Kabanata 32

385 12 0
                                    


Kabanata 32


Kanina ko pa hinanap si Father Esteban ngunit hindi ko parin sya nakikita, wala din naman sya sa office nya.




"Hoy!" napahawak ako sa dibdib ko ng magulat ako sa  nagsalitang  nasa likod ko. Humarap ako sa kanya habang taas baba parin ang dibdib ko.






"Hehehe sorry, hinahanap kasi kita, ibibigay ko lang sana to sayo" inilahad nya sa akin ang kulay pink na papel na may nakasulat sa ibabaw na Andrea's Birthday Party!







"Ah, salamat" tinanggap ko ito habang nakahawak parin ang kaliwang kamay ko sa dibdib.





"Sana makapunta ka bes, hehe" saad nya, nakalagay ang dalawang kamay nya sa likod nya habang mahina syang gumagalaw, nahihiya ba sya sakin?


"Sige, pupunta ako" saad ko at ngumite, namangha naman sya sa naging sagot ko at dagli akong niyakap! Hindi naman siguro masamang pumunta diba? pupunta rin naman don ang mga stepbrothers ko kaya hindi naman siguro ako ma a out of place.





"Sa bahay lang yan, may security kasi sa bahay kaya yan para makapasok ka kaagad hehe, sige aalis na ako, punta ka mamaya ha" nakangiti nyang saad, ngumite nalang rin ako at sinundan sya ng tingin papalayo.







Napahawak ulit ako sa dibdib ko ng makita ko si Eunice sa harapan ko, yung totoo? ugali ba ng mga estudyanteng nandito ang bigla bigla nalang lumilitaw? Masama nya akong tinignan....








"Ano na namang kailangan mo?" boryo kong saad. Pinulot ko ang nahulog na invitation card ni Andrea at inilagay iyon sa loob ng bag ko, nakatingin lang sakin si Eunice habang ginagawa iyon.










"Akala mo hindi ko narinig, na inimbitahan ka ni Andrea sa stupid party nya!!!" asik nito sa akin. Boryo ko syang tinignan, ngayon ko lang napansin na parang may butas say sa gilid ng ulo nya. Napalunok ako ng tinignan nya ako ng masama.










"Oh tapos?" seryoso kong tanong. Nagtangis ang bagang nya sa sinabi ko, tila ba isa syang galit galit na turo habang umuusok ang ilong at handa akong suwagin ano mang oras.










"Andrea ismy bestfriend! layuan mo sya!!!! Una ang locker ko, pangalawa ang boyfriend ko, at ngayon naman ang bestfriend ko!!!! Inggitera!!!" sigaw nya sa akin. Napa roll eyes naman ako sa sinabi nya. Tsk!





"Patay kana kaya wala kanang pag mamay-ari! at saka isa pa hindi ako maiingit sayo noh" mataray kong saad, napansin kong nagdidilim na pala ang paligid.









Dahil dun ay tuluyan ng umusok ang ilong nya.








"Hinding hindi mo sila makukuha sa akin!! tandaan mo yan!!!!" Muling sigaw nya. Wala na palang estudyante dito, malamang hinihintay na ako nina joshua.










Akmang aalis na ako ng biglang lumindol, wtf!! anong nangyayari.? Napaupo ako sa semento,  habang takip takip ang ulo ko gamit ang bag ko.










Nanlilisik ang mata nya nang umangat ang tingin ko sa kanya. Napansin kong nililipad ng hangin ang buhok nya pataas, Fuck! sya ba ang nagpapayanig sa paligid???, nabalot ng takot ang dibdib ko. Oo nga pala may kakayahan ang mga kaluluwang magpagalaw ng mga bagay bagay.











Nakita kong inilahad nya ang kanyang kamay at tinignan ang gusaling malapit sa akin. Napalunok ako ng nakangisi nya akong tignan. Hindi ko maigalaw ang isa kong paa dahil siguro sa hindi pa masyadong magaling ang paa kong nabagsakan ng semento dati.











Tila ba nag slow motion ang papalapit na bitak ng semento na kasalukuyang lumilipad patungo sa akin, at alam kong sa ulo ko iyon tatama. Kumabog ng malakas ang dibdib ko! Katapusan ko na ba ito???
Napapikit ako ng mariin dahil sa takot. Naririnig ko pa ang malademonyong halakhak ni Eunice. Ramdam kung malapit na sa akin ang semento, hindi ko alam ngunit tumulo ang luha ko sa isipang mamatay na ako!.












Ilang segundo lang ng maramdaman kong may humila sa kamay ko, bago ko lingonin ang taong yun ay narinig ko pa ang pagtama ng sementong iyon sa katapat nitong pader. Nagmulat ako ng mata, at ang mala anghel na mukha nya ang nakita ko. Buhat buhat pala nya ako, at dali dali kaming nagtago sa likod ng isang pader.










"Dito kalang, kaya mo bang maglakad? tumakbo?" nag-aalalang tanong nya ng tuluyan na kaming nakatago. Tinulungan nya akong tumayo, sa palagay ko'y kaya ko pang tumakbo dahil naigagalaw ko na ang mga paa ko.










Tumango ako sa sinabi nya.






"Okey, kapag sinabi kong tumakbo ka, tumakbo ka! get it??" saad nya sa akin. Tumango ako.  Nagtaka ako nong tumayo sya at lumabas sa pinagtataguan.










Maya-maya ay sunod sunod na paggtama ng pira-pirasong semento sa iba't ibang bahagi ng pader ang narinig ki. Bahagya kong sinilip ang dahilan non. Lumaki ang mata ko ng nagpapalitan silang dalawa ni Eunice sa pagsasalpokan ng bato. Omygod!!This is not good!!






Dahan dahan akong gumalaw upang mas lalong makita kung anong ginagawa nila, pero wrong move dahil nakita ako ni Eunice. Ngumisi sya sa akin at agad iginalaw ang kisameng nasa ibabaw ko.










"Elyon takbo!!!" mariing sigaw ni Justin. Agad ko syang sinunod, para akong nasa pelikula dahil bawat hakbang ko ay ang syang pagbagsak ng kisame sa likod ko. Masakit ang paa ko, at parang hindi ko na kayang tumakbo!!








"Elyon!! Halika dito bilis!!" sigaw ni Father Esteban sa dulo. Nagkaroon ako ng pag-asa kaya kahit hirap na hirap na ako ay mabilis kong tinawid ang distanya ko mula kay father.









Agad nya akong iginaya palabas ng school, nandon na pala lahat ng eatudyante sa labas ng gate. Tanging ang school lang namin ang lumilindol. Mygosh!!!










Naupo ako sa sa semento dahil sa pagod at sakit ng paa. Bigla akong natigilan ng may maalala ako.


'Si Justin!!'

My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon