong ginagawa mo dito? Di ba nandoon ka na sa girlfriend mo?" Galit na sabi ni Fuego sa akin. Yumuko na lamang ako dahil hindi ko alam kung ano at paano ko sasabihin. Napakalaki kong tanga.

"Anong nangyari kay Aire?" Tanong ko. Binalewala ko na lamang ang tanong ni Fuego maybe some other time iexplain ko sa kanila ang nangyari.

Walang ni isang sumagot sa akin kaya nilapitan ko na lang si Aire. Habang nakayuko ako ramdam kong nakatingin sila sa akin. Si Eunice hindi ko nakita kanina, nasaan siya?

Nang makalapit na ako kay Aire kita ko ang pagkaputla ng labi niya. Ang pagkaitim sa gilid ng kanyang mata at malamig na katawan. Hinawakan ko siya kaya naman mas bumilis ang tibok ng puso ko.

"Aire, gising. May aaminin pa ako." Sabi ko. Pilit kong huwag maiyak dahil alam ko na ang ibig sabihin ng kanyang itsura. Tahimik lang sila at pinagmasdan ako.

"Aire, gising na. Pasensya kung hindi ako umamin, takot lang talaga ako. Akala ko mahal ko pa siya, ngunit ikaw na pala ang mahal ko. Gising na." Sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang kanyang kamay. Kahit malamig na pilit ko itong hinawakan.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Ano bang nangyari kay Aire? Bakit umabot ng ganito? Kaya naman napatingin ako sa kanilang gawi at tinanong sila.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanila. Nakita ko ang gulat nilang ekspresyon ng tumingin ako sa kanila tila hindi sila makapaniwala.

"Patay na si Aire. Ilang oras na lamang ay maglalaho na ang kanyang katawan." Saad ni Tierra habang nakatingin pa din sa akin. Dahil sa narinig ko ay tumulo muli ang luha ko. Bakit?

"Paano? Bakit?" Tanong ko na lamang. Nakita kong ngumisi ng mapait si Chaser at umiwas ng tingin sa akin.

"Hindi namin alam. Isang lang naman ang nasa isip ko, hindi nalagpasan ni Aire ang pagsubok." Saad niya at tumingin muli sa akin kita kong naiiyak si Chaser. Si Zephyr at Reed naman ay inaalo ang kanilang girlfriend.

Misyon? Pagsubok? Hindi niya natagumpayan? Paano?

"Anong nangyari sa itsura mo?" Tanong ni Zephyr sa akin. Nanatili lamang akong nakaupo sa tabi ni Aire habang hawak ang kamay niya at tinignan siya na walang malay.

"Hindi ko alam. Basta kanina papunta na ako dito biglang uminit ang katawan ko at eto na ang nangyari sa akin kasabay nito." Sabi ko at inilabas ang kwintas. Nanlaki naman ang mata nina Tierra, Aqua at Fuego.

"Paanong nangyari? Ibig sabihin nito ikaw ang armor ni Aire? Paano ka niya mababantayan kung ang protector mo ay wala na." Saad ni Fuego sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako kasabay ang pagsikip ng dibdib ko.

"Anong nangyari bro? Si Ae?" Tanong ni Reed. Tumingin lamang ako sa kanya at walang bubay na sinabi na

"Iexplain ko sa inyo mamaya. Sa ngayon bigyan niyo muna ako ng pagkakataon na mapag-isa kasama si Aire." Sabi ko sa kanila. Tumango naman si Tierra at lumabas na sila ngunit naiwan si Chaser at nakatingin lamang sa akin.

"Mabuti naman at natauhan ka na Raven. Tama ako di ba?" Sabi niya at ngumit ng pilit sa akin. Kita ko ang lungkot sa kanyang mata.

Hinigpitan ko lang ang paghawak ko sa kamay ni Aire.

"Nasa huli talaga ang pagsisisi Raven. Hindi ako galit, oo nung una pero ngayon dahil natauhan ka na okay na ako ngunit sana magsisisi ka sa pagbalewala kay Aire. Sige mauuna na ako." Sabi ni Chaser sa akin at tinap ang balikat ko.

Lumabas na siya ng pinto at isinarado. Tinignan ko si Aire at naiiyak ako. Ngayon lang ako nagkakaganito.

"Aire, patawad. Patawad kung naging manhid ako sa nararamdaman ko saiyo. Please gumising ka na diyan, babawi ako sa lahat. Babawi ako kung gusto mo liligawan pa kita araw-araw." Sabi ko na lang at tumulo na ang luha ko. Hindi ko inakala na maging ganito ako sa babaeng ito.

"Aire mahal kita." Sabi ko. Nilapit ko ang labi ko sa kanya at dinampi. Sana kahit ganitong lang, maramdaman mo ang paghalik ko sayo. Mahal kita. Patawan Aire, patawad mahal.

"I love you Love." Sabi ko na lang at umupo ng tuwid habang pinagmasdan siya. Nakakalungkot lang dahil eto ang naabutan ko. Walang silbi ang pag-amin ko dahil wala na siyang buhay, sana man lang magising na siya.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon