Kabanata 69

334 10 0
                                    

Kabanata 69

"Mauuna na ako Corazon, matulog ka na ng mahimbing" Hinalikan ako ni Justin sa noo pagkasabi non. Ginawaran pa nya ako ng isang yakap bago umalis. Ngingisi-ngising aso naman si Ising na nakatingin sa akin habang nakatayo malapit sa gate ng bahay. Kakarating lang namin at ayun nga hinatid kami ni Justin dito.

"Kinakabahan ako" sabi ko kay Ising ng tuluyan na kaming makapasok sa loob, hindi ko talaga alam kung bakit natatakot ako ngayon, handa naman akong harapin si Julio, maging ang kapatid nya, hindi ko nga lang maiwasan ang hindi makaramdam ng kaba.

"Wag kang mag-alala binibini, narito naman ako dadaluhan kita kapag pinagbuhatan ka ng kamay ng iyong ama" medyo gumaan naman ang loob ko dahil sa sinabi ni Ising, kaya kahit kinakabahan ako ay ngumiti ako kay Ising at saka kami nagtuloy sa loob ng bahay.

"Saan ka nagtungo't ngayon ka lamang?"  nagulat ako sa nagtanong non, lumingon ako, maging si Ising sa pinanggalingan ng boses. Nakaupo si Julio sa isang upuan sa sala habang masamang nakatingin sa akin.

Sasagot na sana ako ng tinitigan ko sya at narealize kong hindi pala sya si Julio kundi ang kambal nito. Hindi ko nakita kahit minsan sa mga mata ni Julio ang pagnanasa sa akin, na syang nababasa ko ngayon sa mga mata ng taong matamang tinititigan ako.

"Sumagot ka Corazon!" sigaw nya na syang dahilan ng pagtalon ni Ising dahil sa gulat.

"At bakit ko naman ho sasabihin sayo?" matapang kong tanong. Nakita ko kung paano sya ngumisi ng malademonyo. Nag-igting ang panga nya at kita ko kung paano nya pinagsalubong ang mga ngipin nya.


"Iwan mo muna kami Ising" kalmado ngunit may bahid ng galit ang boses nya. Tututol pa sana si Ising, ngunit sumunod din matapos bigyan sya ng isang nakakamatay na tingin. Nag-aalang tinignan ako ni Ising, pero nagpahiwatig ako na magiging okay lang ako. Kaya kahit ayaw nya ay umalis din sya.

"Ngayon ay sumasagot kana!" may bahid ng pangungutya ang pagkasabi nya ng mga salitang iyon, ipinatong nya ang isang paa nya sa legs nya at napasandal sya sa sandalan ng upuang kinauupuan nya. Para akong natatakot na ewan, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, may bahagi sa akin na nagsasabing umalis sa kinatatayuan ko at dumiretso na sa kwarto, ngunit may bahagi ding nagsasabing labanan sya at wag hahayaang makapanakit ulit. Parang naglalaban kami ni Corazon sa iisang katawan, kung aalis ba? o mamanatili rito?

Pero sa huli ay nagwagi ang nais kong manatili sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa taong prenteng nakaupo at tinititigan din ako.

"Hindi ako pipi kaya may kakayahan akong magsalita" matapang kong sagot sa kanya. Mas lumapad lalo ang ngisi nya. Nakakatakot sya sa tuwing ngumingisi sya, nagsisitayuan ang balahibo ko ngayon ngunit pinilit ko paring labanan iyon.

Tumayo ito, at humakbang palapit sa akin, kaya wala sa oras na humakbang ako paatras. Nagbitaw sya ng isang malademonyong ngiti ng tumigil sya sa paglapit sa akin, ngunit maya-maya ay napalitan din ng galit ang mukha nya ng tila mayrong pumasok sa isip nito.

"Nagkita kayo ni Crisanto" hindi iyon tanong, parang alam na nya kung anong dahilan kung bakit ako ginabi sa pag-uwi. Natatakot ako, dahil sobrang pagnanasa na ang nakikita ko sa mga mata nya, para syang obsess na nakatingin sa akin na nakaigting ang panga.

"Wala kang pakialam kung nagkita man kami" saad ko na mas lalong ikinaigting ng panga nya.

