Kabanata 21
"Pak!"
"Aray!" hinawakan ko ang pisnging sinampal ng taong gumising sa akin.
"Elyy! are you okay?! im sorry, dilat kasi yung mata mo, ginigising kita pero hindi ka gumagalaw!" saad ni mama habang yakap yakap ako. Itinaas pa nya ng bahagya ang baba ko at ibunuka ang bibig ko at sumilip dun Ehhh?
"Ma, pisngi ko ang masakit hindi bunganga!" hinimas ko ang pisngi ko, sigurado akong namumula na yun.
"Im sorry" hinalikan ako ni mama sa pisngi para mabawasan ang sakit. Dati dati naniniwala pa ako kay mama na natatanggal ang sakit non kapag hinahalikan pero sa ngayon ay hindi na. Na realize ko na pampakalma lang yun.
"Bat ka dito sa sofa natulog? natatakot kaba dahil akala mo magagalit ako sa ginawa mo?" tanong nya at hinimas himas pa ang likod ko sa likod.
Nanlaki ang mata ko, paano nya nalaman? si sleepy siguro ang nagsumbong?! tsk!
"Sinabi sa akin ni josh," sinasabi ko na nga ba." I am very proud of you Ely, dahil sa ginawa mo, anak nga kita! but sa susunod wag mo nang gagawin yun okay?" tumango ako sa kanya bilang sagot. Lihim na nagbunyi ang kabayo sa dibdib ko ng malamang hindi galit ang mama ko sa pagsabak ko sa kapahamakang nangyari sa school.
"Oh sya, maligo kana malalate kana" Agad akong kumaripas ng takbo pataas ng sabihin yun ni mama. Omygassh! ayokong malate! Narinig ko pa ang pagtawa ni mama.
Tumigil ako sa tapat ng hagdan at iniisa isa at dinadahan dahan ang pag-apak sa bawat baitang, baka bumigay at hindi ako kayanin.Pumasok sa isip ko ang nangyari sa panaginip. Hindi ko alam kung panaginip nga iyon, pero pakiramdam ko'y naroon ako nong panahong iyon. Pakiramdam ko'y buhay ako sa panahong yon. Hindi ko matatawag na reincarnation ang nakita ko, dahil hindi naman talaga ako naincarnate.
Sumagi sa isip ko ang batang si Corazon, pinilit kong alalahanin ang itsura nya ngunit bigo akong magawa iyon. Maging ang mukha ni Del Valle ay hindi ko na maalala, tanging pangalan lamang at anyo ang pumapasok sa isip ko. Ang wierd.
Bakit ko nga ba nakita iyon? Panaginip!oo tama marahil ay isang masamang panaginip lamang iyon. Mahilig akong mag imagine kaya hindi imposibleng maimagine ko ang nakita ko.....
Nagbuga ako ng buntong hininga ng buksan ko ang kwarto ko. Ganon parin ang ayos ng kwarto ko, tama panaginip lamang iyon. Mabuti at walang bakas ni Justin dito.
"Bakit sa sofa ka natulog?" sheyyyttt. Natutop ko ang dibdib ko sa gulat ng may magsalita sa likod ko. Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa presensya nya.
"Pwede ba! wag kang manggugulat! mamamatay ako sa ginagawa mo e!" singhal ko sa kanya. Nanatili akong nakatalikod sa kanya. Naramdamn kong humakbang sya papalapit sa akin ngunit hindi na ako nag-abalang lingunin iyon.
"Patawad, nag-alala ako sayo, dahil mukhang nilalamig ka kagabi, kaya nilagyan na kita ng Jacket" napaharap ako sa kanya ng sabihin nya yon. nakaramdam ako ng pagkislot ng dibdib ko sa sinabi nya.
Sinigawan ko sya pero sya pala tong naglagay ng jacket sa katawan ko.
"A-ah S-salamat" utal utal kong sagot. Ngumiti naman sya sa akin. His smile, its familiar... parang nakita ko na yun.
Tinignan ko sya at nagpahiwatig na maliligo ako, agad naman nyang nakuha ito, pero ngumisi lang sya. Pinanlakihan ko sya ng mata dahil don, ibabato ko na sana sa kanya ang hinubad kong sapatos ng natatawa syang nawala. Hayssss
Napatingin ako sa kaliwang braso ko, naroon parin ang bigay na bracelet ni justin. Saan ko nga ba nakita ito? umiling iling ako ng hindi ko mahagilap ang hinahanap ko.
Baka kaparehas lang??
Nagtungo na ako sa Cr, ngunit bago ako pumasok ay, sumilip muna ako sa buong kwarto, baka nandito si Justin. Mahirap na at may tinatago panamang kamanyakan yun.
Nang masiguro kong wala sya ay nagbunyi ako. Isasarado ko na sana ng pintuan ng cr ng maagaw ng tingin ko ang bagong sementong pader. Hindi ko ito masyadong binigyan ng pansin at nagkibit balikat nalang saka ulit isinara ang pintuan.
—
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Mystery / Thriller"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018