Kabanata 74
"Wag nyo pong gawin sa akin to ama!" pagmamakaawa ko sa harapan ni Julio.
"Hindi ka makikipagkita kay Crisanto mula ngayon Corazon, naiintindihan mo ba ako?"
"Ayoko! Mahal ko si ginoong Crisanto! wag nyo pong gawin to!" pakiusap ko pa sa kanya.
Nakikita ko sa gilid ng mata ko ang nagsasayang si Ronaldo sa mga sinabi ni Julio.
"Hindi ka ba nakikinig sa akin? Hindi ka makikipagkita kay Crisanto mula sa araw na to! Kaya't pumasok kana saloob ng silid mo Corazon!"
"Ayoko!" bumuhos na ang luha ko dahil sa sinabi nya. Akmang tatakbo na ako palabas ng mabilis akong hinawakan sa braso ni Ronaldo.
"Bitawan mo ako! napakasama mo! Bitawan mo ako!" Humihikbi ako habang kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak sa akin.
"Sige na Ronaldo, dalhin mo na siya sa Kanyang silid. Huwag ka ng tumutol corazon!" mas lumakas ang hikbi ko sa sinabi nya. Kaya'y nang makawala akk mula sa pagkakahawak ni Ronaldo ay dali dali kong niyakap ang binti ni Julio ng palabas na sya ng bahay.
"Pakiusap, wag nyo pong gawin sakin to. Mahal na mahal ko po si ginoong Crisanto ama! Siguro ngay napakabata ko pa para sa bagay na ito, ngunit kusa ko iyong naramdaman sa kanya, kaya sana hayaan mo akong makasama sya, wag nyo pong ipagkait sa akin ang kaligayahan ko! dahil alam kong magiging pansamantala lamang ng lahat ng ito, sa oras na makabalik na ako sa dati" umiiyak na ako hahang nakayakap sa kanya, binulong ko lang ang huli kong sinabi.
"Halika kana Corazon" hinila na ako ni Ronaldo palayo kay Julio na nanatiling nakatayo sa may pintuan. Papalayong bulto na lang ni Julio ang nakita ko habang pinapasok ako ni Ronaldo sa loob ng kwarto ko. Tuloy-tuloy parin ang pag-agos ng luha ko ng tuluyan na akong pinasok sa loob ng silid.
"Ngayon ay nasisiguro ko nang hindi ka na makukuha ni Crisanto" nag-angat ako ng tingin sa kanya at matalim syang tinignan.
"Hindi mo parin ako mapipigilang umibig kay Crisanto!" sigaw ko sa kanya. Ngumiti sya at tuluyan ng humalakhak ng malakas. Nakakatakot sya ngayon, dahil mukha syang demonyo ngayon.
"Sa tingin mo ba'y hahayaan kita?" mapaglarong sabi ni Ronaldo sa akin. Nagtagis ang bagang ko dahil don.
"Bakit mo ginagawa sa akin to?, hindi ka pa ba nagsasawang pahirapan ako?!" sigaw ko sa kanya. Lumapit sya sa akin kaya napaatras ako ng di oras. Naninindig ang balahibo ko ngayon dahil sa presensya nya.
"Katulad ng isinatinig ko na noon sa iyo Corazon, hindi ko hahayaang ma angkin ka ni Crisanto, sapagkat akin ka lang, Corazon, akin ka lang!"
"Baliw kana!" sigaw ko sa kanya. Hinawakan nya ng mahigpit ang panga ko dahilan upang mapasandal ako sa pader. Pinilit kong makawala sa hawak nya.
"Oo Corazon! baliw ako! kaya nga hindi ko hinayaang ilayo ka sa akin ni Teresa nong tangkain nyang umalis kasama ka hahaha" Malademonyong tawa nya, na nagpaginig ng kalamanan ko.
"Anong ginawa mo sa aking ina?" nahihirapan kong tanong sa kanya.
Binitawan nya ang panga ko, at lumayo ng konti sa akin, hinimas himas ko ang panga ko at ramdam kong namumula na ang panga ko, baka nga may bakas na rin ng kanyang kamay ang panga ko dahil sa higpit ng pagkakapit nya sa akin.
"Itanong mo iyan kay Crisanto, natitiyak kong pasasalamatan mo ako sa oras na masagot nya ang tanong mo" nakangisi nyang saad.
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong saad.
"Tuklasin mo iyon kung nais mong malaman ang ibig sabihin nyan" Makahulugan nyang saad sa akin. Ngumiti sya sa akin ng malademonyo.
Suminghot ako upang pigilan ang nagbabadya kong luha.
"Umalis ka rito!" sigaw ko sa kanya.
Ngumisi lang sya sa akin at nagsalita pa sya bago lumabas at lapitan ang pintuan palabas ng silid ko.
"Ngayon ay hindi kana makakawala pa sa akin. Aking Corazon!"
Tumalikod ako at pinunasan ang luhang tumulo sa mata ko. Maya-maya ay narinig ko ang pagbukas muli ng pintuan.
"Ayaw kitang makita Ronaldo!"
"Ako ito binibini" napaharap ako ng marinig ang boses ni Ising. Dali dali ko syang niyakap at humikbi sa balikat nya.
"Ising!" mahinang bulong ko sa tenga nya.
"Huwag kang mag-alala binibini, tutulungan kita, kakausapin ko si ginoong Crisanto" pagpapakalma nya sa akin.
"Baka malaman nila ang gagawin mo?" nag-aalala kong tanong ng makawala ako sa yakap nya.
"Mag-iingat ako Corazon, dapat itong malaman ni Ginoong Crisanto" saad nya ulit sa akin. " Lalabas na ako, ngayon ay pupuntahan ko na si Ginoo" saas nya ng nakangiti. Pilit akong ngumiti sa kanya.
"Mag-iingat ka Ising" isang beses ko pa syang niyakap ng mahigpit. Bago sya tuluyang lumabas ng kwarto.
Napatingin ako sa labas ng bintana at tinignan ang maaliwalas na ulap.
Mukhang nagsisimula na ang hamon sa akin ng tadhana sa pagpunta ko rito.
—
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Mystery / Thriller"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018