Kabanata 79

304 11 0
                                    

Kabanata 79


"Hmmm" nagmulat ako ng mata at pamilyar na lugar ang bumulaga sa harapan ko. Kahit nahihilo parin ay pinilit kong ikotin ang kabuuan ng bahay na to. Hindi ito bahay nila Julio. Kung kaninong bahay to ay hindi ko alam, pamilyar ngunit hindi ko matandaan kung saan ko nakita to.


"Aray!" daing ko ng magtama ang suot kong damit sa mga sugat ko sa likod. Pinilit kong tignan ang likod ko, at puno ng mantsa ng dugo ang damit ko. Nakaramdam rin ako ng kirot sa mga braso ko at nakita kong may latay din iyon ng latigo. Malalim, malalim ang iniwang sugat ng latigo. Imposibleng mabuhay pa ang tao kapag ganito kadami ang sugat, buong katawan ko ay may sugat. Maaari akong mamatay dahil sa dami at mga nawalang dugo. Pero bakit buhay pa ako?"


Kahit hinang hina ay dahan-dahan akong tumayo. Itinukod ko ang isang kamay ko sa dingding ng muntik na akong mawalan ng balanse. Pakiramdam ko'y namamanhid ang buong katawan ko sa hapdi at kirot na dulot ng mga sugat. Ilang hakbang ang ginawa ko bago ako napatigil dahil sa taling nakatali sa paa ko. 'Nak Ng!, may-isip din pala si Ronaldo.

Pinilit kong hilahin ang tali upang makawala, ngunit bigo ako, naghanap ako ng bagay na maaaring makaputol sa tali ngunit wala akong mahagilap na kahit ano. Naiiyak na ako sa kaba lalo na nong sumagi ulit sa isip ko si Justin. Byernes na ngayon, hindi ko alam kung gaano ako katagal nawalan ng malay at ganitong byernes na ng gabi ako nagising.


Taimtim akong nagdasal na sana ay may tumulong sa akin dito.


"Tulong!" kahit hinang hina ay sumigaw ako, nagbabaka sakali akong may makarinig sa aking kahit sinong mapadaan sa tapat ng bahay na to.

"Tulong! Tulungan nyo po ako!" muling sigaw ko, ngunit katahimikan lamang at huni ng mga kuliglig ang naririnig ko. Sinubukan ko ulit hilahin ang tali sa paa ko ngunit tulad ng nauna bigo parin ako.

Dito na ba ako mamatay? Nagpakawala ako ng mahinang hikbi ng maalala ang mga naiwan ko sa kasalukuyan. Paano na sila? Pakiramdam ko'y wala akong nabago, maaari bang patay na ako sa kasalukuyan? Sana ay panaginip lamang ang lahat, at magising ako sa buhay na dati ko nang kinagisnan. Kinapa ko ang labi ko ng maramdamang tila humapdi rin ito. Binabasa basa ko ito gamit ang dila ko dahil isang araw na pala akong walang ininom na tubig.


Nauuhaw at nagugutom na ako, ngunit wala kong magawa kundi ang maghintay ng himala at saklolo.

Itinungo ko ang ulo ko at mahinang humikbi, nawawalan na ako ng pag-asa.

Ilang minuto akong nakatungo at nakapikit ng makarinig ng kalabog mula sa pintuan. Kinaban ako bigla. Pumikit ulit ako at tinakpan ang tenga ko dahil baka anumang oras ay mawasak na ang pintuang patuloy na kinakalabog ng kung sino man. Nag-angat ako ng tingin ng may biglang lumitaw sa isipan ko. Kung si Ronaldo ang nasa labas, hindi na nya kailangang kalabugin ang pintuan para buksan, I'm sure sya ang sumara non at alam nya rin kung pano ito buksan.


Biglang nabuhay ang pag-asa sa puso ko na kanina lang ay namatay. Dahan dahan akong tumayo.


Patuloy parin ang kalabog ng pinto. maya maya ay nakarinig ako ng boses.


"Binibining Corazon!, nariyaan kaba sa loob?!" rinig kong sigaw nila mula sa labas. Nagbunyi ang puso ko dahil don. Oh My gosh!

"Tulong!" mahinang sigaw ko.

Kahit nanghihina at nahihirapan akong magsalita dahil sa kalagayan ko ay pinilit ko paring sumigaw.

"Tulungan nyo ho ako! tulong!" iyak ko.

"Narinig nyo ba iyon?, nasa loob nga si Binibini! Tama si Ising!" umiiyak na ako sa tuwa dahil sa narinig ko. Buhay si Ising! Buhay sya!

Ilang minuto pa ang nakalipas bago ko marinig ang marahas na pagwasak sa nakasarang pintuan.


"Binibini!" bumungad sa akin ang mga tauhan ni Julio. " Narito ang binibini" sigaw ng nakakita sa akin.

Agad nilang inalis ang tali sa paa ko at binuhat ako ng may pag-iingat dahil sa mga sugat ko.

"Nag-aalala sa iyo si Kapitan Binibini! nakahundusay si Ising ng madatnan namin siya roon, at kanyang isiniwalat ang buong katotohanan kay kapitan ng magkamalay tao siya! Galit na galit si Kapitan sa ginawa ng kanyang kapatid sa iyo Binibini, kaya't ipinapadakip na sya ng iyong ama" bumuhos ang luha ko dahil sa lahat ng iyon.


"Maraming salamat po!" umiiyak kong saad.

"CORAZON!" sinalubong ako ng yakap ni Julio ng makarating kami sa bahay, hindi ko alam kung saan kami galing at kaninong bahay yong pinagkulungan sa akin pero wala na akong pakialam.


"Binibini!" si Ising habang inaalalayan ng kanyang ina.


"Patawad, wala ako sa iyong tabi nong mangyari iyon, patawarin mo ako Corazon!" umiiyak na saad ni Julio habang nakayakap sa akin. Niyakap ko din sya pabalik habang tinitignan si Ising na nakangiti sa akin.


"Walang kapatawaran ang ginawa sa iyo ni Ronaldo, sisiguraduhin kong mabubulok sya sa piitan! " nangingitngit sa galit si Julio habang nakatingin sa likod ko na puno ng latay. Nagpatawag sya ng isang mangagamot at para gamutin ang mga sugat ko.


"Pumasok kana sa iyong silid Corazon, ng magamot ang iyong mga sugat" tumango ako sa kanya at humakbang ng paisa-isa kasama ang nanay ni Ising at ang manggagamot.


"Kapitan, may panuhin po kayo!" napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig ko, lumingon ako sa panauhing iyon. Isang lalaki na may salakot at may dalang pala ang nakatayo malapit kay mang Erning. Parang nakita ko na sya, hindi ko nga lang alam kung saan.


"Magandang gabi sa iyo kapitan, maaari ba kitang makausap!" panimula ng bagong dating, pinaupo muna sya sa upuan bago nagsalita si Julio. Bigla ay nagkainteres akong marinig ang pag-uusap nila.

"Corazon, sige na magpagamot kana" sabi ni Julio ng mapansing nakatingin ako sa kanila. Napatingin din sa gawi ko ang bisita. Hindi ko matandaan, pero nakita ko na ang mata nya hindi ko lang matukoy kung saan.


"Gusto ko hong marinig ang inyong pag-uusapan" nanghihina kong saad.

"Ngunit-"

"May kinalaman sa kanyang ina ang aking isisiwalat Kapitan, kaya nararapat lamang siguro na marinig nya ang anumang lalabas sa aking mga labi ngayong gabi." pagpuputol ng bisita sa iba pang sasabihin ni Julio.


Napabuntong hininga si Julio at sinenyasan ang mga tauhan nya na alalayan ako papunta sa pwesto nila.


'Importante itong pag-uusapan nila dahil tungkol ito kay Teresa. At sapalagay ko'y kailangang marinig ko iyon.'

My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon