CHAPTER 72.2
VANESSA POV
Ano ba gagawin namin sa library? Ang o.a din nitong Lyndon na ito. Tss...
"Ano may sinasabi ka?" Tanong niya sa akin habang umupo sa upuan. Nilapag ko naman ang lahat ng librong kinuha niya. Ginawa niya pa akong kargador.
"Wala po." Sabi ko at padabog na umupo sa tabi niya at umirap. Feeling señorito din to.
"Okay." Saad niya. Tumingin lang ako kay Lyndon na nagbabasa ng libro, kahawig niya talaga si Aire. Magkaugali sila ngunit mas daldal pa ito kay Aire. Simula nag-aral sila dito naging magulo na buhay ko dahil sa kanya. Ginawa akong utusan, kundi utusan pinapasama niya ako kung saan saan siya pumunta. Dahil sa kanya nakalimutan ko si Raven. Minsan nga naiinis ako sa lalaking ito kung sinu-sino ang ineentertain nito na babae.
"Alam mo bang masamang tumitig." Sabi niya kaya napaiwas na lang ako ng tingin.
"Feeling ka talaga London." Sabi ko. Tumingin ako sa harapan at nakita ko ang mga babaeng kinikilig kay Lyndon, pinanlakihan ko sila ng mata buti na lang at madala sila sa ganoon. Kainis.
"Bakit ba ang daming lumalandi sa 'yo?" Tanong ko kay Lyndon.
"Di ko din alam eh. Sadyang magnet ako sa kanilang paningin." Saad niya sa akin at bumalik sa pagbabasa. Tsss...
"Ang ganda ng sagot mo." Sabi ko at tumayo. Aalis na muna ako wala naman ang mapapala dito sa Lyndon na London bridge puros hangin lang ito. Akmang lalakad na ako ng hinawakan ni Lyndon ang kamay ko. Kaya napatigil ako at tinignan ang kamay niya na hinahawakan ang kamay ko at tumingin sa kanya na nagbabasa lang ng libro.
"London, bitawan mo nga ako." Sabi ko at medyo napalakas ang boses ko kaya napatingin sa amin ang mga estudyante.
"Ang ingay mo. Sinabi ko bang iwan mo ako dito?" Sabi niya at tinarayan ako. Mabuti na lang at nasa sulok kami at medyo tagong parte malapit sa window. May mga bookshelves pa bago makita ang ibang table.
"Ang boring masyado. Lalabas lang ako, tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka." Saad ko at inaalis ko ang kamay niya sa kamay ko.
Ngunit sadyang malakas at siya hinila niya ako kaya napaatras ako at na out of balance kaya naman napaupo ako kay Lyndon sa kanyang legs.
*gulp*
Naramdaman ko ang dalawang kamay niya sa tiyan ko, tila nilock ako habang nakarest ang ulo niya sa likod ko. Kinakabahan ako, mabuti na lang at walang estudyante dito sa banda sa amin.
"Lyndon, wui bitiw ano ka ba. Espidyi tayo." Sabi ko at pilit kumawala sa kanya ngunit mas hinigpitan niya ang pagyakap sa akin.
"Sshhh...tahimik ka." Sabi niya. Nanayo ang balhibo ko sa sinabi niya. Nakakahiya ito, feeling ko ang init ng mukha ko.
"Ano ba ang bigat mo." Sabi ko.
"Bigat? Para kang papel sa gaan." Sabi niya. Palingon lingon ako sa kanan at kaliwa baka may makakakita sa amin, ang tigas din ng ulo ng isang ito.
"Lyndo----"
"Dito ka lang Vanessa. Ayaw kong babastusin ka ng mga lalaki lalo na't hindi mo ako kasama. Kaya dito ka lang sa tabi ko dahil wala sa vocabulary ko na pakawalan ang babaeng binihag ang puso ko." Saad niya. Biglang tumigil ang paghinga ko at bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig ko.
Ano daw? Binihag? Binihag ko puso niya?
"Ano?" Sabi ko at pilit lumingon sa kanya, ngunit hindi ko magawa kasi ng nakaupo ako sa kanyang legs.
"Mahal kita, kaya dito ka lang. Ako lang isipin mo huwag na si Raven, mahal niya si Aire. Kaya sa akin ka lang." Saad niya. Oo nga pala nalaman namin na magkakabata sila nila Aire, noon ko pa ito nalaman dahil sinabi sa akin ni London.
"A-ah... okay? Maaari na ba akong tumayo? Lyndon may mga etudyante kaya umayos ka." Saad ko. Kahit naman patay na patay ako kina Raven noon may delikadesa pa din ako para sa sarili ko.
"Oo na." Sabi niya na tila nairita. Pinakawalan niya ako at tumayo na ako. Umupo ako muli sa tabi niya at yumuko ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, basta parang may malikot sa tiyan ko at feeling ko ang init ng mukha ko. Yumuko na lamang ako at hindi ko kayang tignan si Lyndon.
Nalaman kong may kapangyarihan si Lyndon, dahil tinulungan niya ako noon nang pauwi ako galing school. Mabuti na lang at natyempuhan ako ni Lyndon kundi baka, wala na ako. Hindi ako takot sa kanya, sa katunayan na amaze ako dahil kaya niyang imanipulate ang hangin.
"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin. Tumango lang ako habang nakayuko ako at nag thumb up sa kanya.
"Okay. Diyan ka lang." Sabi niya at kinuha niya kamay ko and he interwind our fingers. Okay... I'm speechless.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasy----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...
![Elemental Princess [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/146221153-64-k191764.jpg)