Kabanata 30

379 12 0
                                    

Kabanata 30


Lumingon ako sa sasakyang paparating, yung kotse sa bahay. Dumungaw sa labas ng bintana si Dean at iwinawagayway ang kaliwang kamay sa akin.








Tumabi ako ng kunti, dahil may balak yatang sagasaan ako ng taong nagmamaneho, at alam kong si Joshua lang yun











"Elyyy! nakow! lagot ka! nag aalala sayo si mama, pinagalitan pa kami dahil wala ka pa sa bahay," untag ni dean sa akin. Lihim akong napangiti ng tawagin nyang mama ang mom ko.









"Kahit kailan sakit ka talaga sa ulo! ano bang pumasok dyang sa kokote mo at kung saan saan ka nagsusuot!!! alam mo bang sobrang nag-alala sayo ang mama mo!!" asik sa akin ng kakalabas lang sa kotse ni Sleepy, Here we go again, hindi ko alam kung bakit ang init lagi ng ulo ni sleepy saakin?!!











"Sorry, nakalimutan kong sasabay nga pala ako sa inyo" nakayuko kong saad, ayoko nang away, gusto ko nang magpahinga at humiga na lang sa kama.








"Tsk! tara na!!"Joshua said. Sumunod ako sa kanya papasok sa kotse, sa frontseat ako umupo dahil ayaw na ayaw ni Sleepy na magmukhang driver namin which is totoo naman dahil nag dadrive talaga sya.










Tumingin ako sa bintana, at nakita kong andon pa si Historian na nakatayo sa pwesto ko kanina at nakatingala, anong ginagawa nya??








Ginagaya ba nya kung paano ang pwesto ko kanina nong nakatingala pa ako bago mawala si Justin?? Ehhh.










oo nga pala biglang nawala ang kalukuwang iyon, akala banya matutuwa ako paghinalik- ehhhh??? so may balak nga syang halikan ako kung hindi lang dumating yung stepbrothers ko?? Bigla akong namula nang maalala iyon. Nakakahiya!








"Dean, Halika na, para kqng baliw sa ginagawa mo!!" sigaw ni Sleepy sa kapatid. Agad namang tumalima si Dean at sumakay sa likuran. Tinignan nya ako na tila ba may kasalanan ako sa kanya, ngunit hindi ko na yon pinansin. Pakiramdam ko'y pagod na pagod ako.








Ngayon ko lang narealize na ang layo na pala ng nilakad namin ni Justin. Kaya pala parang sinusukat ni Dean yung distansya mula sa streetlights na kinatatayuan namin kanina hanggang sa school namin na ang krus na lang ng simbahan ang natatanaw, Di ko napansing malayo na pala kami mula sa school.









Nagtataka ako kung bakit hindi ako nakaramdam ng pagod sa paglalakad at ngayong naupo lang ako saka ko naramdaman ang pagod. Marahil ay dahil sa kausap ko si justine. Ipinikit ko ang mga mata ko. Pagod na pagod talaga ako.











Marahan kong ibinaba ang dala dala kong bag ng makapasokna ako sa kwarto ko.  Nakarating na kami sa baha at ayon nga nagalit si mama, buti na lang at di nya ako binigwasan.











Tinanggal ko ang sapatos ko at umupo sa kama. Bakit hindi na ako nakakaramdam ng antok?










Ayokong ipikit ang mga mata ko dahil baka biglang mapanaginipan ko ulit ang napanaginipan ko.  Humakbang ako papunta sa bintana, pumapasok sa loob ng kwarto ko ang liwanag ng buwan at ito ang pinakagusto kong bahagi ng kwarto ko.










Naupo ako sa bintana, katulad ng pag-upo ni Justin dito noong unang bess ko syang nakita. Nakakrelax, tumatama sa akin ang simoy ng hangin. Marahil ay ganito rin ang nararamdaman ni Justin kapag nararamdaman nya ang pag-iisa. Hindi ko pa nga pala alam kung kailn sya namatay at mukhang wala syang balak sabihin sa akin iyon.






Ipinikit ko ang mga mata ko at isinandal ang ulo sa likod.






Nakaramdam ako ng ibang presensya pero hindi ko na binuksan ang mga mata ko, dahil alam kona kung sino yun.




My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon