Kabanata 17

448 17 0
                                    

Kabanata 17

"Andito na tayo!" mahinang sigaw ni Sleepy, himala at hindi sya naktulog ngayon.




Kinusot ko ang mga mata ko at tumingin sa labas, malalim parin ang gabi. Ipinahid ko ang mga palad ko sa mukha ko. Haysss..





"Hindi ka ba bababa?" tanong ni josh habang nakakunot ang noo. Ano na namang problema nya? Kainis to!




"Kuya, mamaya na lang kami bababa, may sasabihin pa ako sa kanya." singit ni Historian na nasa likod ko parin pala. Ano na naman ang sasabihin nya? hinanap ko sa gilid ko si Justin, pero wala sya.





Grabe matapos gawing unan ang balikat ko biglang mawawala?!!!tsk! bwesit talaga yun.






"Nakakatakot yung kanina, grabe! whoa! akala ko matatanggal na ang kaluluwa ko don" natatawang saad ni Dean, hindi ko namalayang nakaalis na pala sina Josh at Ian, grabe iniwan kami dito! Bumaling ako kay dean na kasalukuyang hinahawakan ang dibdib nya.






"Histo- I mean dean may mga nabasa kaba tungkol sa lugar na to?" tanong ko, nako-curious ako sa nakita ko kanina!





Umiling-iling sya







"Hindi ko pa nahahanap ang librong hinahanap ko yung second edition, hahanapin ko pa yun tiyak may mababasa ako, kasama na yung nakita natin kanina" saad nya habang hinihimas ang buhok.







Hanggang ngayon ay tumataas parin ang balahibo ko sa taong nakita ko, sheeett grabe! Ano naman ang gagawin ng taong yun sa gitna ng dilim? at tulog na ang halos lahat ng tao? nakakapagtaka!





"El? pasok na ko sa loob ha? kaya mo bang maglakad?" tanong nya. Tinignan ko muna ang mga paa ko bago ako tumango sa kanya.






Ngumiti naman sa akin si Dean at saka naglakad na papasok sa loob ng bahay.

Isang katahimikan ang bumalot sa akin. Tinignan ko ang buong bahay. Mababakasan iyon ng isang masayang tahanan.




"Ang bahay na yan...." napatingin ako sa nagsalita. Its Justin. Nakatingin sya sa bahay habang nakasandal sa kotse.




"Hindi sya matatawag na tahanan." pagpapatuloy niya sa sinabi nya.


"Bakit?"


"Kasi dating paupahan yan," mapait syang ngumiti. Tila ba ay may naalala sya.



"At nangupahan ka don?" kuryosidad kong tanong. Tumango naman sya sa sinabi ko.




"Tapos...." mahinag saad nya

"Tapos? may nangyari sayo?" tanong ko ulit Hindi sya sumagot. Nakatitig lang sya sabahay.




"Oi! ano? anong nangyari? tapos?" tanong ko sa kanya. Tumawa lang sya sa akin. Haiss kainis naman!



"Wag ka nang matanong" sabi nya. ehhhh nu ba yan? malalaman ko na eh!




"Ehhh, sige na ikwento mo na!" asik ko sa kanya" bahagya syang tumawa.




"Sa susunod na lang Ely" saad nya.





"Promise?"



"Promise."



Ngumiti ako dahil don. At least ikwekwento nya!






"Halika na, pumasok na tayo sa bahay natin." Aya nya.





Napangiti ako sa huling sinabi nya.


'Bahay natin'

-

My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon