Kabanata 3
"Elyon halika ipapakita ko ang kwarto mo" sabi ni tito fred.
Kinuha nya yung bag ko at nauna na syang umakyat sa taas. Sumunod na lang ako sa kanya, naiinitan na ako at kailangan ko nang magbihis.
"Ito nga pala yung kwarto mo, inayos ko na dito kaya wala kanang dapat ayusin pa. Pinili ko talaga tong view na to dahil sabi sakin ng mama mo gustong gusto mo raw yung dagat." sabi nya habang papasok kami sa loob.
"maganda naman pala ang kwarto mo" sabat ng boses ni mama, at pumasok narin sya sa loob ng kwarto ko. Inilibot ko ang paningin ko, muntik na akong mapasigaw sa taong nakita na nasa bintana ko! Shit! Nakaupo sya don habang nakapatong ang baba nya sa mga kamay nya na nasa ibabaw ng tuhod nya. Nakatingin lang sya sa amin.
Tinignan ko si mama, at nagpahiwatig na may tao.
"Oh not again Ely" sabi ni mama haysss alam kong hindi na naman sya maniniwala sa akin. Tinignan ko si Tito fred na lumapit pa sa bintana, hindi nya rin nakita yung taong yun na nasa tabi lang nya.
"Bababa na ako hon, kayo na ang bahala dito ha?" tanong ni tito, tumango naman si mama bilang sagot.
"Okay kalang ba talaga dito? Alam kong labag sa ka-" pinutol ko na ng iba pa nyang sasabihin.
"Ma, okay lang po sa akin" sabi ko rito. Magsingtangkad na kami ni mama, kaya nga lang ay nakaheels sya ngayon kaya mas matangkad sya.
"Okay lang ba talaga? You know, alam kong ayaw mong iwan yung nakasanayan mong buhay dun, yung pagsama mo sa akin at yung pag iwan mo sa Lola mo, baka kasi..." Nginitian ko si mama at saka niyakap.
Oo nung una ayoko talgang maikasal si mama kaso wala narin naman akong nagawa e. Isang taon nang patay si papa, naaksidente sya. Nakausap ko pa nga si papa e.
"Ma naijntindihan ko po, mabait po si tito at napapasaya ka nya, kaya masaya narin po ako para sayo" sabi ko rito. Kumalas ako ng yakap sa kanya at nakita kong may luha na sa pisngi nya.
"Talaga? Salamat anak" sabi ni mama at saka ako hinalikan sa noo. Ngumiti naman ako sa kanya nabaling ang tingin ko sa bintana andun parin sya hindi na sya nakatingin sa amin.
Nasa malayo na ang tingin nya at sapalagay ko'y wala na syang pakialam sa aming dalawa ni mama, tumatagos sa katawan nya ang liwanag na nanggaling sa buwan, kung hindi ko lang kasama si mama ngayon malamang ay napalayas ko na sya nong unang kita ko palang sa kanya.
Malaya ko syang pinagmamasdan habang nakikinig kay mama, base sa mukha nya mapapansin mo ang malulungkot nitong mata na nakatingin sa malayo, sa dagat.
Napabalik ako sa wisyo ng mag paalam si mama.
"Oh sya sige bababa lang muna ako ha? Ikaw na bahala dito, salamat talaga anak" muling sabi ni mama. Tumango naman ako sa kanya.
Lumabas ng kwarto si mama. Nang hindi ko na marinig ang ingay ng takong nya pababa sa hagdan ay saka ako bumuntong hininga. Humarap ako sa taong hindi alam ang privacy.
Tsk'
-
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Mystery / Thriller"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018