Kabanata 61
"Uhm" tila ba natuyo ang lalamunan ko dahil sa taong nakaupo sa harapan ko at mataman akong tinitignan.
"San ka nanggaling at may mga dahon sa iyong ulunan?" napaatras ako ng isang hakbang ng bigla syang nagsalita. Napalunok ako dahil sa paraan ng pagtitig nya. Kung nakakatunaw lang ang mga tingin nya, malamang natunaw na ako kanina pa.
"Huh?" tanong ko dahil hindi ko masyadong narinig ang sinabi nya.
"En tu cabeza señorita" saad nya, muli akong napalunok ng magsalita sya sa spanish. Bakit ang hot nya sa boses nya. Kinapa ko ang ulo ko dahil sa sinabi nya. Inalis ko ang dalawang dahon na na nasa ulo ko pala.
"Nakakaintindi ka ng wikang kastila" its not a question, hinawakan nyaa ng baba nya na lalong nagpagwapo sa kanya sa paningin ko.
"oo" alanganin kong saad. Napatingin ako sa bandang noo nya, wala ang peklat na nakita ko sa present. Sobrang aliwalas ng mukha nya, yung hindi ka magsasawang tignan sya buong araw. Yung kahit makulong ako sa bahay ng mahabang panahon basta kasama ko sya at nakatitig lamang sa kanya?.
"Saan mo natutunan iyan?" tanong nya ng diretsong nakatingin sa akin.
"Sa paaralan" sagot ko.
"Sinungaling!" tumayo at humakbang sya ng ilang hakbang papunta sa akin, nakatingin lang ako sa kanya ng tumigil sya ilang dipa ang layo mula sa akin.
"H-hindi ah!" dipensa ko, totoo naman e, sa school ko natutunan ang wikang espanyol. Ang simple lang kaya ng sinabi nya. En tu Cabeza señorita, means In your head señorita sa english. Ang tinutukoy nya pala ay ang mga dahon sa ulo ko.
"Hindi ka pinag-aaral ng iyong ama sa eskwelehan binibini" madiin nitong saad. Napalunok ako, hindi pala pinag-aaral sa school ni Julio si Corazon, patay! Infairness may alam sya tungkol kay corazon. yieee lihim na nagdiwang ang puso ko dahil dun.
"Ah-ah ang tinutukoy kong paaralan ay yung bahay namin hehe, oo yun!" kinakabahan kong saad. Nakakailang ang mga titig nya e.
Umiling-iling sya na tila ba hindi naniniwala sa sagot ko.
"Bueno, san ka nanggaling at ganyan ang iyong itsura corazon?" mapang imbestiga nyang tanong at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Naghuhumirentado ang puso ko dahil sa pagbanggit ng pangalan ko.
"Ah-aah!—" muntik na akong mapasigaw ng lumapit sya sa akin at tinakpan ang bibig ko, pagkatapos ay hinila pa ako papalayo sa bintana.My heart!
Pinilit kong kumawala sa ginawa nya pero napatigil din ako ng makarinig ng ingay sa labas ng bintana.
"Nasaan na siya?" rinig naming tanong ng isa sa mga humahabol sa akin. Sinenyasan ako ni Justin na tumahimik. Hinila nya ako malapit sa maliit na mesang nasa tabi ng higaan nya at pinatay nya ang kandilang nandoon.
"Wala rito" sagot naman ng kasama nya. Lihim kong inamoy ang kamay ni Justin na nakatakip sa bunganga ko, bakit ang bango?, namula naman ako ng marealize ko kung ano ang ginawa ko ngayon ngayon lang. What the actual fudge ely?! inamoy mo pa talaga?!
"Halina at hanapin natin sa banda roon" sabi ulit ng unang nagsalita, saka lang ako binitawan ni Justin ng marinig namin ang papalayong hakbang ng mga paa nila. Nagbuga ako ng hangin dahil don. Haysss!
Sino yung mga yon?
"Patawad at hinawakan kita corazon" paumanhin nito at saka sinindi ulit ang kandilang pinatay nya kani-kanilang. "Paumanhin" malungkot na saad ulit nito. Pakiramdam ko'y double meaning ang sinabi nya.
"Patawad" ulit nito.
—
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Mystery / Thriller"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018