Kabanata 82
"Sssshhhh! ako ito!" rinig kong bulong ng pamilyar na boses sa tenga ko. Nabuhayan ako ng loob dahil don. Humarap ako sa kanya at agad syang niyakap, ginangihan nya rin naman ako ng yakap ng mas mahigpit.
"A-akala k-ko kung ano na ang nangyari sayo!" hikbi kong saad sa dibdib nya. Hinagod nya ang likod ko at dinampian ng halik ang noo ko.
"Tahan na, narito na ako, maayos naman ang kalagayan ko." hinila na nya ako papunta sa tabi ng isang bahay. " Ikaw? maayos ba ang iyong lagay?, nabalitaan ko ang nangyari sa iyo!" nakaigting ang panga nyang saad habang nakayakap parin sa akin.
"Okey lang ako, ang mahalaga ay magkasama tayo" tugon ko sa kanya. Napangiti naman sya at agad akong dinampian ng isang mainit na halik sa labi.
"Dito ka lang sa tabi ko Corazon" wika nya at ibinaon ang kanyang ulo sa leeg ko. Nakaramdam ako ng awa sa kanya ng gawin nya iyon. Parang may iba syang problema at kailangan nya ng taong masasandalan.
"Hindi ako aalis" pinal na saad ko sa kanya.
"Booogsh!"
"Bang!"
"Bang!"
"Magmadali kayo! lisanin nyo na ang bayang ito! madali!"
Sinenyasan ako ni Justin na tumahimik kaya itinikom ko naman ang bibig ko. Maya maya at nakarinig kami ng papalapit na hakbang papunta sa gawi namin, mabilis akong hinila ni Justin patago.
"Bang!Tatatatatttt!"
"Boooggshhh!"
"Hanapin nyo si Crisanto! Kailangang mapaslang siya!, pati ang angkan nila'y ubusin nyo!" sigaw ng lider sa mga tauhan nya. Boses iyon ni Poncio, siguro nga'y gusto talaga nilang manguna sa kapangyarihan.
Mabilis na tinakpan ni Justin ang bibig ko ng muntik na akong mapasinghap.
"Boooogsssh!"
"Booooogggssh!"
"Boogsh!Boogsh!"
Sunod sunod na pagsabog ang narinig namin. Umalis narin sina Poncio sa pwesto nila kanina.
"Halika!" mahinang bulong ni Justin sa akin. Hinawakan nya ang kamay ko at humakbang. Nakaramdam na naman ako ng kuryenteng dumaloy papunta sa katawan ko.
"Sugod!"
"Madali!"
"Ubusin ang mga dayuhan!"
Nilagpasan namin ang mga taong abal sa pakikipagpalitan ng bala.
"Justin!" sigaw ko ng may taong tumutok ng baril sa kanya.
Mabilis nyang kinuha ang baril sa kanyang tagiliran at inunahan itong paputukan. Tinakpan nya muna ang mga mata ko bago ginawa iyon.Pagkatapos ay muli nya akong hinila sa daan patungo sa inuupahan nyang bahay.
"Kailangan nating magmadali! masyadong marami ang mga kalaban, lalo pa at nag-aklas ang pamilya ng Villiamar. Hindi rin kakayanin ng mga tauhan ng aking ama ang ganoong karaming mga kaaway!" mabilis nyang sabi, habang may mga bagay syang nilalagay sa bag nya ng makarating kami sa tinutuluyan nya.
"Halika na!" muli nyang hinawakan ang kamay ko at akmang bubuksan na nya ang pintuan ng magkusa iyong bumukas at tumambad sa amin ang demonyong mukha ni Ronaldo.
"Tamang-tama lamang pala ang dating ko" nakangisi nyang saad. Napaatras kaming dalawa ni Justin. Mahigpit nyang hinawakan ang kamay ko at itinago ako sa likod.
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Mystery / Thriller"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018