Kabanata 53
Papalubog na ang araw, pero naglalakad parin kami, naaamoy ko ang pabangong gamit ni Ising na naghalo sa amoy ng dagat na kasalukuyang binabaybay namin ngayon.
Malalayo ang pagitan ng mga bahay, sapalagay ko'y dito nakatayo ang malawak na palayan na lagi naming dinadaanan ng mga stepbrothers ko pag pumapasok at bumabalik kami galing sa school. Nasan kaya ang bahay nila Corazon? Andon kaya sya? Si Julio?! nabalot ng kaba ng dibdib ko ng isipin ko ang pangalan ni Julio. Nakakatakot!
Kasabay ng huni ng bawat hakbang namin ay sya ring pagsabay ng mga huni ng mga nagliliparang ibon, sumalubong din sa amin ang malamig na hanging nagmula sa dagat.
Malaki nga ang pinagkaiba ng buhay noon at ngayon, larawan ang lugar na ito ng isang kontentong buhay. Parang ang sarap sarap tumira dito, mga kubo pa ang bahay, na yari pa sa kugon ang bubong nito.
"Sa makalawa na darating si Ginoong Crisanto Corazon" eksayted na saad nito, pero para syang kinikilig, oo nakalimutan ko si Justin, hindi ko sya nakita bago ako mapunta dito. Ano kayang itsura nya? ganon parin kaya?
"Oi!sabi ko'y sa makalawa na darating si ginoo?" untag nito sa akin, tinignan nya ako na tila ba may inaasahan syang sagot mula sa akin. Pero tinignan ko lang din sya.
"Nagpapanggap kapang hindi ka natuwa sa ibinalita ko hmp!, e alam ko namang sabik kanang makita sya hahaha!" pang-aasar nito, na syang ikinalaki ng mata ko, ano bang sinasabi nya, oo nga at gusto kong makita si justin pero hindi ako excited.
"Hindi ah" pagtanggi ko, tumawa lang naman sya at iwinagayway ang hawak hawak nyang maliit na pamatpat.
"Naku, tanda ko pa ang iyong tinuran sa isinatitik mong isang taludtod lamang na tula" nakangiti nitong saad, tumigil sya sa gilid ng kalsada kaya ganon din ang ginawa ko, mas matangakad pa pala ako sa kanya.
"May sinulat ba akong tula? Anong sabi don?" naguguluhan kong tanong, may sinulat na tula si Corazon. Sapalagay ko'y tatanggapin ko muna pansamantala na nandito ako sa mundo ni corazon.
"Maiksi lamang iyon, ngunit punong puno ng kahulugan" tila kinikilig na saad nito.
"Oh iniibig kong ginoo
Tila isa kang paru-paro
Sa dami ng bulaklak na pagpipilian mo...
Sa halip na sa akin dumapo
Sa kanya ka nagtungo" natawa ako ng banggitin nya iyon, with matching acting pa. Hahaha! ang cute nya habang nagkukunwaring nasasaktan."Ang ganda namang ng tula" komento ko.
"Ikaw ang nagsulat ng tulang iyon, sabi mo pa nga'y para ka'y ginoong Crisanto iyon." nakangiti nitong saad, nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil don, kahit hindi naman talaga ako ang nagsulat non ramdam ko kung ano ang damdaming nakapaloob doon. Nasasaktan si corazon.
"Halika na! Umuwi na tayo!" saad ko at nauna ng naglakad, Lumingon ako sa likod ko at nakita kong nakatayo parin si Ising habang may mapanuyang ngiti sa labi na nakatingin sa akin. Kinunotan ko sya ng noo dahil don, kinikilig ata sya!
"Nakakalungkot, nakatakda na pala ang kanyang kasal" malunhkot na saad nito ng tuluyan ng makasabay sa paglalakad ko.
"Sino?"
"Si ginoo, hindi ko gusto si Lorna para sa kanya." nakasimangot na saad nito, kung ganon hindi parin nangyayari ang kasal ni Justin, may panahon pa ako para mahanap kung sino ang pumatay kay Justin, hmm gagamitin ko ang pagkakataong ito, para mahanap ang taong pumatay sa kanya, pero hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito.
"Ah Ising, magkaibigan ba tayo?" pang-iiba ko, baka makatulong sya sa akin habang nandito ako.
"Aba' y oo, magkasama na tayong lumaki, sapagkat katiwala ng iyong pamilya ang aking ama, maging ang nauna pa naming mga ninuno ay naninilbihan na sa inyo" Kung ganon, mayaman pala sina Corazon?
"Ah, kayo lang ba nag naninirahan dito sa lugar na to?" tanong ko ulit, mukhang hindi na nya ininda ang paraan ng pananalita ko. Kapag magtatagal ako dito, kailangan ko munang alamin ang buhay nila dito, para makasabay ako sa kanila.
"Taon taon ay may mga dayuhang pumaparito dito, may taunang pyistahan dito hindi ba? hindi bat sa pyistahan mo nakilala si ginoo eeeee" kinikilig nitong saad, sa halip na ako ang mamula ay sya na itong pulang pula dahil sa kilig.
Ano kayang itsura ni Justin pag wala yung peklat nya sa taas ng kilay nya? Sapalagay ko'y maraming babae ang nahuhumaling sa kanya. Ilang taon na kaya sya? lihim akong napangiti sa mga pumasok sa isip ko, bigla ay nagkainteres akong malaman kung paano nagkakilala sina Justin at Corazon.
"Halika na at umuwi na tayo" anyaya nya sa akin at hinuli ang braso ko at inarko ang braso nya sa akin. Napangiti ako. Ganito ba kasimple ang pamumuhay nila noon?
Sinasaktan parin kaya si Corazon ng kanyang ama? gusto ko syang makita!
—
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Mystery / Thriller"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018