Kabanata 67
"Corazon!, mapapatay ako kapag nalaman ng iyong ama ang iyong pagtakas!" mahinang sigaw ni Ising sa akin. Bahagya kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko at sumilip sa siwang.
"Sshhh, wag kang maingay!" saway ko sa kanya.
"Ano't bumalik ka dito?" rinig kong tanong ni Lolo sa kakambal nya. Narinig kong mahinang tumawa ang kausap nya. Nang-iinsulto ba yon?
"Nais ko lamang kunin ang aking ANAK" napatigil ako ng paghakbang sa paglabas ng kwarto ng marinig yun? Anak? ibig sabihin anak nya si Corazon?, nanginig ang kalamnan ko dahil don. Mas lalo yata akong natakot sa kanya.
"Halika na Ising!" hinila ko si Ising at dahan dahang humakbang palabas ng silid. Sinigurado kong hindi ako makakalikha ng ingay na maaaring makuha ang atensyon nila. "Asan ang daan sa likod?" bulong ko kay Ising. Pinangunahan nya ako at hinayaan ko syang maglakad habang hila hila ako sa braso.
"Nagpapatawa kaba Ronaldo?" huling narinig ko bago kami tuluyang nakalabas ng bahay.
"SAAN TAYO PATUTUNGO?" biglang tanong ni Ising ng nakalayo na kami sa bahay.
"Kina Jus– Ginoong Crisanto" sagot ko, nag-aalala ako sa kanya, baka mamaya napano na pala sya. Tinignan ko si Ising ng sundutin nya ako sa tagiliran, binigyan nya ako ng isang ngisi sa labi.
"Hmm, alam kong iniibig mo si Ginoo, ngunit hindi ba't masyado syang matanda para sayo? at isa pa, mag-iisang dibdib na sila ni Lorna sa isang linggo!" Nanlaki ang mata ko dahil don, ikakasal na sya next week?, kaya ba may aayusin sya? Hindi naman big deal sa akin ang limang taong pagitan nya sa akin este kay Corazon, age doesn't matter naman e diba?,
"Kailan yon?" malungkot kong tanong. Napakamot sa buhok si Ising at pilit na tinandaan ang araw kung kailan sila ikakasal.
"Ang dinig ko'y sa sabado na iyon" lalong nanlaki ang mata ko dahil don. Pakiramdam ko'y may humiwa sa dibdib ko. Dapat maging masaya ako diba? kasi ikakasal na sya? mas bagay sila ni Lorna hindi ba? Pero bakit parang ayokong matuloy ang kasal nila?
"DITO KA LANG!" saad ko kay Ising habang nasa tapat kami ng paupahang bahay na tinutuluyan ni Justin, ang sabi sa akin ni Ising hindi raw nakatira sa bahay nila si Justin!
Ito yung bahay na inakyat ko noong may humahabol sa akin, ito din yung bahay namin sa present. Tumango si Ising at sinabihan akong umalis agad kapag sumitsit sya. Pumayag naman ako sa kanya. Gusto ko lang makita si Justin, kung maayos lang ba sya? dahil hindi ako mapakali sa pag-aalala sa kanya.
Inisa-isa kong tinanggal ang mga kahoy na nakatabon sa butas na pinasukan ko–este ni Corazon, tanda ko pang ito ang butas na itinuro ni Corazon kay Justin noong tinanong sya ni Ginoo kung paano sya nakapasok.
Kung pwede ko lang sana ulit akyatin ang bintana ni Justin ginawa ko na, ang kaso, sobrang tirik ng araw at sigurado ako ano mang oras ay may daraan. Sinabihan ko pa nga si Ising na magtago na lang kapag may mga taong dumaan.
Nang naalis ko na ang lahat ng kahoy, ay sinilip ko ito, napaubo ako dahil sa nasinghot kong alikabok. Hindi ko alam kung kasya ako dito? Inisip ko pa kung pano ako papasok don, paa ba ang mauuna? mukhang mas madali kasi pag paa.
Nakarinig ako ng pagbukas ng pintuan at mga boses na nag-uusap. Nataranta ako kaya dali dali akong sumuot doon sa butas. Sakit ng dibdib ko, dahil sa biglaang pagpasok!
"Aray!" daing ko ng may tumamang matulis na bakal sa kanang braso ko. Arg! Mabilis kong ipinasok ang buong katawan ko sa butas, hanggang sa hindi ko na maramdaman ang init ng araw sa mga paa ko, ibig sabihin nakapasok narin ang paa ko. Gumapang ako papasok hanggang sa nakita kong may pintuan, ito na yata ang pintuan ng banyo!
Dahan dahan akong lumabas mula roon at pinagpag ang nadumihan kong damit. Wala na akong pakialam kung dumikit na yung duming nadaanan ko kanina sa katawan ko, ang mahalaga makita ko si Justin.
"Corazon?" gulat na tanong ni Justin ng makita nya ako. Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng makita ko syang maayos at walang kahit anong galos sa katawan. Maluha-luha ko syamg tinignan.
Mabilis kong tinakbo ang pagitan namin at saka sya niyakap. Wala na akong pakialam kong bawal ang ginawa ko, ang mahalaga ay mayakap ko sya. Sobrang namiss ko ang taong to! Ramdam ko ang gulat nya dahil hindi agad sya nakagalaw, pero maya maya ay ipinulupot na rin nya ang mga braso nya sa katawan ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa puso kong mas lalong lumakas ang pagtibok ng maramdaman ko ang braso nya sa beywang ko.
"A-akala ko *hik* kung *sob* ano ng nangyari *hik* s-sayo!" iyak ko sa dibdib nya. Hindi ko lang talaga mapigilan ang mag-alala sa kanya. Naramdaman kong mas lalo nyang hinigpitan ang pagyakap sa akin at hinimas pa ang buhok ko.
"Pumasok ka sa butas at nagtungo rito para lamang sabihin iyan?, kaytigas talaga ng iyong ulo binibini" nagpakawala sya ng mahinang tawa matapos sabihin iyon. Kaagad akong lumayo sa kanya dahil sa inis. Inirapan ko sya. Ako na nga tong concern sa kanya e, tapos pagagalitan pa nya ako.
"Nag-aalala na nga ako sayo! tapo–hmp!" Nanlaki qng mata ko ng magtama ang labi nya sa labi ko. Taena! Bawal! ang sarap ng bawal!
"Salamat sa pag-aalala mo, mahal ko hindi mo alam kung paanong nagdiriwang ngayon ang dibdib ko dahil sayo." saad nya at hinila ako palapit sa kanya. Muli nya akong niyakap. Isiniksik ko ang ulo ko sa dibdib nya. Hindi na magkamayaw ang puso ko dahil sa sayang nararamdaman ko ngayon.
"Tumigil na ang pagdurugo, masakit pa ba ang iyong sugat Corazon?" tanong ni Justin matapos nyang gamutin ang sugat ko.
Umiling-iling ako. "Hindi na masyado" sagot ko habang tinitignan ang sugat kong pinalibotan nya ng tela. Nag-angat ako ng tingin ng maramdaman kong nakatitig sya sa akin.
"B-B-Bakit?" utal kong tanong, dahil nakangiti sya habang diretsong nakatingin sa akin. Pakiramdam ko'y lalabas na ang puso ko. Marahan nya akong hinila at inilapit sa katawan nya. Napalaki naman ang mata ko dahil don. Shoot!Kalabog of heart overload!
"Kayligaya ko pagkat nakapiling kita ngayon Corazon. Hindi ko batid kong mapapapayag kita sa nais ko." wika nya habang yakap yakap ako dito sa ibabaw ng higaan nya.
"A-ano yun?" naguguluhan kong tanong at saka tumingin sa kanya.
"Binabalak ko sanang takasan ang pag-iisang dibdib namin ni Lorna sa sabado.Dahil Maging si Lorna ay tutol din sa pag-iisang dibdib naming dalawa". Lihim akong nagbunyi dahil don.
"Nais kong lumayong kasama ka, tungo sa bayan, kung saan malaya nating ipinapadama ang ating pag-iibigan sa isa't-isa, sa lugar na walang kahit na sinuman ang humahadlang, ikaw at ako, Corazon, pati ang pamilyang magkasama nating bubuoin." Hinalikan nya ang noo ko at pinunasan ang luhang dumaloy na pala mula sa mga mata ko. "Tayong dalawa, tanging tayo lamang"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at ako na mismo ang humalik sa kanya, bahala na ang bawal! Dahil mas masarap pala talaga kapag bawal! Mabilis din naman nya itong tinugunan.I really love this man, so much!
—
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Mystery / Thriller"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018