CHAPTER 47

3.4K 136 0
                                        

CHAPTER 47

TIERRA POV

Parang kailan lang mga ilang araw ang lumipas masaya kaming lahat tila wala kaming iniisip na problema na malaking problemang haharapin namin. Nandito kaming tatlo ngayon sa kwarto ni Aire tulala ko lamang siyang pinagmasdan. Si Aire, alam kong matatag siya. Ngunit nang narinig ko ang balita galing kay Eunice tila gumuho ang mundo ko sa narinig.

Kababata ko si Aire, kilala ko siya bilang siya. Hindi ko kakayanin kung di niya malampasan ang pagsubok na ito. Sina Aqua at Fuego naman ay nakaupo lang at halatang matamlay sila, alam kong malungkot din sila sa narinig nila kay Eunice.

Buhay. Buhay ang kapalit kapag hindi nalamapasan ni Aire ang mission niya. Bakit buhay? Ganon ba kalaki at kabigat ang mission niya at buhay niya ang magiging kapalit sa mission? Di ko kaya. Kanina si Chaser alam kong malungkot din siya, hindi niya man lang ako kanina nagawang tignan nung pauwi sila.

"Tierra, halina pahinga na tayo. May dadaluhan pa tayong Ball bukas." Saad ni Fuego. Ngumiti na lang ako ng mapait, ball? Hiling ko sana na magising si Aire sa gabing iyan upang maranasan niya ang ball sa mundo ng mga tao.

"Sige mauna na kayo." Sabi ko sa kanila. Tumango naman si Aqua at tumayo. Lumapit siya kay Aire at hinalikan ito, nahuli ko pa ang butil ng kanyang luha na tumulo.

"Aire gising ka na dapat bukas ha?" Saad ni Aqua. Lumapit naman si Fuego at hinalikan sa noo si Aire at ngumiti. Dito ninyo makikita ang mga kahinaan namin, kahit hindi kami magkakapatid totoo kaming nagmamahalan apat dahil sobra pa sa pagkakapatid ang pagtrato namin sa isa't isa.

"Mauuna na kami Tierra." Paalam nila dalawa. Tumango naman ako at tuminghala, di ko maiwasan na maiyak. Ano ba yan, di pa nga patay si Aire umiiyak na ako. Siguro kapag gising si Aire kanina pa ako tinitignan ng masama nun. Natawa na lang ako sa iniisip ko.

Kanina si Aire ang lamig ng katawan di namin alam na nagsisimula na ang mission niya. Magkapareho sila ni Fuego ngunit ang kinaibahan lang parang yelo ang katawan ni Aire sa lamig. Parang natutulog lang siya, di pa siya nagigising nakakamiss siya.

Tumayo na ako sa kinaupuan ko at nilapitan si Aire upang ikiss sa noo. "Kaya mo yan Aire. Goodnight." Saad ko at umalis na sa kwarto niya.

AQUA POV

Paano ba ako magsisimula? Ang daming ganap. Nagsimula lang ang festival madami ng kaganapan sa amin. Oo, kami na ni Reed. Alam kong gusto niyo yan marinig mula sa akin, gusto ko sana masaya ako kapag ishare ko ang tungkol sa amin ni Reed kaya sa ngayon huwag na muna ang importante alam niyo na ang status namin dalawa.

Nakakawalang gana, totoo lang. Iba pa din talaga kapag wala si Aire. Hindi ko makakayanan kapag mawala si Aire sa amin, siya ang matalino sa aming apat. Malakas at magaling mag isip ng mga tactics. Kaya huwag kayong magtaka kung bakit mukha kaming lahat namatayan dahil yun na din yun.

Malaking palaisipan para sa akin ang sinabi sa amin ni Eunice kanina. Ang naintindihan ko lang doon ay mamatay. Mamatay para lumaban. Sumasakit ang ulo ko tuwing iniisip ko iyon.

Hindi ako makatulog, nandito na ako sa higaan ko ngunit bukas na bukas pa din ang diwa ko. Ayaw ko matulog di ko alam kung bakit parang feeling ko ayaw ko ng matapos ang araw na ito.

Siguro kapag wala si Velgamor siguro hindi na namin ito mararanasan pa. May mga mission kaming dapat lampasan, sana malampasan ni Aire. Matatag si Aire alam ko, ngunit iba ang mission niya. Ibang iba sa amin ni Fuego at malayong malayo. Mahirap. Ngunit naniniwala akong kaya niya ang mission niya dahil ibinigay iyon sa kanya kaya dapat possitive lang dapat.

FUEGO POV

Wala, wala akong sasabihin sa inyo tungkol sa amin ni Zephyr, dahil siya mismo nag deklara sa harap ng puntod ng mama niyana ako ang girlfriend niya. Alangan naman aangal ako di ba?Nasa puntod kami ng ina niya. So ayun lang.

Ang tagal ng araw na ito para sa akin. Bakit? Dahil sa linggong ito madaming kaganapan ang nangyari. Una ang pagkasugat sa braso ni Aire nung lumaro kami ng volleyball. Pangalawa nung racing sumabog ang motorsiklo ko.  Pangatlo nagkamission si Aqua at may clone siya. Pang apat nagsidatingan ang mga kababata namin at hindi namin alam kung bakit dahil hindi ko pa sila nagawang tanungin at pang lima? Eto ang mission ni Aire na ngayon ramdam ko pati sarili ko ay apektado.

Apektado dahil buhay ang kapalit sa mission ni Aire kapag hindi niya nalampasan ang mission niya. Nang narinig ko iyan mula kay Eunice hindi ko maiwasan tignan si Chaser kung ano ang magiging reaction niya. Oo nasaktan siya sa narinig, di biro na matagalna panahon sila naghiwalay ng kapatid niya tapos ilang araw lang lumipas ng nalaman namin na mission na ni Aire at buhay ang kapalit.

Ang tanong ko lang bakit buhay ang magiging kapalit? Bakit buhay? Napakadamot naman ng libro ng prophesiya. Bakit ganun ang mission ni Aire? Konektado ba ang buhay ni Aire sa missionna gagawin niya? Ano ba ang mission na mararanasan niya. Sana malampasan ni Aire ang mission.

Oo pasaway ako, ngunit mahal ko ang lahat ng tao na nasa palibot ko kaya di ko kayang may mangyaring isa sa amin. Lalo na't magkasama na kami simula bata pa, kaya mahirap din sa akin tanggapin ang katotohanan na ganung mission ang meron si Aire.

EURIA POV

Kasama ko ngayon si Nice sa bahay. Kanina pa itong tahimik at wala sa sadili. Alam ko na ang dahilan dahil kinwento niya sa akin, umiyak siya dahil para sa kanya wala siyang kwentang guradian kung isa sa mga prinsesa ay mamatay. Kanina ko pa siya inaalo ngunit tila wala akong magagawa.

"Kain ka muna kambal." Sabi ko at tumabi sa kanya. Ngayon ko na lang muli nakitang ganito si Nice. Si Eunice na kakilala ko ay matapang at pursigido sa anumang bagay ngunit ngayon? Ibang iba ang kambal ko. Matamlay.

Alam kong nasasaktan siya, pero naniniwala pa din ako na ang lahat ay may dahilan. Si Aire ay prinsesa at itinakda silang labanin si Velgamor kaga malalampasan ni Aire ang mission kung ano pa yan.

"Sige. Salamat." Sabi ni Nice at kumain. Nakakamiss din siya. Bathala ikaw na po ang bahala sa mga prinsesa namin, tao lang din po kami na binigyan mo ng special na kapangyarihan kaya tulungan niyo po kami lalo na ang kakambal ko na ilayo sila sa kapahamakan.

Elemental Princess [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon