CHAPTER 19
FUEGO POV
Nandito kami ngayon sa cafeteria upang kumain, alangan naman mag shopping. Grabe ang sakit ng katawan ko, alam ko ganun din ang nararamdaman nila Aire. Paano ba naman halos gabi gabi kami nageensayo. Isang linggo na din ang nagdaan at nung natapos ang mission ko. Nakakahinayanang nga eh, dahil hindi namin matukoy kung sino ang susunod na sasabak sa sunod na mission.
Siguro iniisip ninyo kung ano ang nangyari sa amin sa loob ng isang linggo nu? at kung ano ang ginawa nina Zephyr sa bahay namin. Well, secret. Malalaman niyo lang din. Hindi ko pa naibigay kay Zephyr ang kwintas, ayaw ko pa. Gusto ko makilala kung ano klaseng armor si Zephyr. Sinabihan din ako ni Eunice na ang libro ng prophesiya ay hindi matukoy kung ano ang sunod na mangyayari, ano kaya ang magandang gawin? Balita ko kasi ngayon kanselado lahat ng klase kasi may iaanounce daw ang head ng school.
"Grabe hindi ko kayang ihakbang ang mga paa ko. Mukhang binalian mo yata ako Tierra." sabi ni Aqua na nakayuko sa lamesa. Ngumit lang sa kanya si Aqua, paano ba naman kasi hindi kami pinayagan ni Eunice na gamutin ang sakit sa mga katawan namin, kaya kailangan namin magtiis.
"Hindi ko naman sinasadya Aqua eh, at saka isipin mo na lang na kapag si Velgamor ang makakalaban natin ay mas sobra pa ang matatamo mo jan." Sabi ni Tierra at nagpipigil ng tawa. Oo tama siya.
"Just like, OMG nadumihan ang precious eyes ko." sabi ng babae sa gilid ko. Kaya napatingin ako at ngumisi, sila na naman? Hanggang kailan ba ito titigil ang mga to? Kapag nasaktan na? Magandang idean.
"Hoy Fuego tumigil ka diyan, ang brutal mo mag-isip." Sabi ni Aqua at binatukan ako. Mas naging close kami ni Aqua pagkatapos ng mission ko. Ewan ko ba, basta alam ko naging sweet siya sa akin. Takot atang matalo ako sa mission. Ahehehehe.
"Aray ko naman." Sabi ko na lang. Nakita kong nainis ang babaeng si Ayesha ba ito? wala kasing sinong nag abala sa amin na pansinin sila. Si Aire seryosong nagbabasa ng libro at nakaearphone, si Tierra busy pagcecellphone, Si Aqua nakayuko lang. Ako? Eto nagpapanggap na walang narining, teka may nagsalita nga ba? Ah baka guni guni ko lang. Pfft~
"Aba't ang lakas ng mga loob ninyo na hindi kami pansinin." Sabi ni Vanessa at pinalo ang table namin ng malakas kung kaya't naagaw ng attention niya ang mga estudyante. Ayan kasi, papansin masyado. Gusto atang makahanap ng gulo, tignan niyo kapag kami allowed ng hindi magsuot ng nerd outfit ay tatalbugan ko kayo.
"Nakita niyo ba tong mga nerds na ito?! Ang bastos, hindi marunong kumilala kung sino ang nasa harapan nila!" sigaw niyang sabi sa mga ibang estudyante. Nakkapanghinayang, natatakot din sa kanya ang mga ibang estudyante. Well, wala akong pake.
"Mga miss, umayos kayo kung ayaw ninyong mapahiya." sabi ng isang babae, hindi ko kilala kung sino siya kaya tinignan ko lang siya at tumango. Tapos umalis lang din bigla.
"Grabe talaga ang mga nerd. Idol ko na sila, sila lang ang may kayang ganyanin sina Vanessa."
"Ako ang naaawa sa mga nerds hindi nila alam ang possibleng manyayari sa kanila."
"Dapat kasi umayos sila, ayan tuloy."
mga iba't ibang komento ang naririnig kp at mga bulungbulungan tila mga bubuyog. Haist bahala na nga sila.
Hmmm...matagaltagal din ako hindi nala encounter ng away, babae laban sa babae. Ano kayang mangyayari kung-----
"Claire? Anong kaganapan?" Sabi ng lalaki sa kanila, kaya napalingon ako sina Zephyr pala, nahuli kong ngumiti sa akin at nag wink. Kaya umiwas ako ng tingin. Lagot, patay ako nito, nandito na naman po sila. Kaya sinipa ko ang table namin.Napatingin sa akin si Aqua at nakakunot ang noo si Tierra naman ay napalingon sa gawi nina Vanessa. Itinuro ko sa kanila ang mga apat na lalaki sa likod ko.
Dali dali namang inayos ni Aqua ang sarili. Aba kanina masakit to ang katawan, ngayon mukhang nawala ang sakit. Nang tinignan ko si Aire walang pakealam sa kaganapan. May sariling mundo ang princessa ninyo.
"Like duh? Raven, kinausap ko sila hindi man lang nila ako pinansin."sabi ni Vanessa at tinuro turo pa kami. Kapal talaga nito.
"Bastos." sabi ni Natasha at umirap sa amin. Napangiwi naman ako sa ginawa niya, alisin ko yang eyeballs mo eh.
"Tsss... Umalis na kayo. Huwag na kayo gumawa ng skandalo." sabi ni Raven. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nila Raven kaya ng lumingon ako, nandoon umalis na sina Vanessa na iritang irita.
Nagbubulung bulungan ang mga estudyante parang mga bubuyog. Sumasakit tenga ko aalis na lang muna ako. Aalis na sana ako ng hinawakan ni Zephyr ang magkabilang balikat at pinaupo muli. Umupo naman ang apat sa tabi namin. Ano ba plano nila? Tssk. Nakita kong napaangat ang ulo ni Aire at tinignansi Raven at ngumisi lang. Mukhang may hindi ako alam dito ah?
"ANNOUNCEMENT SA LAHAT NG MGA WARDENIANS SUTDENTS. PUMUNTA KAYO LAHAT SA GYM DAHIL MAGOOPENING TAYO SA WARDEN FESTIVAL. BE THERE AT SHARP 10. STUDENT SUPREME PRESIDENT PLEASE PROCEED IN ADMISSION OFFICE. THANK YOU HAVE A NICE DAY EVERYONE." Yang ang sabi ng sound system. Anong kaganapan ang mangyayari? Anong Warden Festival?
Tumayo naman si Raven at nakakunot ang noo, ngumisi naman sa kanya sina Reed at Zephyr, si Chaser? Andun busy silang dalawa ni Tierra sa kakacellphone.
"Pfft~ wrong timing ka bro. May next pa naman huwag ka magalala" Sabi ni Reed.
"Gago." Sabi ni Raven at umalis na.
Anong meron? anong festival? May mga beer ba doon?
"Guys, sali kayo ha? Sa festivals at mga games, enjoy yun." rinig kong sabi sa kabilang table. Games? Wow? sasali ako.
"Palaro iyon, ito ang mga hinihintay ng mga estudyante kung saan, one week wala tayong pasok dahil puro school activites lang." sabi ni Chaser sa amin. Tumango lamang si Aqua.
"Mga iba't ibang activities kayo maaaring salihan, beauty ang brain contest, sports, pageant, at etc. May masquerade ball ding magaganap sa huling araw ng activities." saad naman ni Zephyr at tumingin sa akin. Kaya inirapan ko lang siya. Kainis ito, lagi kasi akong iniinis nito.
"At sa huling event meron tayong ranking sa mga students aside sa Officer ng mga paaralang ito. Nakadepende kung deserving ka ba. Makukuha mo ang lahat ng respeto ng mga estudyante kung masasali kayo sa Warden Royalties." Saad ni Reed, at ngumiti kay Aqua, umiwas naman ng tingin si Aqua.
Mukhang exciting ito. Ano kaya ang magandang gawin, at plano para sa festival kunu nila, at least ma enjoy ko man lang ang pagstastay ko dito sa mundo ng maga tao.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasy----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...