"Sana pala'y pinaslang ko na sya noon pa lang." Bumulong sya sa hangin ngunit hindi ko na iyon narinig pa, masyadong mahina ang pagkakasabi nya non.

Nabalot ng takot ang dibdib ko ng malademonyo syang ngumiti at humakbang papalapit sa akin. Kaya't nabasag ko ang isang mamahaling paso ng umatras ako.

Saktong nagbukas naman ang pintuan at tumambad sa amin si Julio at si Mang Erning, ang tatay ni Ising. Hindi ko alam pero agad agad akong tumakbo papalapit kay Julio at niyakap sya. Gusto ko ng kakampi sa mga sandaling ito.

"Ano'ng nangyayari Corazon?" tanong nya habang hinihimas ang likod ko, ngayon ko lang narealize na takot na takot pala ako sa kakambal nya, dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Akmang sasagot na sana ako ng inunahan na akong magsalita ng kapatid ni Julio.

"Nabasag nya ang pasong iyan, kaya takot na takot sya na baka mapagalitan mo sya"  Sabi nito, na syang ikina-igting ng panga ko. Sinungaling! gusto ko sanang isigaw iyon pero wala na akong lakas para magsalita pa.

"Ayos lamang iyon sa akin Corazon, sige na ihahatid na kita sa iyong silid. Ronaldo? mauuna na kami, Erning, maging ikaw ay magpahinga narin"  Yumuko naman si Mang erning at saka umalis, habang plastik namang nakangiti si Ronaldo kay Julio. Sa pagbanggit palang ng pangalan nya ay naghahatid na ito sa akin ng kakaibang takot, parang everytime ay hindi gagawa ng maganda si Ronaldo.

"Inumin mo muna itong tubig ng mahismasan ka." saad ni Julio ng makarating kami sa kwarto ko, kinuha nya mula sa kamay ni Ising ang isang baso ng tubig at ibinigay sa akin na agad ko namang ininom.

"Salamat"

"Ano ang nagyari Corazon?, magsabi ka ng totoo? hindi ka matatakot ng ganyan dahil lamang sa pagkabasag ng pasong iyon, kilala kita Corazon" mapagimbestiga nyang sabi.

"Ayoko sa kanya" kusang lumabas iyon sa bibig ko. Napabuntong hininga naman sya. Nag-angat ako ng tingin at tinignan si Ising na nakatayo sa tabi ko.

"Ama mo siya Corazon" pambabasag nya ng panandaliang katahimikan, tinignan nya ako na tila ba  iniexpect na magugulat ako. Pero nong makita nyang gusto ko pang marinig ang iba pa nyang sasabihin ay nagpatuloy sya sa pagsasalita.

"Nangako sya sa akin na hindi ka nya sasaktan. Kaya pumayag akong manatili sya rito sa pamamahay ko. Nais ko ring kilalanin mo rin ang iyong ama, hindi ko nais na magalit ka at magkimkim ng sama ng loob sa kanya, kaya sana pakisamahan mo ang iyong tunay na ama Corazon"

"Pero Ama–"

"Matagal syang nawalay sayo, nasasaktan din sya sapagkat nakikita nyang  hindi mo nais na mapalapit sa kanya, pakiusap Corazon hayaan mong gawin nya ang tungkulin nya sayo bilang ama, mahal ka ni Ronaldo, anak" Tututol pa sana ako ngunit nakita ko kung paano syang nakiusap sa akin kaya hindi na ako nagsalita pa. Ibang klaseng pagmamahal ang nakikita ko sa mga mata ni Ronaldo, at sigurado akong hindi iyon pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak!

"Sige na matulog kana, Malalim na ang gabi, bukas ay isasama kita sa punong bulwagan" nakangiti nitong saad, nagningning naman ang mga mata ko dahil don. Hindi pa ako nakakarating don, ang kwento lang sa akin ni Justin nasa tabi iyon ng malaking plaza na hindi ko pa rin nappuntahan.

Mga ilang minuto pa ang lumipas bago lumabas ng silid si Julio. Nanindig ang balahibo ko ng magtama ang mata namin ng kambal nyang nasa likod nya pagkalabas nya sa pinto. Tumambol ng malakas ang dibdib ko, parang anytime ay aatakehin ako sa puso dahil sa takot.

No Fucking Way! Hindi ko siya pakikisamahan! Magdusa siya!

My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon