Kabanata 43
"Ano ang bilin ko sa iyo?!" pasigaw na sabi nya. Ano bang binilin nya sa akin wala naman ah?. Napalunok ako ng mapadako ang mga mata ko sa kanya ay naroon ang galit na nakita ko sa rebulto kanina. Akmang sasagot na ako ng may naunang sumagot sa akin.
"Ama...." saad ng papaiyak na boses sa likod ko, lumingon ako sa likod ko, at nakatayo roon ang isang batang nakayuko. Ibig sabihin hindi ako ang tinatanong nya? tumagilid ako upang malaman ko kung hindi nga ba ako ang tinutukoy ni Julio, at tama nga ako, sa bata sya nakatitig ng masama.
"Dumapa ka dito!!" matigas ngunit galit na boses ang umalingaw ngaw sa buong silid na ito.
"Ama.. patawad! hindi na po mauulit!" iyak ng bata at nag angat ng tingin, gayon na lamang ang paglaki ng mata ko ng makita ko kung sino ang umiiyak!
Si Corazon...., umiiyak habang nakasiklop ang mga palad nya na tila ba nagmamakaawa. Napasigaw ako ng hinablot ni Julio ang mumunting braso ni Corazon, at ipinada sa lapag.
Nakataas pa ang ulo ni Corazon at nagmamakaawang wag ituloy ang anumang parusang igagawad sa kanya.
"Hindi ba't hindi kita pinahintulutang pumunta sa silid ni Crisanto?!" sigaw ng ama, at dumapo sa likod ni corazon ang pamatpat na alam kong magkakaroon ng bakas. Napaigik naman si Corazon ng maramdaman ang tumama sa likod nya.
"Hindi na po mauulit ama, patawad po! patawad! patawad po ama!" paulit-ulit na sambit nya sa kanyang ama, habang patuloy paring lumalapat sa kanyang kikod ang bagay na iyon.
Sinubukan kong hawakan ang kamay ni Julio upang pigilan ang muling pagdampi ng marahas na pamatpat na iyon, ngunit hindi ko sila mahawakan! Muling napadaing sa sakit si Corazon, naawa ako! pero wala akong magawa!
Naramdaman ko ang masaganang pagbuhos ng mgaluha ko habang pinapanuod lamang ang parusang ipinataw kay Corazon.
"Tama na! pakiusap!maawa ka sa kanya!" sigaw ko ngunit hindi ito natinag, parang hindi nya naririnig ang pagsigaw ko.!
Muli akong sumigaw at nagbaka sakaling madinig nya ako, ngunit bigo parin ako. Namaos na ako sakakasigaw na wag nang ilapat pa ang pamatpat sa muntinf katawan ni Corazon ngunit hindi parin nya tinigilan si Corazon!
"Elyyyy?" dinig ko ang pagtawav sa akin ni Justin ngunit hindi ko na ininda pa iyon, ang mahalaga ay si Corazon!
Patuloy parin ang pagtatangka kong pagpipigil dito, sumisigaw parin ako at nagbabakasakaling may makarinig sa akin sa labas, upang matulungan si Corazon!
"Elyyy?!" narinig ko pa ang pag-aalalang boses ni Justin.
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko ng makita kong muling dumaing sa sakit si Corazon!
"Huwag! maawa ka sa kanya! pakiusap!" sigaw ko pa kay Julio!
Muli sana akong sisigaw ng may maramdaman akong malambot na bagay na nakalapat sa labi ko.
Mukha ni Justin ang tumambad sa akin, nakita ko ring bumalik sa dati ang ayos ng bahay, wala na rin si Corazon at Julio!
"Shhh, Im here!" saad ni Justin habang nakalapat parin sa akin ang labi nya. Naramdaman kong tumulo ang luha ko. Anong nangyari?
Nakaramdam ako ng pagbigat ng talukap ng mga mata ko. Narinig ko pa ang pagtawag ni Justin sa pangalan ko bago magdilim ang lahat.
"Elyyyyyyyy!"
—
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Misterio / Suspenso"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018