CHAPTER 34
CLAIRE POV
"Nasaan ang mga nerds ha?!" Sigaw sa amin ni Vanessa. Nagwawala ang isang ito, ewan ko ba dito sa babaeng ito.
"Hindi namin alam Vans at saka bumackout na ang mga nerds sa laro. Kakasabi lang ni Raven kahapon sa secretary niya di ba?" Sabi ni Ayesha. Oo, ganito si Vanessa what she want she will get. Tinignan niya ng masama ni Ayesha at umupo sa upuan. Pang apat ng araw pa lamang ng festivals and may tatlong araw pa.
"Ano ba pinakain nila kay Raven ha? Lalo na yang Aire na yan!" Sigaw niya. Napatingin naman si Vanessa kay Natasha at sabag sabing.
"Bakit hindi niyo pa tinuluyan ang Apoy na iyon ha?" Saad niya. Yung pagsabog, nandoon ako, ngunit hindi kami ang may gawa noon, nakakatawa nga at may iba pala na gusto mamatay ang mga babaeng iyon.
"Aba malay ko, si Ayesha tanungin mo." Pabarang sagot sa kanya ni Natasha at tinignan ng walang gana.
"I don't know okay? Nakita ko lang kahapon mula malayo na may naglilight sa bike niya at napaisip ako na bombo iyon. Malay ko ba, umalis na ako doon." Saad ko. Yung dare namin ni Fuego? As if susundin ko siya. Akin lang si Zephyr, akin lang.
"Hmmm...maghahanap tayo ng rason para mawala sila sa paaralang ito. Hindi nila maaaring landiin ang prinsipe natin lalona si Raven." saad ni Vanessa. Iba si Vanessa, hindi ko nga alam kung bakit kami nagkasundo nito, minsan napapaisip ako kung tama pa bang sumama ako sa kanya. Hindi naman ako manhid, sadyang hinayaan lang talagannamin si Vanessa sa gusto niya.
EUNICE POV
Pumunta ako sa Elemental Kingdom upang magreport sa hari at reyna kung ano na ang kaganapan sa mundo ng tao. Pagdating ko pa lang isang balita ang sinabi sa akin ni Haring Arianna. Ang libro, nagsimula na. Si Aqua na ang susunod sa mission.
"Lumisan ka na at bumalik sa mundo ng tao. Kailangan ka ng mga anak namin ngayon Eunice." Saad ni Haring Fyro. Hindi naman ako nagtagal sa Elemental Kingdom at bumalik na agad ako sa mundo namin.
Naabutan ko sila sa lawa, kasama ang apat na lalaki, nalaman ko na ding magkapatid sina Aire at Chaser ang nakakatandang kapatid ni Aire na kilalang Acer sa mundo nila. Hindi ko na ito nagawang ibalita kay Reynang Ariana ang tungkol sa anak niyang lalaki, mas mabuting si Aire ang bahalang magsabi kay Reynang Arianna.
Tatlong oras na nasa ilalim ng tubig si Aqua paano ko nalaman? Dahil sinabi ni Reynang Agua. Ayon sa libro ng prophesiya
"Water will eat me, if no one will save me."
"Let the people dear to her heart will save her to proof the trust and loyalty as a friend and as a lover."
Naabutan ko sila at sinubukan ni Fuego na lumapit sa tubig ngunit hindi siya nagtagumpay dahil isang matingin sakit ang naramdaman niya na ibig sabihin lang nun ay hindi siya ang tinutukoy na libro. Nakakapagtaka, sino naman kaya ang malapit sa puso ni Aqua aside sa kanyang kaibigang lalaki?
I was surprise na si Reed ang pinagtulakan nilang kunin ai Aqua sa tubig, since time limited lang. Kahit ngadadalwang isip siya ay pumunta din siya. Si Reed. Si Reed ang makakaligtas kay Aqua, nagtagal si Reed sa ilalim ng tubig habang kami ng kakambal ko ay nakatayo at hinihintay ang sunod na mangyayari.
Sina Aire at Tierra naman alam kong nag-aalala sila sa kaibigan nila. Si Fuego naman laging nakadikit sa kanya si Zephyr, napangiti na lang ako sa naisip ko mukhang may makakacontrol na sa Fire princess, sana naman totoo ang lahat na pinapakita ni Zephyr kung ayaw niyang mawala ng tuluyan ang princessa.
Malapit ng matapos ang oras ngunit wala pa din Reed na umaahon sa tubig kasama si Aqua, kinakabahan man ako pero naniniwala akong malalagpasan nilang dalawa ito. Iba ang mission ni Aqua kesa kay Fuego, si Fuego ay ilang araw na tulog at nakakaramdam ng sakit, kahit nakahiga lang siya sa higaan niya yun ay dahil sa panaginip nangyari ang mission ni Feugo, si Aqua naman ay naging normal siyang tao, dahil sa mission niya wala siyang magagawa dahil yun ang nakasaad sa prophesiya. Naging normal siya panandalian dahil ang makakaligtas sa kanya ang taong malapit sa puso niya.
Nabuhayan ako at nakaramdam ng saya ng makita kong karga ni Reed si Aqua na wala pa ding malay hanngang ngayon, bagay sila sa isa't isa, yun ay kung papagayag ang mga hari at reyna na makakasama nila ang mga ito panghabang buhay.
Unfair di ba? Pwedeng mahulog pero hindi sila maaaring magsama habang buhay, dahil ang mundo ng mga tao ay iba sa mundo ng mga elemental.
Napagdesisyunan naming walo na pumunta sa bahay habang ang kambal ko naman ay naiwan sa paaralan namin, kailangan niyang maiwan upang may magbabantay doon.
"Saan ang kwarto ni Aqua?" Tanong ni Reed kay Fuego. Ngumisi naman si Fuego at itinuro ang kwarto ni Aqua. Nandito kami ngayon sa bahay namin, sa bahay kung saan tinutuluyan ng mga princessa. Maliit kung tignan pero malawak kung makakapasok ka na sa loob ng bahay, wizard nga di ba? Life is all about magic. I play magic not for my sake but for others. May nagiging dark wizards dahil kinakain sila ng kasamaan, kagustuhang gusto nilang maging malakas. May nabububay pang dark wizards hindi nga lang namin kung nasaan na sila ngayon nakatira.
Pabilog umupo ang anim sa upuan at tila hinihintay ako. Oo nga pala kailangan kong magexplain sa mga lalaking ito, lalo na kay Acer na dapat alam niya ang mga nangyayari ngayon sa Princessa, buti nga't naalala niya pa na may kapatid siya. Masaya ako para sa kanila, una pa lang may kutob ako na magkapatid sila ni Aire dahil sa kulay at disenyo ng mata, hindi nga ako nagkamali dahil tama ang hinala ko. Tiyak na magiging masaya si Haring Arianna sa balita, matagal niya ng hindi nakita ang unang anak niya kung kaya't alam kong namiss niya ito ng sobra.
Umupo ako sa sa table at katabi ko si Aire at sa kabilang gilid naman si Tierra. Dahil pabilog ang table ganito ang arrangement namin.
Ako||Tierra||Acer||Zephyr||Fuego||Raven||Aire
nasa gitna si Fuego at kaharap ko siya. Seryosong seryoso ang aura nila ngayon, mukhang mahabang pag-uusap na naman ito.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasy----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...