Kabanata 1

1K 28 0
                                    

Kabanata 1

"Ready ka na ba anak?" tanong ni mama sa akin, tumango naman ako sa kanya bilang sagot.

Kasalukuyang nandito kami sa labas ng bahay namin kasama yung ilang bag na dala namin. Nakapag–asawa ulit si mama, at dun na kami titira sa asawa nya. Mabait naman si Tito Fred, ang hindi ko lang gusto yung tatlo nyang anak na lalaki. Si sleeppy, Grumpy, at si historian. Ah basta yun yung gusto kong itawag sa kanila e.

"Oh, andyan na sila!" masayang sabi ni mama, at nasa harap na nga namin ang isang kulay asul na kotse.

Lumabas mula sa driver's seat si Tito Fred, kasabay ng paglabas ng kanyang mga anak. Si Joshua, yung panganay, sya si Sleepy lagi kasi syang natutulog e. Si Ian yung sunod, hindi ko alam kung bakit tinawag ko syang grumpy, at si Dean yung bunso, Tinawag ko syang historian kasi madaldal sya at lagi nyang sinasabi sa akin ang history ng isang lugar na nakikita nya. Kahit ang mga sukat ng bawat sulok ng lugar na yon ay alam nya. Kaya nga ang weird nya!

"Josh, kunin mo yung bag ni Elyon kayong dalawa ni Ian, isakay nyo yung bag nya sa kotse." Utos ni Tito fred sa dalawang anak nya.

"Hi, Elyon" bati sa akin ni Dean ng nakangiti. Ang weird talaga ng batang to. 11 years old palang yan kung tutuusin.

"Hello" Boryo kong sabi.

"Maganda yung kwartong lilipatan mo dun, nakaharap sa may dagat yung bintana." masayang wika nya.

Abala parin sina Tito Fred sa pagkarga sa mga bags namin.

"Ako lang ba ang matutulog dun?" Tanong ko dito. Tumango naman sya, ngayon lang ata hindi sya tlaga nag daldal. Good for me.

"Dean, Elyon! sakay na aalis na tayo" rinig kong sigaw ni mama na nakasakay napala sa passenger seat sa unahan.

Sumakay namin kaming dalawa katabi ang dalawa pang nasa likod. hayssss.... As usual nakapikit na naman ang mata ni Joshua, sigurado matutulog naman to. Naka headphone naman yung isa.

"Alam mo ba kung ilang kilometro per hour tumatakbo ang kotse?Blahblahblahblahblah" Sabi nitong katabi ko, di ko na pinakinggan ang iba pa nyang sasabihin dahil alam kong uungkatin na naman nya ang history non.

Maya maya ay naririnig ko na nga syang sinasabi ang pinagmulan ng kotse, kailan ito ginawa, kailan ito ginamit and so on...." Haysss umaandar na naman ang pagiging madaldal nya.

"Hon, Okay lang ba kay elyon yung pagtira nyo sa amin?" rinig kong tanong ni Tito Fred kay mama.

"Nag-usap na kami" Sagot ni mama.

"Siguradong magugustuhan nya yung bagong kwarto nya. Inayos ko na yon at pinaganda" rinig kong mahinang natawa si Tito pagkasabi nun.

"Syempre, ikaw nag ayos e! Kaya nga lang ayaw nya talaga sa lumang building o bahay" sabi ulit ni mama. Oo ayoko talaga, dahil pag luma na ang isang bahay may posibilidad na may nakatira dun. At ayoko ng ganun.

"Alam mo bang dating paupahan yung paglilipatin natin?" biglang sabi ng katabi ko. No way!

"Nabasa ko na dating paupahan yun, para sa mga dumadating na panauhin mula sa iba't ibang lugar, nagsara raw yun dahil sa isang aksidente at hindi ko alam kung ano yun, pero maganda naman yung bahay na paglilipatan natin. Nong nagtanong naman ako sa mga kapit bahay natin, wala din silang alam tungkol dun. Matagal na palang nakatayo yung bahay na yon daang daang taon na ang nakakalipas. Pinaayos lang nila upang may tumira ulit don dahil sayang naman daw ang espasyo" mahabang paliwanang nito. Infairness may nakuha akong impormasyon.

"Oh-uh, mukhang hindi nya magugustuhan ang bahay na lilipatan natin" natatawang saad ni tito kay mama.

"So sinasabi mo na mga nasa 18th century pa nakatayo ang bahay na yun? No way!!!" mahinang bulong ko kay dean.

"Oo, ganun katagal, pero inayos na yun ni Daddy kaya maganda na sya" sabi nya. no no no! Ayoko talaga sa bahay na may mga history! Napalunok ako! haysss

"Nakaharap sa dagat yung kwarto mo" untag sa akin ni Dean. Tinignan ko lang sya saglit tapos ay ibinaling ko ulit ang paningin ko sa dalawang kapatid nya na kapwa natutulog na.

Tinignan ko yung cellphone ko at tinignan ko na lang yung mga larawan ng lola ko at ng bestfriend ko. Mamimiss ko sila. Bakit kasi ang layo layo ng paglilipatan namin? kilo–kilometro ang layo tsk!

"May mga bookshelves akong nakita sa bahay don sa basement, Makakatulong yun sa paghahanap ko ng kasagutan" Sabi ulit ni Dean ang daldal talaga.

"Ilang taon kaba?" Tanong ko rito, para syang matanda e. Alam kong eleven lang sya, pero parang ang dami dami nyang alam.

"11" Maikling sagot nya. oh, mukhang hindi syq eleven sa mga sinasabi nya tsk.

"Para kang matanda" sabi ko rito, nanlaki naman ang mata nya sa sinabi ko at saka ngumiti. Weird.

Hindi na ako umimik at inilagay na lang ang earphone sa tenga ko at nakinig sa music.

My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon