Kabanata 60
Inis akong naglakad papunta sa prosisyon ng parada. Nakakainis! Hindi pala sya ang partner ko! kundi yung kasama nya. Kahit gwapo sya ngayon nakakainis parin sya. Sinamaan ko ng tingin si Ising ng mahina syang tumawa na nasa gilid ko.
"Ano ang gumugulo sa iyong isipan at tahimik ka?" saad ng katabi ko, si Juancho ang matalik na kaibigan ni Ginoo.
Itinaas ko ng kunti ang laylayan ng suot ko ng muntik na akong matisod, bago sumagot. "Wala" maikli kong sagot sa kanya. Naiinis ako!
Pinatugtog nila ang gong tanda na nagsisimula na ang kasiyahan, hinintay lang namin ng umusad sa paglakad ang nasa harapan namin para makasunod kami. Nasa harapan namin si justin, and guess what? kapareha nya yung fiance nya. Hindi ko maiwasang mainis, nag expect pa naman ako, nakakahiya!
Ang nakakainis pa, yun lang ang sinabi ni Justin nong humarap sya sa amin tapos sinamahan lang pala nya si Juancho papunta sa akin. Pakiramdam ko'y May kung anong napunit sa loob ko.
"Masakit?, haha! ang buong akala ko'y hindi kabilang si Lorna sa mga gaganap na lakambini" bulong ni Ising sa tenga ko. Napasimangot ako.
"Nalalapit na ang kanilang kasal, natitiyak akong masaya si ginoong Crisanto, lalo na ang ama ni Lorna" nakangiting saad ni Juancho sa tabi ko, pakiramdam ko'y libong punyal ang tumarak sa dibdib ko. Napagawi ang tingin ko sa harapan namin, nakatalikod sila sa amin. Mula rito ay kitang kita ko ang tindig ni Justin. Kahit nakatalikod sya, sapat na iyon para makapang-akit ng mga babae.
"Magkasama ba kayong lumaki?" I asked from nowhere habang nakapako parin ang tingin sa kanila.
"Oo, sa Europa kami lumaki, nagtungo kami rito noong matapos namin ang aming pag-aaral sa sekondarya." sagot nito. "At ngayon nga'y itatakda na ang kanyang kasal" nakangiti pang saad nito. Mapait akong ngumiti. Minsan, hindi ko na alam kung ako o si Corazon ba ang nakakaramdam ng mga nararamdaman ko. Nalilito ako.
Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nakatitig kay Justin habang nasa parada kami.
"BINIBINI" napatayo ako mula rito sa inuupuan kong damo ng may batang sumulpot sa harapan ko.
"Bakit?" mahinhin kong tanong. Napangiti ang bata at tumabi sa akin. Siguro ay nasa limang taong gulang na sya.
"Hindi ko ho mahanap ang aking ina" humihikbi nitong saad. Nataranta naman ako dahil don. Nawawala ba sya?Lalo akong nataranta ng makita kong tumatangis na sya.Oh No!
"Sssshh okey, uhm halika hanapin natin ang iyong ina"
Napaangat naman ng tingin ang bata at inilahad ang dalawang kamay sa harapan ko. Mabilis ko syang binuhat at iniangat. Ang cute nya! May kapareho sya ng mata, hindi ko nga lang alam kung saan ko nakita.
"Binibini?doon po tayo?" turo nito sa malawak na maisan na may mga trabahador na nagtatrabaho. Lumingon ako sa paligid ko, malawak namaisan pala ito. Hindi ko alam kung bakit ako napunta dito sa gitna ng maisan. Kagabi natapos ang pyiesta, at ayoko ng isipin iyon dahil nababadtrip lang ako.
"Anong pangalan mo?" tanong ko sa bata.
"Dencio po Binibini" saad nya sabay yuko. Ang cute ang bata pa pero magalang na. "Marahil ay naroon po ang nakakatanda kong kapatid?!" turo nya sa isang kumpol ng mga taong umaani ng mais. Agad naman akong naglakad patungo roon.
"Dencio!" sigaw ng pamilyar na boses.Napalingon ako sa nagsalitang iyon. And there he is, standing while staring at us. Mabilis na kumawala sa akin si dencio at pumunta kay Justin. Malugod naman itong tinanggap ni Justin.
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Mystery / Thriller"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018