Kabanata 37

363 12 0
                                    

Kabanata 37



"Si Maria Lorna Olivious ay ipinganak noong 1723, hindi ko alam kung anong araw at buwan dahil wala namang nakalagay dito. Ayon pa dito, ninais ng ama ni lorna na ipakasal sya sa isa sa mga pinsan nya, upang makasiguro na maganda ang magiging buhay ni Lorna, although may negosyo naman sila. Nagtalo  si Lorna at ang ama nya tungkol sa kasal, ang hindi alam ng ama ni lorna ay may lihim na syang kasintahan"  mahabang saad ni Dean.




"Ngunit dahil sa nagkasakit ang ama ni Lorna napilitan sya, at pumayag sa nais ng ama, ang ipapakasal sa kanya ay ang pinsan nyang mula sa Europa, tumira daw sa bahay paupahan ang binata dahil nakatakda na ang araw ng kanilang kasal." Pagpapatuloy nya.



"Wait? Anong Pangalan ng kasintahan ni Lorna?" tanong ko.



"Hmmm, sabi dito, si Miguelito Samson ang kasintahan nya." sagot nya.



"Dumating ang araw ng kasal, ang kahilingan ni Lorna. na wag maikasal ay natupad!" ipinatigil ko si Dean.



"Bakit? Anong natupad?"




"Hindi sumipot ang malayong pinsan nya sa araw ng kasal nya, kinabukasan natagpuan nalamang syang patay sa loob ng silid ng inuupahan nya." naramdaman kong tumindig ang balahibo ko dahil don.




"Sinong pumatay?" tanong ko.



"Walang nakakalam kung sino,o ano o bakit sya namatay!, hanggang ngayon ay hindi parin yun nalulutas." mabagal na sambit ni Dean, nangilabot ako.




"Eh anong nangyari kay Lorna?" tanong ko ulit, gusto kong makahukay ng mga impormasyon.




"Ikinasal si Lorna kay Miguelito, at walang nagawa ang ama ni Lorna, nang mamatay ang ama nya ay sa kanya ibinigay lahat ng ari arian maging ang ari ariang naiwan ng pinsan nya. Ang hindi raw alam ng marami ay isang gold digger si miguelito ayon dito, ewan nga lang kung totoo, namuhay sila ng may malaking ari ariang hawak, nang magkaanak sila ay ipinamigay at hinati nila ang kanilang ari arian sa mga anak nila...." pagtatapos ni Dean.




Kung ganon, kung ang LO ay tumutukoy kay Lorna kanino o ano ang tinutukoy ng letrang V at E?





naguguluhan ako.

Maya maya ay may kinuhang aklat ulit si Dean, mas manipis na ito ngayon keysa sa nauna.



"Ah Dean? anong pangalan ng pinsan ni Lorna?"


Marahan nyang binuklat ang aklat at naghanap.

"Sabi dito, may taong nagpakamatay sa loob ng kwarto nya,...ito ba yung namatay sa paupahan? Si Jose....José lang ang nakalagay dito" umiling ako.



"Ikalawa ay pinatay ng isang mestisong chino sa sariling bahay....walang pangalang nakalagay." umiling iling ako, hindi yun.





"Ito yung pangatlo, pinatay o nagpakamatay, natagpuang naliligo sa sariling dugo sa kanyang silid, may sugat daw ito sa bandang noo na halatang ginamitan ng patalim." natigilan ako.
Napatingin sa aking si Dean at tila ba nabasa ang nasa isip ko.




"Ang pangalan nya ay Crisanto Del Valle" saad niya habang nakatingin sa akin, lalo akong napatigalgal sa narinig.



"Kung ganon sya nga ang pinsan ni Lorna? Diba Del Valle ang middle name ni large? at......tinatawag syang Justin ng kanyang ina....."




Napatigil ako. Sinulyapan ako ni Dean at nabasa nya yata ang iniisip ko





"Sya ba ang multo natin dito sa bahay?" tila nahihintakotang tanong nya. Lumingon ako sa kanya.



'....At dahan dahan akong tumango'

A/N: mahaba-haba at marami- rami pang kabanata ahead😂.

enjoy reading!

My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon