CHAPTER 52
EUNICE POV
Mula dito sa kinauupuan namin ni Ria ay kitang kita ko kung paano umasta si Fuego sa babaeng kasama ni Raven. Nalaman ko na siya pala ang ex ni Raven noon, sinabi kasi ng kambal ko. Ex? So bakit pa sila magkasama?
Nagsimulang tumugtog ang 1st song lahat ng may kapartner ay sumayaw sa gitna. Nagtataka ako, di ba kapartner ni Raven si Aire? Bakit kasayaw ni Raven ang babaeng iyon? At saka akala ko ba hindi pa tapos ang misyon niya? Ang bilis natapos, nakakahinayang.
Alam kong walang pake si Aire kay Raven pero kanina nahuli ko siyang naiirita sa kasamang babae ni Raven. Kung hindi ako nagkakamali nahulog na ba si Aire kay Raven? Mabuti kung oo, ang pinangangamba ko ay alam kong kahit magmahalan pa sila ay hindi pwede, dahil prinsesa sila sa elemental world at taga human world sila.
Binabantayan ko ang alaga ko, simula ng ipinasa sila sa akin ng mga reyna ay mataas ang tiwala nila dahil ako ang naging guardian ng mga prinsesa kaya hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataon. Kapag makompleto na ang armor ng mga prinsesa magsisimula na kami sa training kasama ang armor nila.
Nakita kong nilapitan ni Lyndon si Aire at iniyaya sumayaw, mabuti na lang at napapayag ni Lyndon si Aire. Hindi ko din alam kung bakit nandirito sina Lyndon, baka pinasunod ng mga hari at reyna.
Sana sa gabing ito, magiging okay ang lahat. Ngayon ko na lang muli naranasan ito, at ramdam kong malalapit na kami sasabak muli sa gyera. Sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito, mananalo kaming nasa liwanag laban sa kadiliman.
LYNDON POV
Hindi ko na nasamahan si Aire kanina sa grand entrance dahil may nahuli akong masama kung makatitig sa akin. Naalala ko, siya pala ang kapartner ko kaya nagpaalam na ako kay Aire. Sinundo ko lang si Aire kanina mabuti na lang at nakadalo siya akala ko hindi na siya makarating pa, sayang naman at hindi niya maranasan ang ball ng taga mundo.
Kababata ako ni Aire at tama nga kayo, ako ang dahilan kung bakit nabasag ang bintana nung nagkaroon ng kaguluhan sina Fuego laban sa mga kagrupo nila Vanessa.
Nilapitan ko ang date ko ngayong gabi na nahuli kong umirap pa sa akin. Pasalamat siya at babae siya naku.
"Mabuti naman at naalala mo ako." Sabi niya sa akin at nagcross arms. Tinignan ko lang siya ng seryoso, minsan napapaisip ako, bakit kaya laging mainit ang ulo nito pagrating kina Aire. Ano ba ginawa nila?
"Lol. Halika na Vanessa." Sabi ko sa kanya. Inilahad ko ang kamay ko siya naman ay bored lang akong tinignan. Napipikon na ako sa babaeng ito, kainis. Kaya hinila ko na lang siya at hinawakan ang kamay.
"Hey ano ba, dahan dahan lang. Huwag mo nga akong kaladkarin." Sabi niya. Ang o.a talaga nito.
"Ang dami pang arte. Sasama naman pala eh." Sabi ko na lang.
"Akala mo kung sinong. Pasalamat siya at gwapo siya ngayon." Rinig kong sabi niya ng mahina. Akala niya siguro hindi ko maririnig ang sabi niya kaya tumigil ako sa paglakad at tinignan siya ng nakakunot ang noo.
"Anong sabi mo?" Tanong ko sa kanya. Umiwas naman siya ng tingin sa akin at
"Anong ano? Feeling to." Sabi niya at magsimula ng lumakad. Napangisi na lang ako sa reaction niya, denial pa.
"Sabi mo gwapo ako. Tama ba?" Sabi ko at inalayan siya. Ang haba ba naman ang damit.
"Wala akong sinabi. Ano ba, kaya ko sarili ko." Sabi niya. Napangiti na lang ako, ang cute niyang mapikon.
"Okay sabi mo. Sige mauuna na ako." Sabi ko at nauna nag lumakad. Hindi niya naman kailangan ng tulong ko edi bahala siya.
"Hoy! teka nga, huwag kang mang-iiwan!" Sigaw niya kaya napalingon na lang ako sa kanya ng wala sa oras. Madami pa namang estudyanteng napatingin sa kanya. Kaya nilapitan ko siya at ngumisi naman siya.
"Ganyan dapat." Sabi niya. Tssk.
Pagdating namin sa table namin, nasa kanan kami at nasa center sina Aire kaya kitang kita ko siya. Aaminin kong magaganda silang apat. Prinsesa nga sila, at swerte ng apat na lalaking iyon dahil mukhang nakuha nila ang loob ng prinsesa pwera sa amin.
Nagsimula na ang unang kanta at inaya ng mga kasamahan ko ang kanilang date na isayaw. Inaya ko din si Vanessa mabuti na lang at pumayag. Nalaman ko din kahapon na may plano silang masama sa mga prinsesa, no way. Hindi ako papayag kaya kinausap ko si Vanessa. Mabuti na lang at napapayag ko kaya galit na galit ito sa akin. Bahala na siya.
Nang isinayaw ko si Vanessa tinignan ko siya sa mata. Ngayon ko lang na realizs na may black eyes pala siya. Maganda ang skin, matangos ang ilong at mapupulang labi. Lyndon ano ba naman itong ginawa mo, tumigil ka.
"Ang ganda mo Vans." Nasabi ko na lang. Nahuli ko naman siya namula sa sinabi ko kaya napangiti na lang ako. Nasa bewang niya ang mga kamay ko habang nasa balikat ko naman ang mga kamay ko.
"Tumigil ka Lyndon." Saad niya habang nakayuko. Natawa na lang ako ng mahina. Inasar ko pa siya ng inasar, naaaliw akong asarin siya. Ang cute niya.
Nakita kong mag-isa lang si Aire sa upuan niya kaya humingi ako ng permiso kay Vans na isasayaw ko muna si Aire mabuti na lang at pumayag. Nilapitan ko si Aire at nakita ko siyang hinihilot ang ulo niya. May masakit ba sa kanya?
"Maari ko bang isayaw ang prinsesa?" Sabi ko sa kanya. Mukhang nagulat ko ata siya dahil hindi niya inaasahan ang pagdating ko. Ngumiti naman siya sa akin at tumayo sabay yuko.
"Syempre naman aking prinsepe." Sabi niya. Oo matagal ko ng gusto si Aire baga pa lamang kami. Mahirap kunin ang loob ni Aire dahil sobra siyang misteryoso mabuti na lang at naging magaan ang loob niya sa akin.
Kinuha ko ang kamay niya at pumwesto kami sa may gitna. Ngumiti ako sa kanya, maganda pa din siya walang pagbabago. Bakit kaya hindi siya isinayaw ni Raven? Akala ko ba kadate siya na Raven.
Habang isinasayaw ko si Aire, panay yuko si Aire. May problema ba siya?
"Okay ka lang ba Ai?" Tanong ko.
"Oo ayos lang ako. Parang iba lang talaga ang nararamdaman ko." Sabi niya. Kaya mas hinigpitan ko ang hawak sa kanya baka mamaya matumba ito.
"Excuse me. Pwede ako naman." Sabi ng lalako na nasa likod ko kaya napalingon ako sa likod si Aire naman ay nanlaki ang mata ng nakita niya si Raven.
"A-ah Raven. D-doon ka na muna sa babaeng kasama mo." Sabi ni Aire at yumuko muli. May problema ba?
"Tsskk...halika na nga." Sabi ni Raven at hinila sa akin si Aire. Hindi ko alam kung saan siya dalhin ni Raven dahil hinila siya ni Raven kung saan.
Nakita ko naman ang babaeng kasayaw ni Raven na galit kung makatingin sa kanilang pagkalayo sa venue.
Ano ba ang nangyayari? Binalikan ko si Vanessa at naabutan ko siyang umiinom ng wine. Habang nakangisi sa babaeng kasama ni Raven.
"Aerizelle, ex ni Raven. Kapal din talaga ng mukha na bumalik pagkatapos niyang lokohin si Raven." Sabi niya. Napakunot naman ang noo ko at tinignan ang tinutukoy ni Vanessa.
"Ano?" Nasabi ko na lang
"Kung ako ang papipiliin mas okay pa sa akin na si Aire at Raven huwag lang si Aerizelle at Raven." Sabi niya at inubos ang wine. Sabay tayo bigla. Muntik pa nga siya matumba buti na lang at nahawakan ko siya sa bewang.
"Ahmm...pwede pa bitaw?" Sabi niya. Kaya binitawan ko siya.
Aerizelle? Ex ni Raven? How come? Ay ewan ko ang gulo.
BINABASA MO ANG
Elemental Princess [COMPLETED]
Fantasía----COMPLETED---- BOOK 1 Tunghayan ang apat na prinsesa kung paano sila makikipagsapalaran sa kanilang kaaway sa elemental world at kung paano ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao. Apoy, Hangin, Tubig at Lupa sila ang dahilan kung bakit nanan...