Kabanata 15

490 18 0
                                    

Kabanata 15

Malalim na ang gabi, kasalukuyang nagbabyahe kami pauwi sa bahay. Tulog na si Dean na nasa kaliwa ko. Habang nasa unahan naman si Josh at si Ian. Napalingon ako kay Dean na natutulog, tipid akong ngumiti ng makita kong payapa syang natutulog.


Mukhang kakailanganin ko qng batang ito sa mga bagay bagay na gusto kong malaman. Hmm...


Nakaramdam ako ng pagbigat ng talukap ng mata ko, inaantok na ako. Bakit kasi ang tagal mag pa discharge ng doktor, e di sana maaga kaming nakauwi. haysss...




Natigilan ako ng maramdaman kong tila bumigat ang kanang balikat ko. Napalingon ako, at putek!!! nakapatong lang naman ang ulo ng mokong sa balikat ko. Ginawa pa akong unan ng kaluluwang to!




"Hoy! Alis! mabigat" bulong ko sa kanya. Pero di sya umimik. Feel na feel ang loko!

Sinulyapan ko ang mukha nya at nakita kong nakapikit na ang mga mata nya, Napatingin ako sa scars nya. Ano kayang nangyari sa kanya? Paano sya namatay? Hinaplos ko ang peklat na iyon. Mababaw lang sya pero sapat na ang lalim upang maging sugat at maging isang peklat.




Hindi sya nagkukwento tungkol sa buhay nya nong nabubuhay pa sya. Ang sabi sa akin ni Dean, may mga kaluluwang hindi na raw maalala kung paano sila namatay, meron din naman daw kaluluwa na kung ano ang ayos ng isang bahay o lugar na nakita nya nong panahon nya ay yun parin ang nakikita ng kalukuwa kahit na binago na ito sa kasalukuyan.






Baka hindi maalala ni Justin kung paano sya namatay, pero sapalagay ko'y hindi. Naaalala nga nya kung ilang daang taon na syang nakatira don sa bahay. Sa tingin ko'y ayaw nya lang ikwento ang tungkol sa buhay nya.


Muli kong sinulyapan ang mukha nya, maamo ang mukha nya sa wari ko'y nasa highschool din sya kung nabubuhay lamang sya ngayon.


Halatang mayaman sya nong panahon nya, dahil yung damit na gamit nya ay nalaman kong mga royal family lamang ang nagsusuot niyon. Maganda siguro ang buhay nya noong kabataan nya? Nagbuga ako ng isang malalim na buntong hininga sa isipang iyon.




Napalingon ako sa labas ng bintana ng kotse, kabahayan ang nakikita ko na may mga panaka nakang ilaw ang nasa loob. Marami din palang bahay dito, hindi nga lang malapit sa bahay namin dahil nasa looban pa ang sa amin.




Kahit hindi ko nararamdaman ang hangin sa labas, alam kong malamig iyon. Malalim ang gabi, bahagyang nakabukas ang bintana ng kotse kaya naririnig ko parin ang huni ng mga kuliglig. Sumasabay pa rito ang paglagalas ng mga dahon sa pamamagitan ng pag-ihip ng hangin.





Tahimik ang paligid, kung ganitong gabi ay iisipin ng mga dayuhan na isa itong tahimik na bayan. Pero sa palagay ko'y hindi. Nakakalat parin ang mga kaluluwang humihingi ng tulong at hindi pa sumasama sa liwanag.




Napasinghap ako ng maramdaman kong isiniksik ni Justin ang ulo nya sa leeg ko. Taena!!

-

My Love From 18th Century ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon