Kababata 42
Nagtuloy tuloy kami sa paglibot sa buong kabahayan, kahit na alam kong nanatili paring nakatitig ang mga matang iyon ay hindi ko na pinansin pa.
Napadaan kami sa kwarto, may tatlong kwarto ang bahay na ito, isa sa kanan isa sa kaliwa at isa sa gitna. Hindi na daw pwedeng pumunta roon dahil nakapunta na raw kanina sina father at ang iba pang estudyante doon.
"Ito ang ku...."rinig ko ang papalayong boses ng pari mula sa pwesto ko ngunit nanatili akong nakatayo sa tapat ng pintuan ng nasa gitnang kwarto na ito. May humihila sa akin paloob, ngunit nilalabanan ko ito. Napansin ko lang, walang mga larawan ng pamilyang Mercedito ang nakasabit sa mga dingding, hindi ko pa nakikita ang lahing pinagmulan ko, maging ang larawang hinihingi ko kay Lola ay hindi pa dumarating.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng maramdaman ang pagdampi ng malamig na hangin sa balat ko, iyon na ata ang pinakamalamig na hanging naramdaman ko simula ng mapunta ako sa bayang ito. Ayokong pumasok, ngunit may maliit na boses ang nagsasabing kailangan kong pumasok.
Nasa loob ba ang kasagutan sa mga tanong na nabuo sa aking isipan? kahit papaano ay nagkaroon ako ng interes sa pagpasok sa silid na ito.
Pinakiramdaman ko ang paligid, walang matang nakatitig, wala din si Justin, hindi ko na din madinig si father at ang iba pa. Tahimik! tanging pagkalabog lamang ng puso ko ang nararamdaman ko. Napapikit ako ng mariin ng biglang umikot ang paligid! Napahawak pa ako sa ulo ko!!!! Kusa kong ipinikit ang mga mata ko ng hindi ko na kayanan ang pag-ikot ng paligid ko.
Napaupo ako habang nakapatong parin sa ulo ko ang mga kamay ko. Maya maya ay naramdaman ko ang pagtigil ng pag-inog ng paligid. Sasabog na ata ang puso ko, dahil sa kaabnormalan ng pagtibok nito, siguro kung isang temperature ang pagtibok ngayon ng puso ko malamang ay sasabog na sa init ang thermometer.
Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko, isang kakaibang paligid ang natunghayan ko. Nasan ako??? Bakit nag-iba ang ayos ng bahay??? Napatayo ako, inilibot ko ang mga paningin ko sa buong kabahayan. Anong nangyayari??
"Naghihitay sayo si ama sa loob" anang babae sa akin na sa palagay ko'y nasa dalawampung taon na. Itinuro nya ang kwartong gusto kong pasukin kanina, teka?? diba't nasa harap ako non kanina??
"Bilisan mo ang iyong pagkilos!!" sumigaw na ito, nataranta naman ako at kaagad na humakbang papalapit sa pintuang iyon.
Isang matalim na tingin ang ipinukol nya sa akin ng madaanan ko sya, bakit ganon ang suot nya? makaluma na??? nasan ba ako???
Nasa tapat na ako ng pintuan ng silid na ito, ngayon palang ay kinakabahan na ako kung sino ang nasa loob ng kwartong ito, hindi maganda ang pakiramdam ko dito.
Hinawakan ko ang seradura ng pintuan, nag-iinit ang katawan ko, hindi dahil sa libog kundi dahil sa takot. Shit!!!Parang ayoko na!!! Marahan kong binuksan ang pintuan, naramdaman ko ang matalim na pagtitig ng taong iyon sa akin ng maisara ko ang pinto.
Gayon na lamang ang takot ko ng makita ang madilim na aura ni Julio Mercedito! !!
Nakakamatay ang titig nya!
—
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Mystery / Thriller"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018