Kabanata 16

466 17 0
                                    

Kabanata 16

"Bakit? may problema ba?" rinig kong tanong ni Josh. Narinig siguro nila ang pagsinghap ko. Tinignan nya ako mula sa front mirror, habang si Ian naman ay napabaling ang tingin sa akin na tila ba hinihintay ang sagot ko.


Umiling-iling ako at bahagya pang ngumiti. Mukhang nakontento nan sila sa naging sagot ko kaya muli silang nagkwentuhan, siguro ay paraan nila iyon upang di antukin sa byahe.



Napanguso ako ng may narealize ako, ang bahay namin, medyo may kalayuan sa totoong pamayanan na kasalukuyang dinadaanan namin. Siguro kong may killer na dumating sa bahay ay walang makakarinig kung hihingi man kami ng tulong mula sa labas. Masyadong malayo ang bahay namin at hindi na iyon maririnig ng mga tao kung may patayan mang nagaganap don.

"Nasa bahay na ba tayo? *yawn*" Nakita kong nagmulat na ng mga mata nya si Dean. Siguro ay nagising sa haba ng byahe.




"Wala pa, matulog ka ulit" sagot ni Josh na syang nagmamaneho. Napansin kong naka earphone na si Ian at halatang hindi nadinig ang pagtanong ni Dean.




Napalingon sa akin si Dean. Nagtaka ako sa paraan ng pagtitig nya. Sinulyapan nya ang kanang balikat ko. Nagtaka ako ng makitang nangunot ang noo nya. Lihim akong kinabahan. Nakikita ba nya si Justin? Wala namang third eye si historian ah?



"Anong nakapatong sa balikat mo?" napalaki ang mata ko sa tanong nya, nakikita nya? pero hindi sya magtatanong kung ano ang nakapatong sa balikat ko kung nakikita nya si Justin, dahil malalaman nyang tao yun, kung nakakakita nga sya.




"Ehhhhh?" tanging nasabi ko ng di parin nya tinatantanan ng tingin ang balikat ko. Napalunok ako.





"Hindi kasi pantay yang balikat mo, ano bang pumatong dyan? para kasing may nakapatong dyan e" kamot kamot nyang sabi. Lihim akong nagbuga ng hangin sa sinabi nya. Buti naman! Hindi nga nya nakikita si Justin.





Pansin ko ngang bumaba ang kanang balikat ko. Pshh panira kasi ang mokong na to. Himbing na himhing ang tulog. Inayos ko ang balikat ko at ibinalik sa dati.



Nagkibit balikat lang si Historian pagkatapos.

Haysss.....






Napalingon ako sa labas, gayon nalamang ang paglaki ng mata ko ng may bulto ng tao akong namataan sa dilim. Hindi ko maaring magkamali, tao ang nakita ko, may hawak pa syang pala sa kaliwang kamay nya.





Nakaramdam ako ng kaba, ng alisin ko ang paningin don. Ehhhhh creeeeepy.!!!! Muli kong sinulyapan ang bulto na yun, naroon pa rin, nakatayo sa dilim. Anong ginagawa ng taong yun sa dilim? wala rin syang dalang kahit anong liwanag. Tinignan ko muli ito.





Mas lalong dumuble ang kaba ko ng maramdaman kong sa akin nakatitig ang mga matang iyon. Kahit hindu ko nakikita ang mata nya, pakiramdam ko ay sa akin ito nakatingin.



Inalis ko ang tingin ko don ng maramdamn kong para akong hihimatayin sa takot!!! Fudge! sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot.




Nakaramdam ako ng presensya sa gilid ko kaya tinignan ko ang taong yun. Si dean, nakatingin sya sa labas ng bintana. Tapos ay tumingin sya sa akin na parang sinasabi nya na nakita nya rin ang taong iyon.






"N-nakita m-mo?" utal-utal kong tanong, bulong lamang iyon pero alam kong narinig nya parin iyon.




Tumango sya sa tanong ko. shit!!! Nakaramdam ako ng takot ng sandaling iyon. Masama ang pakiramdam ko sa taong iyon.




Hanggang ngayon ay nakatatak parin sa akin ang hugis nya....



Matangkad na mama, at may dala dalang pala sa kaliwang kamay nya....

My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon