Kabanata 12

495 21 0
                                    

Kabanata 12

"Hi, Cyruz nga pala" pakilala ng lalaking may abuhing mata. Sya yung sumingit kanina sa usapan namin.

Inabot ko ang kamay nyang nakalahad. Tapos ay nagkamot sya sa batok. ang cute!

"Andito ka na naman Cyruz, ano ba yan, chismoso ka talaga" naiiritang saad ni Kim.

"Eh ikaw kaya dyan, chismosa ka din e" sagot naman ni Cyruz pabalik. Nakakatuwa sila.

"Nagsasalita pa ba yon?" mahinang tanong ko kay Andrea habang kumakain.

"Oo naman, normal si James iniisip na naman nya kasi si Eunice kaya ganyan sya" sagot nito sa akin.

Na pa ahh na lang ako sa sinabi nya, akala ko pipi na sya o kaya natrauma na, hindi pala.

"Kahit nong nabubuhay pa si Eunice maraming ayaw sa kanya, dahil sa ugali nya. Narinig ko kina father kanina, pupunta daw tayong lahat sa libing ni Eunice, malamang sa impyerno sya tutuloy" Sabat ni Cyruz.

"Hoy! hindi yan dideritso dun, sa purgatoryo muna." sagot naman ni Kim. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya kagaya ng tatlo pang hindi nag-iingay mula kanina. Himala at hndi nagkukwento si Historian ngayon.

"Meron ba non?" tanong ni Cyruz, habang kinakamot ang batok. "Ang alam ko diretso na sila sa langit o di kaya'y sa hell pag namatay ang tao?" muling tanong nito at ginulo pa ng bahagya ang buhok.

"Meron, dun sila hinahatulan" sabat ni Bea. Napakamot ulit ng batok si Cyruz.

"Ah, oi! pahingi ha?" biglang tanong nya at kinuha ang chips na nasa gilid ko. Sinuway naman sya ng mga kasama ko, pero hinayaan ko na lang.

"Hi, mukhang nagkakatuwaan kayo ah, pwedeng makisali?" lumingon kaming lahat sa pinanggalingan ng boses. Nasa harapan na sya ng mesa namin. Ngayon ko napatunayan na hindi talaga sya nakadrugs.

"Sige maupo ka na dyan." Turo ni Josh sa isang bakanteng upuan.

Kanina lang ay pinag-uusapan namin sya pero ngayon ay kasama na namin sya at nakangiti pa. Hindi mo sya mababakasan ng anumang iniindang sakit sa mukha nya. Ang galing magtago.

"Ako nga pala-"

"James" dugtong ko sa sasabihin nya. Ngumiti naman sya sa akin.

"I see, kinwento ba ako sayo ng mga stepbrothers mo?" tanong nya at sinabayan pa ng mahinang tawa.

"Uhm" wala akong mahagilap na salita, na gi-guilty ako hindi ko alam kung bakit.

Gusto kong sabihin na pinag-usapan namin sya kanina pero alam kong malalagot ako nito sa mga kasama ko. Kaya pinili ko nalang na tumahimik.

"Ikaw si Elyon hindi ba? Nice to meet you, at welcome dito sa school namin" isang pilit na ngiti ang pinakawalan nya ng sabihin nya yun.

"Sayo din" Sagot ko rito.

'Mukhang mabait naman sya'.

"Ringgggggggg" tunog ng bell, hudyat na magsisimula na ang klase. Lahat kami ay napatayo, tapos na rin naman kaming kumain.


"Mukha kang babaeng gangster sa suot mo, ang cool" untag ng katabi ko. Sinabayan ako ni James sa paglalakad. Wala pa akong uniform at bukas ko pa makukuha yon. Nakakahiya nga dahil ako lang ang hindi naka uniform sa kanila.


"Salamat" sagot ko rito

"Akala ko nagbibiro lang sina Josh ng sabihin nila sa akin na darating yung stepsister nila. Hindi pala" Natatawang saad nya. Napabusangot ako ng marinig ko ulit ang term na stepsister.


"Sana maging magkaibigan tayo" muling untag nito sa akin.


"Oo naman, wlang problema don" sagot ko sa kanya.

"Talaga? salamat" nakangiti nyang sabi.


"Sige mauna kana, natanggal yung sintas ng sapatos ko e" I said. Sumunod naman sya sa sinabi ko.



Tumayo ako ang tapos na akong itali ulit ang sintas ng sapatos ko. Tumingin ako sa bandang harapan ko.




Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Eunice na matalim na nakatangin sa akin. Nandon sya sa may hallway at papalapit na si James sa kanya.



Ngumisi sa akin si Eunice dahilan para maalarma ako. May binabalak syang masama. Tinignan nya si James na papalapit na sa kanya. Saka sya tumingin sa kisameng malapit sa hallway na kinatatayuan nya. Nasa ilalim non si James.


No! Balak ba nyang patayin ang boyfriend nya?????


Mabilis akong tumakbo papalapit kay James ng makita kong babagsak ang sementong kisame sa kanya.



"James!!!!" sigaw ko sa kanya, nakangiti pa sya ng lumingon sya sa akin. Mabilis ko syang itinulak, ngunit naabutan din kami ng bumabagsak na kisame.



Nakaramdam ako ng pagkamnhid sa katawan ko.



Dahan dahan kong nilingon si James na may dugo sa ulo nya. No!!!



"James okay ka lang?" Tanong ko rito ng makausad ako ng kunti sa sementong nakadagan sa paa ko.



"Yes I-I am fine" mahinang sagot nya.



"James!!!!" muling sigaw ko ng ipikit na nya ang mga mata nya.

'No!'

My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon