Kabanata 52

371 13 0
                                    

A/N: Check the picture above. (Bayan ng Casañarez noon)

Kabanata 52

Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa semento. Tinignan ko ang lalaking nasa harapan ko na nakatingin pala sa akin at sinusundan ang bawat galaw ko.

"Binibini?" muling saad nito, pinagpag ko ang puwetan ko at tumagilid ng konti, upang matiyak kong hindi ako ang kinakausap nya. Tumingin ako sa gilid ko, ngunit walang ibang taong naroon, nabalot ng kaba ang buong pagkatao ko. Nakikita nila ako?

"Ama, handa na ho ang–" naputol ang iba pang sasabihin ng kakarating lang na babae ng mapagawi ang tingin nya sa akin. Sinipat nya ang katawan ko gamit ang kanyang mata.

"Corazon? ano hong nangyari sa kanya ama?" baling nito sa kanyang ama. Tila isa akong tuod na hindi makaalis sa kinatatayuan ko ngayon.

"Naku e kamuntikan na syang banggain ni Monching sa biglaan nyang paglitaw." saad ng ng matanda habang hinihimas ang puting kabayong nasa tabi nya.

"Patawad binibini" magalang na wika ng matanda at saka inalis ang salakot sa ulo at iginaya sa tapat ng dibdib saka yumuko.

Hindi ako makapagsalita, hindi parin masink in sa utak ko na nandito ako sa harap nila at kinakausap pa nila ako. Nandito ba ako sa bayan ni Corazon?

"Oo nga po pala ama, handa na ho yung mga trabahador sa pag ani, ikaw na lamang ho ang kanilang hinihintay" muling sabi ng babae, sapalagay ko'y mga kaedaran ko lang to.

Nakatingin lang ako sa kanila, hindi magtatagal at dudugo ang ilong ko sa mga pinagsasabi nila. Parehas silang may salakot sa ulo, nakasuot ng sayang mahaba ang babae, na sayad na sa lupa ang laylayan nito, may panyo pa sya sa ulo, maliban sa salakot. Mahaba din ang manggas nya.

Samantalang nakasuot naman ng longsleeve na damit ang matanda na kulay puti, at may tatlong butones sa taas, nakatiklop ang manggas ng damit nya, at ganun din ang pang-ibaba nya, hanggang tuhod ang pagkakatupi non, at wala syang suot na kahit anong panyapak.

"O sya sige hala't ihatid mo si binibining corazon Ising, baka kako ay hinahanap na sya ng kanyang ama" maya maya ay rinig kong saad ng matanda habang umaakyat sa kabayo nya. Tumango naman ang huli sa naging bilin ng kanyang ama. Ising pala ang pangalan nya.

"Paalam Binibini, Mag-iingat kayo Ising" huling saad nito bago pinatkbo ang kabayo papalayo sa amin.

"Oho!" sigaw naman ni Ising na alam kong hindi na maririnig ng kanyang ama.

"Uhm" wala akong mahagilap na salita upang kausapin sya. Lumapit sya sa akin, at gayon na lamang ang gulat ko ng hawakan nya ang balikat ko, nanlalaking mata ko syang tinignan.

"Napakaganda ng iyong kasuotan corazon! saan mo nabili iyan, kakaiba!" manghang sabi nya at saka ako pinaikotan. Napalunok ako dahil don, nakasuot lang naman ako ng jeans na maong, puting sando na tinakpan ng maong na jacket, at nakasuot pa ako ng heels, may role play kasi kami kaya ganito yung sinuot ko, tapos nakasukbit pa sa balikat ko ang itim kong bag.

"Ah dyan dyan lang" kinakabahan kong saad. Lumawak naman ang ngiti nya dahil don, o-uh wrong answer!

"Saan diyan?Magkano ang iyong ginastang salapi sa kasuotang iyan?" Nakangiti nitong saad habang hinahaplos ang likod ko, na tila nahuhumaling sa kasuotan ko ngayon.


Gusto kong sabihin na hindi ako si Corazon at Elyon ang pangalan ko, pero tila mahihirapan ako, bat ba kasi ako napunta dito? kasalanan to ng masamang ama ni Corazon e!

"Ah anong lugar ito?" pang iiba ko, wala akong mahagilap na sagot sa kanya dahil pakiramdam ko'y hindi nya ako titigilan sa pagtatanong.

"Ha? diyata't nakalimot ka Corazon?!" gulat nitong saad, I gave her an awkward smile, nagpatuloy naman sya sa pagsasalita.

"Hindi ba't ito ang baryo ng  Casañares, dito tayo lumaki at nagkaisip, bakit tila nakalimot ka?" takang tanong nito, napalunok ako ng laway, Gusto ko syang sagotin na hindi nga ako si Corazon, at ibang tao ang kaharap nya ngayon, pero iba ang isinagot ko.

"Wala lang, gusto ko lang makasiguro na yun parin ang pangalan ng lugar na ito." nakangiti kong saad sa kanya.

"Ah, pati ang tono ng iyong pananalita ay nag-iba, pero dibale na. Halika na at ihahatid na kita sa inyo" sumabay lang ako sa bawat paghakbang nya, ayokong may iba pang makakita sa akin na ganito ang suot ko.


Hindi pala nagbago ang pangalan ng lugar, Casañares din ang pangalan ng lugar nato sa kasalukuyan, yun nga lang at madami na ang nagtataasang gusali ang nakatayo doon, dito mga nasa ikalawang palapag lang ang inaabot ng taas ng bahay.

Paano kaya ako makakabalik?
Dudugo ang ilong ko dito. Sa mga sinabi palang ni Ising ay hindi na ako makasabay, lalo na siguro pag sa ibang tao na ako makikipag-usap?!.. Waaaa! Yoko na!


My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon