CHAPTER 25

4.1K 194 0
                                    

CHAPTER 25

AQUA POV

Aga-aga nakikipaglandian. Uminit tuloy ang ulo ko dahil sa eksena kanina. Hindi naman ako si Fuego na laging mainitin ang ulo pero, ewan, basta naiinis ako kanina nang magkahawa sila ng kamay. Tssk, bakit ba ako affected? Ano namna ngayon?

Habang naglalakad kaming apat papuntang office ni head napaisip ako, paano kami maglalaro kung ganito ang suot namin? Aish, sabi naman ni Aire kanina "It is our pleasure" yan ang sinabi niya. Grabe, tapos water games ang akin, I mean hindi naman lahat ay water games, pero---bakit ba ang o.a ko mag react, water princess nga pala ako.

"Nga pala Fuego may nakalimutan akong itanong..." sabi ni Tierra kay Fuego. Si Fuego naman ay sinabayan si Tierra sa paglakad.

"Ano iyon?" Tanong ni Fuego. Kasabay ko si Aire sa paglakad, hindi namin alam kung ano ang gagawin namin sa office ng head.

"Tapos na ang mission mo. Hindi mo pa ba nakikilala ang armor mo?" Tanong ni Tierra kay Fuego na ikinayuko niya lang.

"Kilala ko na siya. Pero baka nagkamali lang ang kwintas ko." Sabi ni Fuego, bakit parang naging iba ang mood niya?

Nanatili na lang tahimik si Tierra, at naintindihan si Fuego. Sino? Sino ang armor niya?

Nang makarating kami sa office, una bumungad sa amin si Eunice kasama si Euria, mukhang seryoso silang nag-uusap.

"Ano ang kailangan mo sa amin Eunice?"  Sabi ni Aire. Kaya bigla namang napatingin sa gawi namin ang dalawa, mukhang hindi nila naramdaman ang presensya namin. Tumayo naman si Eunice, si Euria naman ay pumunta sa table niya at umupo.

"Eto, suotin niyo iyan sa laro ninyo. Huwag na kayong madaming tanong kung bakit, basta ienjoy ninyo ang linggong ito." Sabi niya. Nagsitinginan lang kami ni Fuego, nang naintindihan namin ang sinabi ni Eunice ay ngumisi siya. Aba, may pinaplano.

"No using of powers." Saad naman ni Eunice, umakto naman si Tierra na tumahimik si Eunice dahil baka marinig ni Euria.

"It's okay. Alam niya na kayo ang mga princessa." Saad ni Eunice na ikinalaki ng mata namin dahil sa gulat? Huh? Paano?

"Kambal ko siya mga Princessa. Kaya habang wala ako siya ang inaatasan kong bantayin kayo, laban sa mga ibang estudyanteng umaabuso sa inyo." Saad naman ni Eunice. Wow, ngunit hindi sila magkamukha, ang galing naman.

FUEGO POV

Kambal sila? Sa bagay, ano ba naman ang alam ko tungkol kay Eunice masyado siyang busy kaya hindi namin alam ang buhay niya.

"Magbihis na kayo, feel comfortable in your attire dahil ganito ang mga tao sa mundo." Saad ni Eunice.

"Saan ka pupunta Nice?" saad ni Head Euria/Ria. Maganda naman sila pareho, sa naobserbahan ko ang bata pa nila, alam kong may mysteryosong nangyayari na hindi namin alam, kung wizard si Eunice, edi wizard din si Euria, eh kung magkakambal sila sa kanila itong paaralan, so ibig sabihin sa paaralang ito, possibleng may mga wizard ding estudyante. Aish, basta yun na yun.

"Dito lang uupo lang ako." Sabi ni Eunice at umupo sa couch at hinilot ang sentido. Alam kong sobrang pagod na ni Eunice. Hindi bale, hindi magiging sayang ang mga ensayong meron kami, dahil matatalo namin si Velgamor.

"Girls, magbihis na kayo, may mga groups kayo. Don't worry alam ko ang mga pinanggagawa nila Vanessa. Kaya niyo yan, kayo pa." Sabi sa amin ni Euria at kuminda lang. Hmmm...si Eunice ay seryoso habang si Euria ay may pagkachildish, pwede na.

"Sige. Salamat dito Eunice." Saad ni Tierra. Pumasok na kami sa isang silid at sinimulan ng alisin at palitan ang dapat alisin at palitan.

"Sa wakas, hindi ma tayo mabubully, magiging maganda na ako." Saad ni Aqua, at masayang binuksan ang lama ng box. Nang buksan ko ang box ko, nanlaki ang mata ko,

"Ano ito?" Sabay taas ng isang maiksing short na kulay pula at t-shirt na kulay puti na saktong mafifit lang sa katawan namin.

"Pfft~ suotin mo na kang Fuego. Tatalbugin natin ang mga babaeng iyon. Makikita nila kung sino tayo." Sabi ni Aqua at mukhang gusto niya ng pumatay, nakakakilabot parang may pinaplano.

"Tigilan niyo na nga iyan. Aqua umayos ka" Sabi ni Tierra at inalis ang eye glass niya. Si Aqua naman ay ngumuso lang. Nang tignan ko si Aire ayun nakahiga sa isnag couch mukhang may iniisip.

"Aire hindi ka ba magpapalit?" Tanong ni Tierra. napatingin naman si Aire at sabay sabing

"Hahabol ako mamaya." Yun lang sabi niya. Hayst, eto na. Magsisisi ka Zephyr, may marunong ka pang sabi na iyaya mo ko sa Masquerade Ball tapos yakap yakap mo kanina ang Ayesha na iyon, tignan mo.

TIERRA POV

Iang maikling short na kulay green, pares ng rubber shoes na nakikisabay sa uso ng mundo, at puting t-shirt. Napailing na lang. Hindi sa ayaw ko dahil alam kong makukuha namin ang attention ng mga estudyante. Naiintindihan ko si Aire dahil ayaw niya ng eksena kaya magpapahuli siya. Ano naman ngayon kung ito ang mga susuotin namin? Yung iba nga mas maiksi pa ang mga short.

"Kyah!!!" Napatingin naman ako kay Aqua na napatili akala ko kung ano,

"Ang ganda ko dito." Sabi niya napatawa na lang kami sa sinabi niya.

"Aqua iwasan ang pagiging friendly sa mga lalaki." Saad ni Fuego na ngayon ay astig kung tignan. Nakaponytail ang buhok. Kulay itim, hindi namin maaring ilabas ang kulay ng buhok namin baka mabigla sila. Kaya mas mabuti kung kulay itim ito, hindi na muna kami magsusuot ng wig.

EUNICE POV

Alam kong masaya na sila ngayon dahil pinayagan ko na sila. Dapat din doble ang pagbabantay ko sa kanila. Lalo na't hindi na sila naka nerd attire.

Nang bumukas ang pinto kung saan nag bibihis ang mga prinsesa, hindi ko maiwasan mapamangha, ang gaganda nila. Magandang kulay ng balat, long-legged, makinis ang mga mukha, at masasabi ko ng perfect sila. Teka? Bakit kulang?

"Nasaan si Aire?" Tanong ni Ria. Oo nasaan ang isang iyon?

"Mamaya na daw siya, hahabo lang daw." Saad ni Tierra. Sa kanilang apat si Aire ang hindi mo maintindihan, pero alam kong nag-iisip lang iyon.

"O sige. Pumunta na kayo, baka madisqualified kayo sa unang laro. Enjoy." Saad ni Ria. Tumango naman sila at

"Salamat sa inyo." Saad ni Tierra. Lumabas na sila at

"Grabe Nice, ang gaganda nila.Tiyak na hahangaan sila ng mga iba pang estudyante. Syempre, mga alaga ko iyon,

"Ganyan talaga." Sabi ko. Namiss ko din itong kakulitan ng kambal ko. Kami na lang ang meron sa isa't isa. Kaya dapat bantayan namin ang sarili namin.

Habang nag-uusap kami bumukas muli ang pinto at iniluwa si Aire. Ang,

"Saan ang volleyball game?" tanong ni Aire kay Ria.

"Sa gym." Saad niya. Tumango naman si Aire at nagsimula ng lumakad.

"Bakit?" tanong ko. Aba malay ko, baka may hindi ako alam.

"1st game." Saad niya at tuluyan ng lumabas.

Napangiti na lang ako. Ang gaganda nila, nakakahanga. Ano kaya mangyayari sa mga etudyanteng inabuso silaat binully? Hahaha.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon