Kabanata 23
"Kamusta kana?" bungad ko kay James ng makarating kami sa hospital bedroom nya. May benda pa ang ulo nya, mukhang malakas nga ang tama nya don. Umupo ako sa tabi nya at hinawakan ang braso nya.
Suminghot muna sya bago sumagot "Im fine, mabuti at nabuhay pa ako" sinabayan nya ng mahinang tawa ang sinabi nyang yun. " By the way thank u sa pagligtas sa akin, siguro kong wala ka, baka patay na ako ngayon" dagdag pa nya, hinawakan nya rin ang braso ko.
"Tsk!" rinig kong bulong ng isang boses. Lumingon ako at hinanap kung kanino nanggaling yun. And there I saw him, nakacross ang braso habang nakatingin sa amin. No I mean sa mga braso namin. Anong ginagawa ng mokong nato dito?
"Wala yun, maliit na bagay" saad ko kay James ng muli kong ibaling ang tingin sa kanya. Binitawan ko ang braso nya at kinuha ang cupcake na niluto ko sa loob ng bag ko. Ibinigay ko iyon sa kanya at iniabot naman nya ito.
"Salamat, kamusta nga pala yung paa mo? I heard na napurohan daw yan" Gusto ko mang iikot ang mata ko dahil sa inis, ay hindi ko magawa naiinis ako sa taong dahilan ng pagkapuro ng paa ko, mabuti nalang at maaga iyong ginamot ni mama sa bahay.
"May isa kasi dyan na ibinagsak ang paa ko habang nakahiga ako sa hospital! mabuti nalang at ginamot agad ni mama!" sagot ko sa kanya. Lihim akong napatingin sa taong prenteng nakasandal sa pader. Hindi ba nya alam na sya ang pinaparinggan ko???
"Tsk!"
"Salamat talaga Ely! utang ko sayo ang buhay ko" lihim akong napangiwi sa itinawag nya sakin, sabi ng elyon eh hindi ely. Nakarinig ako ng mahinang tawa mula don sa pader. Haysss.
"Okay lang yun basta magpagaling ka!" saad ko At binigyan ng isang ngiti.
"O sya sige James may klase pa ako e, magpagaling ka dito ha?" saad ko, hindi ko na kailangang mag alala kay James dahil si father naman daw ang magbabantay, sinabi ko na kay father ang tungkol dun at sinabi ko na ring kagagawan yun ni Eunice!
Speaking of Eunice, naisipan kong ako na mismo ang gagawa ng paraan para makaaalis na dito si Eunice, gusto nyang patayin si James para makasama nya at hindi tama yun.
Hmmm...
Mamayang gabi gagawa ako ng exorcism!....
"Aalis na ako James ha? magpagaling ka!" saad ko at saka tumayo" muli kong isinukbit ang itim na bagpack ko. Tumango naman sya sa sinabi ko.
Binuksan ko ang pintuan at lumabas na, napalingon ako doon ng tumagos si Justin doon, biglang pumintig ng malakas ang puso ko ng masilayan ang gwapo nyang mukha, hindi ko alam kung bakit. Blangko ang ekspresyon nyang nakatingin sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay dahil dun.
"May pahawak hawak pa ng braso, di naman magsyota!!" bulong nya pero di ko masyadong narinig. Sobrang hina e.. Nauna na syang lumabas sa akin mula dito sa hospital.
Nagpaalam muna ako kay padre bago umalis, hindi ako dumaan sa daang tinahak ni Justin, may plano ako at di sya pwedeng sumama.
-
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Mystery / Thriller"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018