Kabanata 78

302 9 0
                                    

Kabanata 78

"Tumayo kana binibini, itatakas kita ngayon" nagulat ako sa sinabi nya.

"Ising!" pagbabanta ko sa kanya.

"Hindi ko na kayang makitang ganyan ang iyong kalagayan Corazon. Kung narito lamang si Kapitan tiyak na hindi ka nya hahayaan, kung nalalaman lamang ng iyong ama ang pinagagawa ng kanyang kapatid sa iyo, tiyak na ipagtatanggol ka nya kay Ronaldo" Yumuko ako, at pilit na pinipigilan ang mga luha ko. Ang isang taong kakampi ko ay wala rito at nasa ibang lugar. Ang masakit pa, naniniwala sya sa mga sinasabi ni Ronaldo, at ipinagkatiwala pa nya ako sa demonyo nyang kapatid.

Naramdaman kong pilit akong inaangat ni Corazon kaya't sumunod ako at pinagaan ang sarili ko upang matulungan sya sa pag-alalay sa akin.  Tatakas kami! Walang ibang tutulong sa amin dahil wala rin naman dito ang mga magulang ni Ising.

"Wala na tayong panahon Binibini! Wala ang mga bantay at nagtungo sa hangganganan ng Barcel at Casañarez Kaya ito na ang ating pagkakataon upang makaalis rito." nahihintatakotang bulong ni Ising. Ramdam ko ang takot nya ngayon, at mas lalo ko syang hinangaan dahil kahit natatakot sya malakas parin ng loob nya na itakas ako rito.

Malapit na kami sa pintuan ng biglang may pares ng paa ang sumalubong sa amin. Natigilan kami. Naramdaman ko ang pagtigas ni Ising at ang panginginig nya.

Nag-angat ako ng tingin sa taong iyon. Nanindig ang balahibo ko dahil sa nakita ko sa mga mata nya. Puno ng galit ang mga mata nya at nakakuyom pa ang mga kamao nya. Napaatras si Ising at dahil hawak hawak nya ko ay napasama ako sa pag-atras nya.

"At saan kayo patutungo?" nagtatagis ang bagang nya habang sinasabi iyon.

"Pakawalan nyo na po si Binibi-"

"Ayy!" napasigaw ako ng biglang sinabunutan ni Ronaldo si Ising. Nakita kung paano pumikit at mamilipitsasakit ng pagkakasabunot sa buhok nya si Ising. Nabitawan nya akk at muntik na akong mapasubsob sa sahig, buti nalang at may sofang nasa tabi ko.

"Tumakas kana binibini! Aahh!" sigaw ni Ising habang iniinda ng sakit na dulot ng kamay ni Ising. Natakot ako ng bumaling ang paningin ni Ronaldo papunta sa akin. Gusto kong tulungan si Ising, pero hindi ako makakilos.


"Tumakbo kana!" muling sigaw ni Ising, na syang bumuhay sa tulog kong sistema, hihingi ako ng tulong!. Kahit nanghihina ay pinilit ko paring maglakad ng maayos, papunta sa pintuan.


"Aaaahhh! bitawan mo ako!" sigaw ko ng maabutan nya ako. Pinilit kong tanggalin ang kamay nyang nasa buhok ko at hinihila kung saan. Nakarating kami sa pwesto ni Ising kanina ngunit wala na sya don.

"Hindi ka makakaalis, magsasama pa tayo hindi ba?" tila lindol nyang sigaw. Nakangisi sya na parang may malaking binabalak kaya kinabahan ako sa kung anong mangyayari ngayon. Ramdam ko ang hapdi ng pagkakasabunot nya. Pinilit ko syang labanan kahit na tinatakasan na ako ng lakas. Justin!

"Bitawan mo ako! Baliw kana! anak mo ako! bitawan mo ako, demonyo ka! Ahhh!" umiiyak kong saad habang hinihila parin ako papunta sa kwarto.

"Aahhh!" biglang daing nya ng may bagay na tumama sa kanyang likod. Nabitawan ako ni Ronaldo kaya napadapa ako sa sahig. Tumama ang ulo ko at hindi ko inaasahan iyon. Naramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko, hinawakan ko ang mahapding iyon, at may nakapa akong tila tubig na umaagos sa noo ko.


Blood!

"Dapat ay pinaslang narin kita!" sigaw ni Ronaldo kay Ising at mabilis na nilapitan si Ising ng makabawi ito sa pagkakapalo sa kanya. Nakita ko kung paanong inagaw ni Ronaldo ang pamalong iyon kay Ising at ipukpok iyon sa ulo ng huli. Hindi ako makakilos dahil sa gulat. Unti-unti kong nakita ang pagbagsak ni Ising sa sahig. No! sigaw ng isip ko. May dugong dumaloy mula sa ulo nya. Nakadapa narin sya.


Pinilit kong makabangon ngunit hindi na kinaya ng mahina kong katawan. Umiiyak ako habang nakatingin kay Ising. Anong ipapaliwanag ko sa mga magulang nya sa nangyari sa kanya?! Hindi sya pwedeng mamatay! Ilang beses kong minura si Ronaldo sa isipan ko dahil sa ginawa nya.

"Aaahhhh!" muli akong napasigaw ng muli kong naramdaman ang pagkakahawak sa buhok ko. Ilang ulit kong binanggit ang pangalan ni Justin habang inaangat ako ni Ronaldo gamit ang buhok ko.


Justin! please help me! sigaw ng isip ko.

Mulat pa ang mga mata ni Ising at sinusundan pa ang bawat galaw ni Ronaldo pero hindi sya kumikilos. Nabalot ako ng takot ng makita ang kalagayan nya. Masyado na akong mahina para manlaban pa.

Sapilitan akong pinasok ni Ronaldo sa kwarto ko at pinadapa sa higaan. Nanindig ang balahibo ko sa ideya ng maaari nyang gawin sa akin ngayon. Mahapdi parin ang sugat ko. At nahihilo parin ako.

"Sana ay isinama nalamang kita nong lumayo ako!" rinig kong sabi ni Ronaldo habang may kinukulikot kung ano. Napapikit ako at inalala ang kalagayan ni Ising. Tila nadurog ang puso ko ng makita ko kung paanong hindi na sya gumalaw kanina.

"Please, l-let me go!" bulong ko kahit alam kong hindi iyon maririnig ng demonyo.

Napaigik ako ng maramdaman ko ang pagtama ng latigo sa likod ko. Isa-isang pumatak ang mga luha ko at dumiretso sa telang kinahihigaan ko.


"Magtanda ka! Akin ka lang Corazon! walang makakapigil sa akin kahit pa ang iyong ina!" sambit nya at muli akong ginawaran ng latigo.

"T-tama n-na! pakiusap!" pagmamakaawa ko. Hindi ako makagalaw dahil nakatali na pala ang mga kamay ko sa higaan. Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ang sunod sunod na pagtama ng latigo sa likod ko. Masakit! alam kong makakalikha iyon ng malalim na sugat.  Bigla ay naalala ko kung paano nya rin pinarusahan si Corazon ng suwayin sya nito. Dumoble ang sakit na nararamdaman ko sa bawat pagtama ng latigo. Ramdam kong tila mayroon na akong mga sugat salikod at muling sinusugatan. Ramdam ko kung gaano kasakit ang isang sugat na ginawaran ulit ng isa pang sugat. Doble!


"Iyan ang iyong parusa sa iyong pagtangkang pagtakas!"

Pilit kong hinihila ang taling nasa kamay ko at pilit na kumakawala doon sa pamamagitan ng pagyugyog nito.


"Aaaahhh tama na!" nahihirapan kong saad ng muling tumama sa likod ko ang latigo!

"Papatayin ko muna ang kalaguyo mo bago kita papakawalan sa pagkakagapos! Hahaha!" Tawa nya na nagpakilabot sa akin. No!

Umiiyak ako habang nilalatigo ni Ronaldo ang likod ko. Suray suray na ang damit ko, dahil ramdam kong diretsong nasa balat ko na ang pagtama ng latigo. Hindi ko alam kung ilang oras akong pinahirapan ni Ronaldo  ang alam ko lang ay napasuka ako ng dugo. 

Pinikit ko ang mga mata ko dahil hindi ko na kinakaya ang sakit at hapdi sa likod ko. Dagdagan pa ang pagkakahilo ko.

Then, everything went black!

My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon