Kabanata 51
"Ano?!Yabang mo!" asik ni Andrea kay James. Papalagpas na kami sa gate, pero hanaggang nagayon patuloy parin ang dalawa sa away nila.
"Hahaha!, tignan mo yung mukha mo, ang epic! hahaha!" tawa naman ni James, parang gusto ko silang iwang dalawa, pakiramdam ko'y nagiging sagabal ako sa pag aasaran nila. Baka nga pag wala ako magkutusan na sila haha!
"Chee!" irap ni Andrea, tumawa naman si James. Masaya ako dahil mukhang nakatulong nga kay James ang bakasyon nya dahil parang hindi na nya iniisip si Eunice.
"Ah, Punta muna ako sa kabilang kalsada, may bibilhin lang" paalam ko sa dalawa na patulot parin ang asaran, sabay naman silang napalingon sa akin.
"Sasama ako!" sabay nilang saad.
"Oy! Di ako nainform nagpractice pala kayo, sabay talaga?! haha!" tawa ko sa kanila. Parehas naman silang nagbigay ng matalim na tingin sa isa't-isa.
"gaya gaya!" sabay ulit nilang sabi. Hahhaa!
Palihim akong umexit sa pagitan nila, habang patuloy naman ang sagutan nila haha! Napapaisip tuloy ako kung bakit nagustuhan ni James si Eunice? Bakit hindi si Andrea yung niligawan nya gayong di hamak na mas mabait naman si Andrea keysa kay Eunice. Siguro'y kay Eunice sya tinamaan hahaha!
Lumingon ako sa kaliwa ko, ng tatawid na ako sa kalsada. May bibilhin lang ako, nakakita kasi ako ng isang barcelet na pwedeng iguhit ang pangalan mo don, wala lang nagustuhan ko lang iyon.
Narinig ko ang sigaw nina Andrea at James ng tuluyan na akong nakatawid mula sa kalsada. Ngunit nagkunwari akong hindi ko sila narinig, bahala sila don, baka magkamabutihan pa sila haha!
Mabilis akong pumunta sa tindahang nakitaan ko ng bracelet na iyon. Napangiti ako ng ilang sandali lang ay nakita ko na ang tindahang iyon.
"Anong ginagawa mo dito?!" mahina kong bulong ng may maramdaman akong presensya sa likod ko, hindi ko na sya nilingon, dahil alam ko na kung sino yon.
Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Hindi ko na iyon pinansin at pumili na ng bibilhin ko. Nakita ko ang isang kulay violet na bracelet, napangiti ako ng tignan ko itong mabuti, ang ganda! hindi ko madescribe. May ganon ba? sa sobrang ganda di mo na mailarawan? Oo meron ako haha!
Hindi ko alam ngunit ramdam kong hindi umaalis sa likod ko si Justin. Ano na namang trip ng kaluluwang to??
Tinignan ko ang oras sa wristwatch ko, at 4:30 napala ng hapon, asan na kaya ang tatlo kong kapatid? Baka tama nga si Andrea, baka sinamahan nila Ian at Dean si Josh sa nililigawan nya? Lihim akong natawa dahil don, hindi ko akalaing may nililigawan pala si Sleepy.
Ano kayang sinasabi nya sa manliligaw nya? baka naman nakakunot ang noo nya pag tinatanong nya ang babae ng 'Will you be my girlfriend?" hahah! laging nakakunot noo non e!
Humarap ako sa likod, at akmang magsasalita na ng makita ko kung sino ang tumambad sa akin. Biglang sumikip ang dibdib ko!
"Anong–" hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil nakakatakot ang kaluluwang nasa harap ko, hindi sya si Justin!
"Ju–Julio?" kinakabahan kong saad. Nagpakawala naman sya ng isang malaking ngisi. OmyGosh! Hinawakan nya ang kamay ko at saka ako hinila.
Nagwala ako, at tinangkang alisin ang mga kamay nya mula sa braso ko ngunit sadyang malakas sya kay hindi ko nagawa. Tumawid kami sa kalsada! Nahihintakotan akong lumingon sa kanya ng iwan nya ako sa gitna ng kalsada habang naririnig ko ang paghuni ng busina ng kotseng paparating sa akin!
Nilingon ko muna si Julio na tumatawa, bago ko lingonin ang rumaragasang kotse! No! Gusto kong umalis mula sa kinatatayuan ko ngunit tila ba dumikit na ang mga paa ko sa semento.
"Elyyyyy!" rinig kong sigaw nina James at Andrea pati narin ng mga nakakilala sa akin.
"Aaaaaaaaahhhh!" tili ko ng isang dipa nalang ang layo sa akin ng kotse. Pumikit ako ng mariin at tinakpan ang tenga ko. Ilang sandali na ang nakalipas ngunit wala akong naramdamang tumama sa akin.
"Binibining Corazon?" saad ng isang boses, nag-angat ako ng tingin sa nagsalita at isang mamang hindi ko kilala ang nasa harapan ko at nakasuot ng damit na mahaba ang manggas at kulay maroon ang kulay, ang kanyang pang-ibaba naman ay mahabang pantalon o slack na hindi ko maintindihan kung amo nga ba ang tawag don. Nakatiklop iyon hanggang sa ilalim ng tuhod ng matanda. Inikot ko ang paningin sa paligid, nasan na sina Andrea?Bakit mukhang nasa ikawalong siglo ang nasa paligid ko? bakit kakaiba ang nakikita kong kotse na nasa kalsada?
'Nasan ako?!'
—
BINABASA MO ANG
My Love From 18th Century ✅
Mystery / Thriller"Mahal kita hindi bilang si Corazon, kundi ikaw bilang si Elyon." [EDITING!] All right reserved. © M a y 2018