Kabanata 77

294 11 0
                                    

Kabanata 77

Dahan dahan akong lumabas ng kwarto upang hindi makagawa ng ingay, dalawang araw na akong nakakulong sa kwarto ko, at hindi ko na nagugustuhan ang trato sa akin ni Ronaldo, at walang alam si Julio sa pinagagawa ng kakambal nya sa akin.

Nakalikha ng ingay ang bakyang suot ko kaya agad ko itong inalis at iniwan sa isang tabi. Nagugutom na ako, kahapon ay hindi ako dinalhan ng pagkain ni Ising sa kwarto. Alam kong pinagbawalan sya ni Ronaldo dahil narinig ko kung paano nya marahas na tinabig ang pagkaing dala dala ni Ising. Narinig ko pa ang pagkawasak ng plato sa sahig.

Araw araw ay nag-iiba ang mood ni Ronaldo, mabait kung minsan, at nilalambing pa ako kaya mas lalo ko syang pinandirihan dahil don. Kahapon lang ay sinampal nya ako ng hindi ko kinain ang pagkaing inihanda nya na sya mismo ang naghatid sa kwarto kung saan ako nakakulong.

Mabilis kong pinuntahan ang kusina. Kumukulo ang tiyan ko dahil sa gutom. Agad akong naghanap ng pagkain ngunit wala akong makita. Naiiyak na ako sa sobrang gutom ko.Nagsalin ako ng isang basong tubig sa baso at agad nilagok iyon.

Dalawang araw, dalawang araw akong inaabutan ng liham ni Ising ng palihim galing kay Justin. Nalaman ni Ronaldo ang pagpunta ni Justin sa kwarto kaya mas lalo nyang dinamihan ang nagbabantay sa bahay. Wala si Julio dahil nasa kabilang bayan sya at may inasikaso. Habang tumatagal ay mas lalo akong natatakot sa mga ipinapakita sa akin ni Ronaldo.

Ibinaba ko ang basong ginamit ko at dahan dahang naglakad palabas sa kusina. Noong isang araw ay tinangkang akyatin ulit ni Justin ang bintana ko pero nabigo sya at naabutan ni Ronaldo.

Tinutukan nya si Justin ng baril kaya sa takot ko ay ako na mismo ang nagtulak kay Justin palabas ng bintana upang hindi sya matamaan ng bala, at  isang sampal ang tinanggap ko mula sa marahas na kamay ni Ronaldo. At hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang hapdi ng lakas ng pagkakasampal nya sa akin.

Napaupo ako sa gitna ng pintuan, nanghihina ako pakiramdam ko'y wala akong lakas para maglakad.

"Binibini?!" mabilis akong dinaluhan ni Ising ng makita nya ako. Awa ang nakikita ko sa mga mata nya ng tignan nya ako. "Patawad Corazon" hikbi nyang saad. Niyakap nya ako at kahit nanghihina ay niyakap ko din sya pabalik.

"Ayos lang ako" pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya.

Inalalayan nya akong tumayo at pinaupo sa upuang kawayan na nasa sala.

"Gumagawa na ng paraan ang ginoo upang maitakas ka rito. Nalaman narin ng mga magulang nya ang tungkol sa inyo Corazon, at..."

"At?"

Gumuhit sa mukha ni Ising ang lungkot. Bigla akong kinabahan.

"Pinagbawalan din syang lumabas ng tahanan nila maliban lamang kung gaganapin ang pag-iisang dibdib nila"

Nadurog ang puso ko dahil don.

"Sinasaktan ba nila si Crisanto?" nanghihina kong tanong.

"Ang balita ko'y pinahirapan sya ng kanyang ama dahil sa tinangka nyang pagtakas upang puntahan ka, at marami ang kanyang pasa sa mukha ng makita ko sya kanina ng palihim nyang inabot sa akin ang liham nya para sa iyo" naramdaman ko ang unti-unting pamumuo ng butil ng luha sa mga mata ko.

Inabot nya sa akin ang liham. Itinago ko muna ito sa loob ng bulsang nasa tagiliran ng damit ko.

Tila merong dumukot sa puso ko at piniga ito kaya't pakiramdam ko'y nahihirapan akong huminga ngayon. Gusto kong umiyak, pero parang umatras na ang luha ko dahil sa pagod. Dalawang araw narin akong umiiyak. Sa mga araw na iyon ay iniisip ko ang kalagayan ni Justin. Laging mayroong "Ayos lang ako" sa kanyang mga sulat sa akin. Pero alam ko, alam kong hindi sya okay.

Nagsisimula na nga ba ang unos sa buhay ni Corazon na syang nararanasan ko ngayon. Alam kong hindi ganito si Corazon. Alam kong kahit kailan ay hindi sya naging vocal sa pagmamahal nya kay Justin. Pakiramdam ko'y binigyan nya ko ng pagkakataong mahalin ang taong mamahalin ko. Ito ba ang parusa ko dahil puso ko ang ginamit ko? Ito ba ang parusa ng mga pagbabagong ginagawa ko?

Pakiramdam ko ay mali ang binago ko. Hindi dapat ako pangahas  dahil hindi ganun si Corazon at lagi syang sumusunod sa utos. Pero ang sarili ko ang lumalabas sa twing pinagkakait nila sa akin ang kalayaan kong mahalin ang taong iniibig ko. Maaaring magkamukha nga kami ni Corazon pero magkaiba parin kami. Mali bang mahalin ang taong minamahal ng ninuno mo? mali bang mahalin ang taong nagmula sa ikalabing walo?

ito na yata ang tadhana ko.

Humalukipkip ako.

Pinunasan ni Ising ang luhang dumaloy sa mga mata ko ng hindi ko namamalayan. Ito na ba ang pagpapahirap sa akin? Bakit hindi kami allowed ni Justin na mahalin ang isa't-isa?

May nabago na ba ako para sa kasalukuyan? Unti-unting gumuho ang pag-asang inipon ko mula sa unang araw ko rito hanggang ngayon. Nanghihina ako sa isipang baka wala akong nabago sa past katulad ng sinasabi ni Marie. Hindi ko na pwedeng puntahan si Marie dhil nkabalik na sya sa present time.

"Binibini, manalig lamang tayo sa Itaas. Pakikinggan nya ang mga dasal mo" hinawakan ni Ising ang mga kamay ko. Tinignan ko iyon, at tumango sa kanya. Lalaban ako, lalaban ako hangga't kaya ko. Lalaban ako dahil alam kong hindi ako mag-isa sa gyerang ito.

"Salamat Ising" gumuhit sa akin ang isang ngiti ng pasasalamat.  Malaki ang pasasalamt ko dahil kahit nanganganib ang buhay ni Ising at ng pamilya nya heto parin sya at naka-alalay sa akin.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako makukulong pero hindi na ako makapaghintay pa ng ilang araw lalo na at papalapit na ang kasal ni Justin. Suminghot ako at inalala ang araw ng kamatayan nya. Kinabukasan sa araw ng kasal nila ay hindi sya sumipot. Ibig sabihin ay pinatay na sya bago pa ang kanilang kasal sa sabado. Byernes ng gabi. Nasisiguro kong hindi sya nagpakamatay dahil walang dahilan upang gawin nya iyon.

Napasinghap ako ng marealize kung anong araw ngayon. Huwebes! Bukas! bukas gaganapin ang pagpatay sa kanya!

Tumambol ng malakas ang dibdib ko sa takot na bumalot sa akin.! Si Justin!

My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon