Kabanata 44

330 13 0
                                    

Kabanata 44

Puting kisame ang tumambad sa akin ng imulat ko ang mga mata ko. Nasan ako?

Oo nga pala, nagdilim ang paningin ko kanina. Marahan kong hinilot ang sentido ko.



"Gising na po sya tita" rinig kong boses ni Andrea, bahagya kong ipinilig ang ulo ko ng makaramdam ako ng kirot.Ang sakit ng sentido ko!


"Ely Baby? Are you okay?" nag aalalang tanong sa akin ni mama pagkalapit nya.

"O-Opo Ma, no need to worry" I replied.


Ipinikit ko ng mariin angmga mata ko sa sakit ng ulo, bat masakit parin ang ulo ko??? Tinangka kong umupo, ngunit maagap akong pinigilan ni mama.



"Magpahinga ka muna Ely, kailangan mo yun sa ngayon" tinunghayan ko kung saan nanggaling ang boses na yun, si father ang nakita ko, nasa likod sya ni mama, kasama si tito fred, si Andrea at ang tatlo kong kinakapatid.

"Tapos na po ba yung–"


"Itinigil namin ang paglilibot sa bahay ng malaman namin ang nangyari sayo" saad ni father na umiiling iling. Nahimigan ko sa boses nya ang pag-aalala.


"Naku pasensya na po" paumanhin ko, dahil lamang sa akin ay naitigil nila ang paglilibot dun. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko ng maalala ang nangyari sa akin.


May mga nabuong tanong sa aking isipan ng makita ko ang pagmamalupit ni Julio kay Corazon, napakabata pa ni Corazon upang maranasan ang ganung parusa.


Alam ko na, ang matang nakita ko sa bahay na iyon ay mata ni Julio, ngunit bakit pa sya nagpapakita? kung may galit man syang nararamdaman para sa anak nya, bakit parang ako ang pinagbubuntunan nya ng galit nya?


Ang pinagtataka ko lang, bakit narito parin sya sa mundong ibabaw, diba dapat ay nasa  kabilang buhay na sya gayong matagal na syang patay?? Pero si Justin?....


"Pwede ko po bang makausap sandali si Elyon?" tanong ni father kay mama, tumango naman ang huli at saka ako hinalikan sa noo bago lumabas.



Hinintay muna ni Father na makalabas ang lahat dito, hanngang sa kaming dalawa na lang ang natira. Mataman akong tinitigan ng pari. Hindi ko alam kung panong nakita ko na may gumugulo sa isip ni father esteban.



"Elyon, magtapat ka nga sa akin, anong nakita mo??" sumalakay ang kaba ko ng itanong sa akin iyon ni Father. Tila ba isa akong batang musmos na ayaw nang masaktan, para bang malalagot ulit ako pag may pinagsabihan ako ng kalupitan ng aking ama.



"Hindi ko po maipaliwanag father" saad ko, sa palagay ko'y naulit ang naramdaman ni Corazon nong pinagmalupitan sya ng kanyang ama, kaya nga lang ay ako ang nakakaramdam ng damdaming iyon ngayon.



Kung tutuusin ay napakamusmos pa lamang ni Corazon, wari ko'y hindi nya na enjoy ang kabataan nya nong panahon nya. Ang mga mata nyang nagmamakawa sa malupit na amang wag syang saktan ay nakikitaan ko na hindi lang isang beses nyang naranasan ang parusang iyon. Nakakaawa ang kalagayan nya!


Bakit gayon na lamang ang galit ng kanyang ama sa kanya?!



"Okay sige, gusto kong maging vocal ka sa akin Elyon, kapag tuluyan kanang magaling, maipapangako mo ba yun?" nabaling ang tingin ko kay Father ng sabihin nya iyon. Marahan akong tumango sa kanya bilang sagot.



Alam ko, alam kong may mga tanong na rin sa isipan ni father, Kapag natapos ko na ang paghahanap sa kasagutan sa mga tanong ko, doon ko lamang sasabihin ang lahat kay father, sa ngayon ay hindi pa, masyadong maraming ginagawa si father at ayokong makadagdag pa sa alalahanin nya.



Gusto ko munang matuklasan ang nais kong malaman, sa palagay ko'y may kailangan akong gawin upang maresolba ang mga nangyayari ngayon, pero paano? saan? kailan ako magsimumula? Ipinilig ko ang ulo ko sa mga isipang iyon.


Agad ding nagpaalam si father esteban, dahil aasikasuhin nya daw muna ang mga estudyanteng naiwan sa eskwelahan.


Nag-isip ako saglit, baka sakaling may pumasok sa utak ko. Hmmm...



Ang diary?! Tama! baka makakuha ako ng ideya doon?!, Nasa bahay pala ang talaraarawang iyon, babasahin ko na lang kapag nakauwi na ako.


Tinitigan ko ang puting kisame ng ako nalang ang naiwan dito sa loob, at mahabang katahimikan na ang bumalot sa akin.

My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon