Kabanata 14

481 16 1
                                    

Kabanata 14


Napatampal na lang ako sa noo ng maglakad papalapit sa pwesto ko si Justin. Ano na naman ang kailangan ng mokong nato? Tinarayan ko sya, ngunit blangko lang ang ekspresyon ng mukha nya. Hindi ko tuloy sya mabasa.



"Anong ginagawa mo dito??" asik ko sa kanya. Mang-iinis na naman siguro to!



"Ay, sorry nakalimutan ko lang yung earphone ko, lalabas na ako sige sorry ulit" saad ni Dean. Nak ng! nakalimutan kong nandito pa pala si historian sa loob, pahamak talaga ang kuluwang to.



"Ay, pasensya na, hindi ko sinasadya Histo–I mean Dean, sorry" hinging paumanhin ko sa kanya. Muntik ko pang banggitin ang ipinalayaw ko sa kanya. Haysss




"Ok lang yun, sige pahinga kana" paalam nito at saka lumabas.

Ibinaling ko ang paningin kay Juatin na kasalukuyang nakatayo at hinahawakan ang may bendang paa ko. Luhh anong gagawin nya?? puputulin ba nya ang paa ko??? whaaaaa no!




"Hoy! anong ginagawa mo?" asik ko rito. Hindi sya lumingon sa akin. Dedma. Iniangat nya ng bahagya ang kaliwang paa ko.



"Masakit pa ba?" biglang tanong nya. Nangunot naman ang noo ko dahil dun, ano ngayon sa kanyq kung masakit ba o hindi ang paa ko?? Nang hindi Sya makarinig ng sagot mula sa akin ay seryoso nya ajong tinignan.




Itinaas ko ang kilay ko ng mapagawi ang tingin nya sa akin. Tumingin ako sa kanya ng masama, akala nya nakalimutan ko ang panggulat nya! Baka dahil sa kanya maagang mawala ang dyosa sa mundo?? di joke lang di naman ako dyosa




"Aray!" mahinang sigaw ko ng biglaan nyang ibagsak ang paa ko! Tengene sya!!!!! Kung pwede ko lang sipain ang pwet nya papalabas ginawa ko na, pero dahil nga sa may pilay ako di ko yon magagawa.

"Yan, at least I know na masakit pa ang paa mo" Bwiset sya!!! Paanong hindi sasakit e binagsak nya?!!! Ang paa ko huhuhu!


"Bwiset ka!" sigaw ko sa kanya. Pero ang mokong tumawa lang. Arggh! Nakakainis sya.



"Hinintay ko ang pagdating mo sa bahay, pero gabi na di ka parin dumarating, kaya pumunta ako sa school mo, at nalaman ko ngang andito ka." Kumalabog bigla ang dibdib ko ng sabihin nya iyon. napahawak pa ako sa dibdib ko ng maramdaman ko yun. May sakit ba ako sa puso? No!


"Bakit mo naman ako hinintay?" I asked.



"Wala, boring kasi kaya pagtitripan pa sana kita haha!" Arghhh! Bwiset! kainis! Akala ko pa naman hinintay nya tlaga ako! Kainis talaga sya!!!




"Bwiset ka talaga!" inis kong saad sa kanya. Tumawa ulit sya ng mahina dahil don. Muli kong naramdaman ang pagpintig ng puso ko dahil sa tawa nya. Magpapa check up na ako bukas. Promise!





Umikot sya sa kama ko at pumunta sa tabi ko, sa kanang bahagi ng katawan ko. Sinsundan ko lang ng tingin ang bawat kilos nya. May kakaiba ngayon sa kanya. Parang may nakita akong pag-aalala sa mukha nya. Aisssshhh hindi yan nag-aalala, wala lang mapagtripan kaya ganyan tsk!




Umupo sya sa upuang katabi ng kamang hinihigian ko. Nanatili akong nagmamasid sa bawat kilos nya.




"Mag-iingat ka sa kanya Ely, hindi sya madaling kalaban." pukaw nya sa akin. Nakita ba nya si Eunice?


"Kaya ko sya," blangko kong saad.


"Hindi mo sya kakayanin" muling saad nito. Haysss wala ba syang tiwala sa akin? Oo nga pala, hindi pa nya ako masyadong kilala.





"Aray!" sinamaan ko sya ng tingin ng sapukin nya ang noo ko.



"Wag kang masyadong mag-iisip, magpahinga ka muna." Sabi nito, hinimas ko ang noo kong sinapok nya. Aissssh..



Naramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko, at tila may kuryenteng dumaloy sa katawan ko na nanggalingbsa kanya. Omy! whats that??!!!



May isinuot syang isang bracelet sa akin. Saan naman galing to? ninakaw ba nya??? Tinignan ko ang bracelet na yon. May pangalan.

'LOVE'



yan ang nakasulat don. Ehhhhh???



Nang lingonin ko sya ay nawala na sya. Hinimas ko ang mga malalaking titik na iyon.


Napangiti ako'

My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon