Kabanata 63
Hanggang ngayon ay di ko parin makalimutan ang nangyari kagabi, ang dalawang taong humahabol sa akin at ang mga balak nila at ang pag-uusap namim ni Justin. Mabilis kong pinutol ang iba pang iisipin ng maalala ang tagpuang iyon. His eyes, his pointed nose, his perfect kissable lips and a perfect jawline, lahat ng yun ay nakita ko kay Justin noong nasa present pa ako. Ang ipinagtataka ko lang, bakit pakiramdam ko'y magkaibang tao sila? ang weird.
"Aray!" napadaing ako ng sikohin ako ni Ising sa gilid ko, kaya simaan ko sya ng tingin, narito kami sa palengke ng bayan, sinamahan ko si Ising na mamili ng panghapunan namin mamaya. Tinignan ko si Ising ng may itinuro sya sa tindahan ng rootcrops sa kabilang kalsada gamit ang nguso nya.
"Bawal ang magturo gamit ang daliri, pagkakamalan kang may binabalak" bulong nito sa akin, siguro si Ising ang pinagmulan ng mga pilipinong nagtuturo gamit ang labi. Diba'y isa yon sa sign na isa kang Pilipino?
Muli kong tinignan ang taong inginunguso ni Ising, pinandilatan ko ng mata si Ising ng malaman ko kung sino ang itinuturo nya na kasalukuyang nakatayo sa tindahang iyon at masayang nakikipag-usap sa tindera. Shocks! Bakit andito sya? Bigla tuloy akong kinabahan.
"Eeeeehhh, napakakisig talaga nya hindi ba binibini?" kinikilig na saad ni Ising habang nakatingin kay Justin. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko ng magtam ang tingin namin ng mapagawi ang tingin ni Justin sa pwesto namin. Puso! mag pacheck kana, mukhang hindi ko kakayanin pa ang tibok ng puso ko ngayon.
Namula ako ng nginitian ako ni Justin, oh shit! ayoko na! wala na nahulog na ang puso ko! waaahh!
"yieeeee, mukhang may inililihim ka sa aking hindi mo sinasabi binibini?" mapanuksong tanong ng katabi ko. Tinignan ko sya at nginisihan naman nya ako.
"Wala" saad ko habang pinipigilan kong wag ngumiti dahil sa tuwang nararamdaman ko ngayon.
"Malalaman ko rin iyan binibini" siguradong saad ni Ising. Lihim lang akong ngumiti.
"Mamimili na nga tayo" usal ko sa kanya na ikinasimangot naman nya. pangiti-ngiti akong tumingin sa tindahan ng gulay na nasa harapan ko. Parang wala na akong ganang bumili ngayon. Nang maramdaman kong may mga matang nakatingin sa akin ay iniangat ko ang tingin ko at sa kabilang kalsada ulit napadako ang mga mata ko. Nagtagpo ang mga mata namin ni Justin, hindi naman magkamayaw ang tibok ng puso ko dahil sa sayang nararamdaman. Ganito ba pag inlove? Ilang minuto rin ang itinagal ng pagtitinginang iyon dahil ako mismo ang nag-iwas ng tingin ko ng may lalaking kumausap sa kanya.
"Tama na siguro ang mga ito binibini" rinig kong saad ni Ising habang nakatingin sa basket na may mga lamang gulay na pinamili namin.
"Oo, its oka–ang ibig kong sabihin baka tama na nga yan" sagot ko sa kanya. Muli kong nilingon ang pwesto kanina ni justin, pero wala na sya don, siguro'y sumama sya sa lalaking lumapit sa kanya kanina. Napasimangot ako dahil don.
"Tila yata hindi maganda ang iyong araw binibini?" rinig kong boses sa likuran ko. Parehas kaming humarap ni Ising sa likuran at nakatayo roon si Poncio, habang may nakapaskil nangiti sa kanyang labi. Hindi ko alam pero parang kumulo ang dugo ko sa kanya, hindi naman ako galit sa kanya, pero bakit umiinit ang dugo ko?.
"Hindi naman" maikli kong sagot at saka tumingin sa babaeng nasa likuran nya, napansin nya atang nakatingin ako doon kaya ipinakilala nya ang babae.
"Ito nga pala si Senya, ang aking nakababatang kapatid" pakilala nya, ngumiti naman ang babae sa amin at sya na mismo ang nagpakilala sa sarili nya.
"Kakarating ko lang mula sa maynila, ako si Senya Villamar, ikinagagalak kitang makilala Corazon, pati rin sa iyo" nakangiti nyang saad sa amin ni ising, mukhang mabait naman sya, kaya ngumiti narin kami sa kanya.
"Ang pamilya Villamar ang ikalawa sa may malaking angkan dito sa ating bayan Corazon, una ang Del Valle" bulong ni Ising sa likod ko. Hmm, kaya pala ganon kalaki ang bahay nila.
"Kayo ba ay uuwi na?" untag ni Poncio sa amin.
"Oo, kaya paalam ginoo, maging sa iyo binibini, mauuna na kami" si Ising na ang sumagot ng mapansin nyang hindi ako komportable sa prisensya ni Poncio. Bahagya akong kinurot ni Ising sa tagiliran, kinikilig na naman to panigurado.
"Sasamaha–"
"Hindi na ginoo, hindi naman yata tamang iwan mo ang iyong kapatid para sa amin, lalo na't kakarating lamang niya" lihim akong pumalakpak ng marealize ko kung paano ako nagsalita. Parang katulad narin nila yieee.
"Kung ganon, patawad kung hindi ko kayo masasamahan" magalang na wika nito.
"Wala iyon, sige na at mauuna na kami" pagpapaalam ko sa kanila, sabay naman silang yumuko tanda ng pagsang-ayon.
"ANG KISIG talaga ni Ginoong Poncio" saad ng katabi ko, habang tinatahak namin ang daan pauwi. Tumingin ako sa kanya, nakatingin sya sa langit na parang nag-iimagine. Bigla ay pumasok sa isip ko si Justin, nasan na kaya yon?, bigla nalang nawala kanina e.
Dahil sa pag-iisip ay sinipa ko ang maliit na batong nakita ko sa daraanan ko, bigla ay parang nakita ko na ang pangyayaring ito, yung sinipa ko ang bato tapos may tinamaan ng batong sinipa ko.
"Aray!" napalaki ang mata ko dahil sa daing na narinig ko, maging si Ising ay napatigil sa pag di-daydream dahil mukhang narinig din nya ang daing naiyon. Napatingin kami sa harapan namin at ang taong hinahanap ko ang bumulaga sa amin habang hawak hawak ang paa nya.
'Shit!'
—
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Mystery / Thriller"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018